CHAPTER 12

14 7 4
                                    

[Chapter 12]





Nangunot ang noo ni Luis sa labis na pag-aalala nang makita niya 'ko sa aktong nasugatan ang kamay. 'Di ko naman lubos akalain na ganyan ang magiging reaksyon niya kasi 'di naman talaga siya ganyan ang pagtrato niya sa'kin.

Tinaas niya ang napuruhan kong kamay saka niya sinipsip ang dugo sa daliri. Laking gulat ko ng gawin niya sa daliri ko iyon, to the point na malapit na akong mandiri. Kahit pa sipsipin niya ang dugo ay marami pa ring dugong tumutulo sa daliri ko kaya naman hinatak niya na lang ako bigla papunta sa lababo at hinugasan ang kamay ko gamit ang mga kamay niya. Magpapakatapat na ako, kakaiba ang feeling na hima-himayin ng kamay ni Luis. Para bang masarap sa feeling na parang nakaka-anxious, basta 'di ko talaga mapaliwanag.

Sa buong oras na hinuhugasan niya ang kamay ko, nakatingin lang ako sa mukha niya na focused na focused sa ginagawa niya sa'kin, wala na nga akong naramdamang sakit eh. Kanina lang mahapdi pa ang pakiramdam, ngayon, halos mamanhid na ang pakiramdam. Matapos niya 'kong linisan, ay saka niya lang binitawan ang kamay ko.

"Ano namang nangyari dito ha?" biglang salita niya. Natigil ako at bumalik sa aking sarili, kanina kasi ang dami ko pang naiisip habang nakatitig ako sa kaniya. "W- W- Wala yan. . ." ang sagot ko sa kaniya na parang hindi naman kapani-paniwala sa pandinig niya.

Umalis si Luis na walang kahit anumang sinasabi, akala ko nga pinabayaan na niya ko pero bumalik din siya na may hawak na band-aid. Lumapit siya sa'kin ng malapit na malapit, yung tipong magkakadikit na ang mga noo namin. Nakayuko lang siya at nakapokus ang mga mata sa pagbabalot sa daliri ko ng band-aid. "Ano ba. . magsalita ka naman. Nakakakaba eh." request ko sa kaniya. This whole time binubudburan talaga ako ng hiya sa loob ko.

"Hindi ba dapat ako yung nakakakaba? You're out here cooking for me but now I got you hurt." sagot niya na parang pinagsisisihan niya na ang pagiging maligalig kanina nang ma-excite siya sa nakita niya. 

"'Di mo naman kasalanan 'yun eh. Ako ang may kasalanan, I'm sorry." paumanhin ko sa kaniya. 

Inirapan niya lang ako saka niya pinisil ang daliri ko. Masakit kaya natulak ko siya palayo accidentally, "Aray!" sigaw ko. "Apology accepted. Umalis ka na diyan at ako ang magluluto." tila malalaglag ang panga ko sa narinig ko. Parang hindi naman ata makatarungan 'yun dahil may nasisimulan na ako. Nang hinawi niya ako sa island table ay hinarangan ko siya ng kamay, "Teka lang naman, 'di pwede 'yun, ako na ang magluluto." patigil ko sa kaniya.

"No. Are you seriously persisting about this knowing na nasugatan ang daliri mo?" 

"G- Gusto ko lang naman na. . . . na maipagluto ka. Tutal ako naman na ang naglinis ng buong bahay, ba't di ko pa i-full package na magluluto ako ng dinner."

Tumaas ang kanang kilay ni Luis na parang nagsisimulang magkainteres sa binalak ko, "Full package? Is cleaning and cooking a full package to you? Well let me tell you this, Jenica Acab. What you call full package of cleaning and cooking is called a housewife role, and being a housewife doesn't only tackle on cleaning and cooking, you also take the role of pleasing your husband."

Sa sinabi pa lang ni Luis ay agad nang nanlaki ang mata ko, at bilog na bilog ang bibig ko sa gulat. Sinasabi ko na nga ba eh, magsisingit nanaman ng kabastusan 'to.

"Ano ka ba naman!" hiyaw ko. Agad akong umatras papalayo sa kaniya at pinalo ang balikat niya na naging rason ng pagsisimula ng pagngisi niya. 'Yan nanaman siya, pinagkakatuwaan nanaman niya ang pagiging inosente ko. Hindi niya man lang inisip kung gaano nakaka-bother sa'kin 'yon. Ayan na nga eh, tinatakpan ko na lang ang mukha ko, specially sa pisngi ko dahil kita nanaman ang mapupula kong pisngi. 

Sounds Of The Night (TWTH Series #2)Where stories live. Discover now