CHAPTER 10

17 7 5
                                    

[Chapter 10]




Tila nilamon ng kabog ang mga tainga ko sa mga naririnig ko ngayon. Bumagal ang lahat at bumilis ang pagtibok ng puso ko na sa sobra bilis ay nawalan na ako ng bilang sa pagkabog noon. Ang alam ko lang noon ay nakatingin siya sa'kin at natapos sa matagalang titigan, hanggang sa makisabat na naman si Luis sa katahimikan namin.

"You two look so astounded. Come on, somebody say something." pabor niya. Naglakad na lang siya bigla sa kusina saka binuksan ang cabinet sa ibaba ng island table niya saka kumuha ng isang bote ng white wine, hindi na siya nagpatagal pa at siniksik niya sa mga daliri niya ang dalawang wine glass sa cabinet na tabi ng silverwares. Bumalik siya saka nilapag ang lahat sa coffee table sa pagitan ng sofa at TV. 

Ilang minuto na ba ang lumipas kasi nararamdaman ko pa din sa mga noo ko ang diin ng pangungunot ko at lalim ng paglunok ko. Nang makita ko ay umupo na uli si Lucas at ininom bahagya ang white wine na sinalin ni Luis sa isang wine glass. "Luis, kumuha ka pa ng isang baso, iinom din si Jenica." utos niya kay Luis na parang naka sibangot pa sa pagtingin niya sa'kin. Inirapan niya 'ko na parang malditang babae saka pumunta sa kusina ulit para kumuha ng isa pa.

Samantala, nandito pa rin si Lucas na nakatitig sa'kin. Sana lang ay magsalita na siya, o kaya kausapin niya na ako kasi si Luis lang ang kinausap niya.

Nasurpresa ako sa narinig ko. Nang ngumiti siya na parang isang anghel na nagbabakasyon sa mundong ibabaw, at umupo ng padekwatro, "Jenica. . . it's been nice to see you." biglang pagbati ni Lucas. "Take a seat next to me." tinapik niya ang espasyo sa tabi niya na nagpapahiwatig na umupo ako sa tabi niya. Pero sa totoo lang ay ayoko 'yun tanggapin, parang kung kailan pa na na-meet ko na si Lucas, saka pa 'ko kakainin ng pagsisisi at kaba. Hayst! Bakit ngayon pa!!!

"Uh- No thanks! H- Hindi ako umiinom." ay shuta. . . ang hirap naman paniwalaan ng excuse ko.

Tumawa lang si Lucas saka niya ko kinumpronta, "Haha! Talaga ba, Jenica? Hindi ba sabi mo nung bata pa tayo na magiging alcoholic ka para mag mukha kang matured? Come on, Jenica, I know you're making up excuses." patawa-tawa niyang sabi habang binabalik niya ang mga alaala ng nakaraan.

Nakakahiya. Wala na akong iba pang naisagot sa kaniya tutal nilamon na ako ng hiya. Ay ano ba yan! Sobrang pangit na tuloy ng first impression ko sa muling pagkikita namin ni Lucas! "Ahh- Oo nga pala. . ." bulong ko sa'king sarili. Eh sa namimilit si Lucas, sige na uupo na nga. Uupo na sana ako sa tabi niya pero hinatak na lang bigla ni Luis ang kwelyo ng damit ko sa likod saka inabot sa'kin ang wine glass. 

"Luis, ano ba yan?!" sita ni Lucas. "Jenica sits next to me." at nakuha pa talaga ni Luis na pangunahan si Lucas. "No, Jenica will sit next to me. What's up with you, Luis?!" ay teka, bakit parang pinag-aagawan niyo na lang ako?! "W- wait, d- dito na lang ako sa armchair." ewan ko ba, sa sobrang pag-aalala ko ngayon, nagpuputol-putol tuloy ang pananalita ko. Akala ko ay naresolba ko na ang problema pero bago pa maka-move on sa'kin si Luis ay inirapan niya muna ako. Kanina pa talaga masama tingin sa'kin nito eh, kung wala lang si Lucas, bira 'to sa'kin.

"You're being weird, Luis." sita ulit ni Lucas kay Luis na agad nagpalit ng ekspresyon ng mukha. "Nothing to worry, bro. Kamusta na pala-" naputol ang sasabihin ni Luis nang sumingit ng salita si Lucas sa kalagitnaan, "So Jenica, how have you been? Sobrang dami kong kung gustong malaman since sobrang tagal din ng more than 10 years." 'yun ba ang topic na in-effortan pa ni Lucas na isingit kay Luis? Kitang kita sa mukha ni Luis kung gaano ka dismayado siya nang marinig ang ipinampalit na paksa ni Lucas.

Wala na akong nagawa kundi sagutin si Lucas, isa pa ay pareho lang kami ng goal sa isa't-isa, gusto ko lang din naman malaman ang lahat, at lowkey hoping na makapagpaliwanag siya kung pa'no lumabas sa buhay niya bigla si Luis.

Sounds Of The Night (TWTH Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum