CHAPTER 39

4 2 0
                                    

[Chapter 39]
















Hindi siya makasagot at parang nauutal pa kung susubukang sumagot.



"Lola! Ano?! Sabihin niyo sa akin!!" Pamimilit ko sa kaniya. Hindi ko na namamalayan ang pag-uugali ko. Ang pinakamahalaga lang sa akin noon ay malaman ang buong pangyayari sa katotohanan.



"Oo." Huminga siya ng malalim, "Sangkot siya sa aksidenteng iyon." Seryoso niyang sagot sa malamig na tono.



Bago ang tonong iyon sa paningin ko. All this time alam naman pala nila, pero hindi nila sinabi sa akin kailanman.



"B-bakit? Bakit ngayon ko lang naririnig ang mga ito?" Tila nasisiraan na ako sa bait sa pamamaraan ko ng pananalita. Paos na ang boses ko pero hindi ako susuko.



"Hindi ko alam na ikaw pala ang anak nila Teodoro at Cheena!" At alam niya pa ang pangalan ng mga magulang ko!



Tumukod ako ng kamay at tinakpan ang mga mata ko sa oras na naramdaman kong luluha na ako. Naiyak na lang ako sa mga nalalaman ko, hindi ko masisi si Lola Linda o kahit sino man.



"Hija, kumalma ka!" Nag-aalalang sumbat niya. Inakma niyang hawakan ang balikat ko pero agad ko itong inalis.



I cleared my throat and resisted from my somber, "Sabihin mo sa'kin ang lahat. Wag mong papalampasin ni isang detalye tungkol dito." Malamig na ang tono ko. Matalim na rin ang pagtingin ko sa kaniya.



"Jenica. . . hindi ako ang nakakaalam ng lahat. Si Fabian iyon."


"Kung siya pala ang nakakaalam, e bakit pinigilan niyo pa ho ako?!" sigaw ko.


"H- Hindi pa pwede ngayon. . . Baka kung ano ang magawa niya sayo! Kung gusto mo siyang kausapin, dapat makatyempo tayo ng pagkakataon."


"Kailan pa po ba 'yang pagkakataong iniisip niyo? Kailangan ko nang malaman ang katotohanan sa lalong madaling panahon!"


"Pasensya ka na, Jenica. Nag-aalala lang ako sayo. Si Fabian ay hindi isang ligtas na tao, kaya dapat natin matyempuhan na makausap siya."


Napapikit ako sa paghahabol ng hininga. Para akong mahihimatay sa lahat ng mga nalalaman ko ngayon. Ayaw pa sabihin sa akin ni Lola Linda.



Si Fabian ang susi ko sa katotohanang hinahanap ko. Ngayon lang ako magpapakumbaba sa kaniya dahil kailangan ko siyang matyempuhang makausap. Sana lang ay malaman nila kung gaano kahalaga sa akin ito dahil nagpapakumbaba ako.



Hindi ko kinayang harapin pa si Lola Linda. Maayos naman na sila ni Princess kaya iniwan ko na sila at umuwi.



Medyo ginabi ako nang marating ko ang condo ni Luis. Nagulat ako nang malamang wala pa rin sa bahay si Luis. Late siguro ang magiging shooting niya, nauna tuloy ako sa kaniya. Nilapag ko na ang bag ko sa sofa at nagpahinga sa sofa. Tinanggal ko muna sa pagkakabutones ang button polo shirt ko bago ako umupo.

Sounds Of The Night (TWTH Series #2)Where stories live. Discover now