CHAPTER 9

16 8 0
                                    

[Chapter 9]





Naabutan ng aking pandinig ang tunog ng pagbukas ng pinto ni Luis. Nakarinig pa ako ng tawa ng babae. May dala palang babae si Luis ngayon, sabi niya pa ay titignan niya ang linis ko detail by detail pag-uwi niya, yun naman pala ay magdadala pa ng babae. Sige, tutal nagdala ka naman ng isa pang babae sa bahay mo, magsama kayo i-check ang paglilinis ko para naman double checking.

Ewan ko ba ba't ako naiirita, eh samantalang nasa sitwasyon ako na si Luis ang mas lalong magagalit. Maya-maya lang ay pagapang akong lumabas ng kwarto niya na hawak patago ang nasirang brief at saka nakinig sa dalawa ng mas malapit. Hindi naman nila ako kita kasi nakatago ako against the wall. Sumilip ako saka ko nakita ang halikan ni Luis at kung sino mang babae ang dala niya. Ang alam ko lang ay maganda ang babae. . . parang model ang datingan. . . pa'no naman kasi eh ang tangkad tangkad niya, para bang dalawang inches lang ang tinangkad ni Luis sa kaniya knowing na 6'1 and height ni Luis. 

In fairness, hindi bumibitaw sa halikan itong si Luis eh, ewan ko ba sa babae kung nakakahinga pa 'to ng maayos. Patuloy lang ang halikan ng dalawa sa may sala hanggang sa makita kong binuhat ni Luis ang babae at ipina-upo ito sa island table ng kusina niya saka niya ito nilantad ng halik. 

Panay haplos rin si Luis sa mga binti at hita ng babae, saka na niya tinanggal ng tuluyan ang cheetah print spaghetti-strapped top niya hanggang sa ang black bra na lang niya ang naiwan. Nilantad niya ulit ito ng haplos. . . simula sa tiyan niya, pataas sa gilid ng torso niya, pataas sa dibdib niya na kung haplusin niya ay parang pinaglalaruan niya ito.

'Di ko na talaga kayang panoorin ito! Alam ko kung san din papatungo itong malisosyong halikan nila at 'yun ang pinaka-iniiwasan kong ma-witness. Umatras na ako saka gumapang pabalik. Sobrang kaunti na lang ang oras na meron ako para solusyunan ang nabutas na underwear. Hindi eh. . . imposibleng maayos ko 'to ng dalawa o limang minuto. . . saka ang tanga ko naman! Pa'no ko nga ba aayusin 'to eh wala namang gamit pangtahi dito.

And before I knew it. . . naglalakad na pala ang dalawa papunta dito. Lalabas pa sana ako para makatakas pero masyado nang huli ang lahat. Hayst! Ayan na sila! Wala na akong naging ibang choice kundi magtago sa malaking mirrored wardrobe ni Luis sa kwarto niya. Madilim noon pero may maliit na butas doon para makasilip sa ganap sa labas. Nakatakip naman ang kamay sa bibig ko para hindi na ako makagawa pa ng kahit anong kahina-hinalang tunog. Mamaya eh baka matunton nila ko dito.

Sumilip ako ulit sa butas kung saan nakita ko ang dalawa na nagtatanggal ng mga damit nila. Bago pa man tuluyan na hubarin ni Luis ang damit pang itaas niya ay pinikit ko na ang mga mata ko saka lumayo sa butas. Sinasabi ko na nga ba eh. . . iyon at iyon lang din ang papupuntahan nila. Jusko si Luis! Sana nag-rent nalang ng room sa hotel. Nakalimutan niya ata na nandito pa'ko eh. Anong oras na ba? Shuta. . . wala akong relo at hindi ko din alam kung anong oras na!

Maya-maya lang ay nakarinig na'ko ng pag-ungol ng babae sa labas. Hayst!! Sobrang nakakahiya na talaga ang sinapit ko dito, pa'no na?! Itong brief. . . hayaan ko na lang kaya? Hindi. . magagalit naman sa'kin si Luis at papalayasin ako dito.

Konting kibot na lang talaga ay maiiyak na 'ko sa kaba ng bigla na lang magbago ang ihip ng hangin sa mga salita nila. Iyong babae kasi, bigla na lang minura ng paulit ulit si Luis. Nagtaka din ako bakit niya minura si Luis, galit na galit wala ba munang pasaglit? Nang sumilip ako ulit sa butas, doon ko nakitang itulak ng babae si Luis kaya naman napadiin siya sa kama habang ang babae nama'y nagmamadaling magbihis ulit.

"What the hell?!" reklamo ni Luis, habang inirapan lang siya ng babae, "Damn you!" mura ng babae bago siya maglayas at 'di na bumalik pa. Sinubukan pa nga siyang habulin ni Luis sa labas. At 'yun nga ang naging pagkakataon ko para makalabas. 'yun din ang akala ko eh. Pero saktong paggapang ko papalabas ng kwarto niya ay doon naman siya saktong nahuli ako. Alam kong labis ang pagkagulat niya para makita ako, bumababa pa nga ang tingin niya sa hawak kong brief na butas butas. Akala ko'y galit siya dahil nasira ko ang brief niya pero nakakapagtakang nakangiti pa siya ngayon. Sinundan niya ito ng malisosyong tawa na parang pinagkakatuwaan niya pa ako, "Ohh~ What is that you're holding, Jenica?" tanong niya na nakatonong parang nang-aakit.

Sounds Of The Night (TWTH Series #2)Where stories live. Discover now