CHAPTER 32

7 3 0
                                    

[Chapter 32]







"Ah gano'n ba? Papasok na 'ko." I wanted to avoid his questions so bad. Kaya ginawa kong excuse ang trabaho ko. Sumugod si Luis at inagaw ang kamay ko.

Ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Luis na labis ang panlulumo sa isang babae. What could this possibly mean?

"Luis, ano ba?! Bitawan mo 'ko at papasok na ako." pakiusap ko sa kaniya. Mistulang tumatalon lang sa kaniya ang mga salitang binibitawan ko kapag hinaharap niya sa'kin ang mga matang sa'kin lang nakatitig. Balewala ang mga reklamo ko kung ganyan kahigpit ang pagkapit niya sa aking kamay. Kita ko ang mukha niyang nagnungunot sa panlalamlam. Hinatak niya ako papunta sa kotse at pinapasok ako sa loob. Pumasok na rin siya sa kabila at sinimulang paandarin ang kotse. Sa oras na umandar na ito ay agad niyang pinaharurot ang kotse papunta sa kung saan man niya ako dadalhin.

"Luis, itigil mo ang kotse!" sigaw ko.

Hindi na naman siya sumasagot at tanging nakatuon ang pansin sa pagmamaneho. Naiirita ako dahil kanina niya pa ako hindi sinasagot. Nakasimangot lang at matindi ang pagtingin sa aking mga mata. Para bang napakalaki talaga ang kinikimkim e dapat ako ang may mas mabigat na kinikimkim. Hindi ko na rin masabi ang totoo sa kaniya, na oo siya nga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Pinlano kong 'wag na sabihin dahil alam kong lalaki lang ang problema, mas mabuti pang iwasan na lang ang isa't-isa.

"Luis, please itigil mo na lang 'to!" ang pinakamalakas kong sigaw na nagpasindak kay Luis sa pagpapaharurot ng kotse. Tumigil ang kotse sa tabi ng tulay, agad kong binuksan ang bintana para makalanghap ng hangin. Tahimik lang kami pareho at sa buong minuto'y wala man lang nagsalita. Pero nagsalita rin si Luis kinalaunan, that response was what I've been waiting for all this time, "I-. . . . I'm sorry-" bakas sa tono niya na taimtim ang paghingi ng paumanhin. 'Di niya na pinatagal pa, huminga siya ng malalim saka niya binaling sa kabila ang kotse. Tutal nasa kotse na din naman na kami, diniretso niya na ako sa trabaho at hinatid doon. It was exactly 9 of the morning kaya hindi kami nakatakas sa tinginan ng mga katrabaho ko. Kitang-kita nilang lahat kung paano ako hinatid ni Luis sa gusali. Naging kumpulan tuloy kami ng chismis! Lahat sila ay nakatitig kay Luis pero si Luis naman ay walang pakialam na sa'kin lang nakatuon ang atensyon.

"Take care." nahihiya niyang paalam bago niya pinaandar ulit ang kotse at tuluyan nang umalis.

Hanggang ngayon, dama ko pa din ang panginginig ng katawan ko at ang pagtayo ng mga buhok ko sa katawan. Kabado ako sa buong oras na ginugol namin ni Luis. Hindi ko na ata kayang ipagpatuloy pa dahil dalawang araw na rin kaming may distansya sa isa't-isa.

"Natatakot ako--na--kapag pinagpatuloy ko 'to-- tuluyan ko na talaga siyang mawawala." naiiyak kong pag-amin kay Miyah. Nakahiga ang ulo ko sa balikat niya. Lunch break namin at masyadong napaaga ang pagkain namin ng lunch kaya ngayon nakatambay kami sa rooftop ng building namin. Mapayapa roon at mahangin. Hinihimas-himas ni Miyah ang ulo ko habang nakatingin siya sa langit, "Mabuti naman at umamin ka din." pang-asar niya. "Ano nang gagawin ko te?!" sigaw ko na malapit nang maiyak.

"Kumalma ka nga!" napansin kong medyo nagiging OA na nga ako kaya umupo na ako ng tuwid at nagpakatatag.

"Ano bang gusto mong mangyari?" tanong niya. Napaisip ako. Huminga ako ng malalim bago ko siya sinagot, "Anong gusto ko? . . . . ayoko lang na tuluyang mawala siya. Pero hindi ko magawang lumapit sa kaniya. Alam mo 'yon 'te? Gusto kong dumistansya pero ayaw kong mapariwala siya sa piling ko." ayaw mawala sa ekspresyon ng mukha ko ang pagkabahala sa mga sitwasyong maaaring mangyari kapag pinagpatuloy ko pa ang pagmamaktol ko. "Jenica, don't jump into conclusions nga sabi nila. Ano ba kasi ang rason ng pagdidistansya mo? Eme ka pa at nagpapaka-hard to get pa." she rolled her eyes at pinunasan ang ulo ng panyo. "Eh. . . kasi nga nagseselos ako. Pero 'di ko din masabi sa kaniya na nagseselos ako."

Sounds Of The Night (TWTH Series #2)Where stories live. Discover now