CHAPTER 18

10 7 0
                                    

[Chapter 18]









"Oo. Tumahimik ka at salubungin mo sila ng maayos. Kanina ka pa nila gustong makita." ang bulong kong sita kay Luis. 

Dahan-dahan siyang naglakad sa loob upang makaiwas na makagawa ng kung anong ingay. Lumabas ako noon para magtapon ng basura at pagkabalik ko ay nandun pa din siya, hindi umi-imik at hindi dumidiretso. Maingat ako sa pagsara ng pinto at sinisiguradong hindi 'to makakagawa ng kahit anong ingay. Tinapik ko ang balikat ni Luis saka ngumisi. Tumango siya saka ulit dahan-dahang gumalaw.

Pero ang maingat naming galaw ay nabalewala. Princess stood from the sofa and cluelessly leaned her head by our side. Sabay tigil kami pareho habang ang mga bibig ay nbumuka sa gulat. Noong una ay walang-malay siyang nakatingin sa'min hanggang sa namilog ang mga mata niya sa realisasyon. 

"Kuya Luis!" nanigas siya agad nang agaw atensyong sumigaw si Princess. Tumakbo siya papunta kay Luis saka 'to kinulong sa isang mahigpit na yakap. . . kahit na ang tuhod lang ang abot nito dahil sa katangkaran ni Luis.

"Kita mo nang napakaliit ng bata. . ayaw mo pang kalungin." bulong ko sa kaniya. Nakakatuwa silang tignan. Si Princess, tuwang-tuwa, ang isa naman, kala mo pinagkaitan kung makaismid.

Nakatayo lang si Lola Linda sa tapat ng sofa habang patuloy sa pagkiskis ng mukha si Princess sa tuhod ni Luis. Hindi na masama dahil napilitan na lang din si Luis na kalungin at yakapin si Princess.

"B- Bakit po kayo nandito, Lola?" tanong niya, with a hint of stammer. I don't know why but somehow he feels nervous being captured in his own house.

"Gusto ko lang namin makita, Hijo. Matagal tagal na din noong nakita ka namin. Nakain mo ba 'yong egg pie na pinabigay ko sa Hija?" Mahinhin ang boses ni Lola Linda, malamig na parang nanghihina ang dating, siguro ay dahil na rin sa katandaan.

"Ahh. Opo nakain ko po. Masarap po." Sagot ni Luis. Siguraduhin niya lang na totoo 'yan at nagsasabi siya ng totoo. Napangiti si Lola Linda sa sinabi niya kaya naman inabutan niya pa ulit ng isang egg pie si Luis.

"Mabuti naman. Oh iiwanan na kita ng egg pie dito para hindi ka magutom." Naglagay ng mga egg pie si Lola Linda sa may suksok ng bowl sa island table ng kusina.

"Lola Linda! Dito na po kayo mag-dinner!" Alok ko sa kanila na nagpamilog ng mga mata ni Luis. Why so surprised? Ano ba ang gusto niya, pauuwiin ko sila ng gutom? Handa naman akong magluto, baka siya ang hindi; tinatamad magluto.

Bago pa man ako magbalak ng lulutuin, tinanggihan na ni Lola ang alok ko na dito sila pakainin. Sa pag-iling niya sabay sabi, "Naku, hindi na. Ayos lang kami ni Princess, baka makaabala pa kami."

Pero agad itong sinagot ni Luis na mukhang naalarma sa sinabi ni Lola, "Dito na po kayo kumain, Lola. Hindi po kayo abala sa'min. Kaunting salo-salo lang naman po." akala ko ay nasiyahan siya sa pagtanggi ni Lola pero hindi pala. Kung hindi pa si Luis ang magsasalita, mukhang tuluyan nang aalis ang maglola. Ayun, wala tuloy nagawa ang maglola kundi manatili para sa hapunan.

Nagsimula na kami ni Luis na maghanda sa kusina. Bitbit niya ang mga ingredients habang ako naman ay busy sa paglilinis ng mga kutsilyo at iba pang mga sangkalan. Dapat ay uunahin ko nang maghiwa ng carrots pero bigla na lang nagmaktol si Princess nang maupo sila sa dinner table. Hindi nagtagal at naramdaman ko na rin ang senyales sa'kin ni Luis na unahin si Princess at siya nang bahala sa gagawin ko.

Nang huli ko siyang makita noon ay nagkakabit siya ng Apron, hindi ko siya matiis dahil nahihirapan siya sa pagkabit sa likod kaya inuna ko pa rin siyang tulungan. Paglapit ko sa kaniya ay agad kong inagaw ang tali sa likod niya saka ito mahigpit na itinali sa puntong hindi niya ito madaling matatanggal sa pagkakatali. Saktong paghila ko ng tali, napahingal siya sa sikip. Gusto ko sanang tumawa noon pero maririnig kami nina Lola.

Sounds Of The Night (TWTH Series #2)Where stories live. Discover now