CHAPTER 38

4 2 0
                                    

[Chapter 38]










Ang hirap tiisin na araw-araw naririnig si Miyah na nakikipaglandian sa boyfriend niya sa cellphone. LDR na nga lang kayo ang jejemon niyo pa din.

Inirapan ko na lang ang ingay at itinuon ang pansin sa ginagawang trabaho. Isang contract na lang ang kailangan kong i-print kaya sana manahimik na sila para wala akong kahit anong distraction.

And one type--hit print!

Bigla na lang ako nakaramdam ng kamay sa aking kanang balikat. Nagulat ako na sa paglingon ko ay nanonood pala si Gabrielle sa ginagawa ko sa computer. Namilog lalo ang mata ko nang makita ang namumulang mata ni Gabby. Kaya napatayo ako sa pag-aalala at hinaplos ang pisngi niya, “Gabby?! Anong nangyari sayo? May nagpaiyak ba sayo?” nag-aalala kong tanong. Umiling siya at suminghot.

“Pinapatawag ka ni Wesley.” nangunot ang mata ko sa sinabi niya. Pinapatawag ako ni Wesley?

Teka--parang pinahiran ako ng kaba bigla. Tinapik ko ang balikat niya at ang ulo niya bago ako dumiretso sa opisina ni Wesley. Nagmamadali ako noon dahil ayoko nang maulit ang aksidenteng nangyari kaninang umaga.

Pagpasok ko ng opisina niya ay nadatnan ko siyang problemadong naghahawi ng buhok ng paulit-ulit. Nahuli niya ang tingin ko at biglang ngumiti, pero para namang pilit ang pag-ngiti niya.

“Hello, Jenica. Please take a seat.” sabi niya sa kalmadong tono.

Umupo ako sa sofa sa harap ng desk niya at tumingin sa kaniya, “As you may know, pinapunta kita dito dahil may ibabalita sana ako sayo.” 

“Ano po iyon?”

“It’s about the commercial. It was a huge hit in the internet! You truly have a magical hand.” puri niya.
Natuwa ako nang malaman ang balita. I’m pretty sure magagalak si Luis nito kapag nalaman niya!

“Tumaas ang stocks natin dahil sa naging stocks mo, Jenica. I am actually thinking of giving you a bonus for this.” he happily decided. Then he had his hands intetwined as he lean closer to my side.

“I don’t know. . .” medyo natatawa ako, “Hindi na ako hihindi sa bonus, Sir.” natawa ako ulit.

Tinawanan din ako ni Wesley at nauwi ang usapan namin sa tawanan, nang biglang kumatok at pumasok si Magnus. He had his phone with him when he walked approached Wesley.
“I think I lost my ticket.” sabi niya habang paulit-ulit na hinahanap sa trousers niya.

“Lost?! You’ve got to be kidding me!” Wesley panicked.

Kumatok at pumasok naman si Gabrielle. Saktong pagbukas niya ng pinto ay nagtama sila ng tingin ni Wesley. It was some sort of unpleasant eye contact they had for each other. Clearly, they were going through some bitterness in their relationship. Me and Magnus proved it now.

“Sir Magnus, nahulog niyo po kanina.” nahihiya pang sabi ni Gabrielle.

Hindi tumango si Magnus at tanging hinihintay si Gabrielle na magkusang iabot ito sa kaniya. What is Magnus plotting?! Alam niya namang may kung anong tensyon sa dalawa pero lalo niya pang pinagsasama.

Walang ibang choice si Gabrielle kundi lumapit. Bumuntong-hininga siya at lumapit kay Magnus saka niya inabot ang ticket nito. Magnus thanked her as he grabs the ticket from Gabrielle. He even winked at her! Hindi na ako nagtaka nung inismidan siya ni Wesley. Nakaalis na si Gabrielle at nagbaling ng pansin ang lahat kay Magnus.

“I-. . . I didn’t know.” nahihiya niyang katwiran.

Umirap sa kaniya si Wesley at lumingon sa akin, “Jenica, do you want to come with us? We’re going to spend the christmas in Finland.” alok niya.

Sounds Of The Night (TWTH Series #2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora