CHAPTER 8

11 7 1
                                    

[Chapter 8]






. . . . Lucas?

Ano 'yon? Parang nahagip ng mga mata ko si Lucas. Nang dumilat ang mga mata ko, nakita ko ang sarili kong nakahiga sa damuhan, sa tabi ng isang matandang puno na may mga naglalagas pang dahon na nahuhulog sa noo ko. Umupo ako at nakita ng mga mata ko ang lugar na kinatatayuan ko. Napakagandang patag ng damuhan na may magandang lokasyon para sa pagsilang ng araw. Gandang-ganda ako kahit na pala-isipan para sa'kin kung pa'no ba talaga ako napunta dito. Sa pagkakatanda ko kasi ay natulog ako kila Luis, to be exact, sa bahay niya. . . ulit. Nakakabighani at nakakapagpakalma talaga ang tanawing natatanaw ng mata ko ngayon. Habang nakatitig ako ng matagal sa tanawing iyon ay unti-unting may lumalabas na anino ng isang tao na tila ba'y papalapit sa direksiyon ko. Nangunot ang mga kilay ko sa pag-aabang sa taong papalapit sa'kin. Matagal ang inabot niya para mas lalo pang makalapit sa'kin. Malawak kasi ang damuhan noon at maganda ang tindi ng araw ngayon. Nakita ko na rin sa wakas ang hagip ng mukha niya. Lalaki pala ang naglalakad. Teka. . . si Lucas ba 'yon?! Oh my gosh, si Lucas nga! At ano naman ang ginagawa niya dito? Pa'no niya nalaman kung nasaan ako?

Tumigil sa'king harapan si Lucas at tumuwad pababa para lapitan ang ulo ko. Sobrang lapit lang ng mga ulo namin sa isa't-isa! Kaunti na lang ay mag-untugan na an mga ulo namin sa sobrang lapit. Ngumiti siya na abot langit ang atake. Sa simula pa lang talaga ay alam ko nang may espesyal na atake ng kaguwapuhan si Lucas. Iyong mahahaba niyang pilit-mata (pero sa tingin ko ay mas mahaba ang mga pilit mata ni Luis?" at mga mata niyang nagkukulay lemon 'pag nasisinagan ng araw, at ang kulay rosas niyang labi na matagal ko nang gustong halikan. Oh my Lucas! Oh my Luis! . . . . . Luis? Sa oras na sinisigaw na ng puso ko ang pangalan ni Lucas, 'di ko na namalayan na pangalan na pala ni Luis ang binabanggit ko, doon ko lang na-realize na bigla na lang nagbago ang mukha ng lalaki at nagmistulang mukha ni Luis ang tumambad ngayon, nakangiti at mapaglarong nagpapakababaw ang mata niya na tila nang-aakit. Nakakagulat ka naman kuya! Napa-usod ako patalikod sa labis na gulat na sinapit ko. Ano ba naman kasi yan Luis, bakit ka ba nandito?

Sa pagdilat ng mata ko, alam ko totoo na talaga 'to. Gosh- nananaginip lang pala 'ko eh. No need to worry. Kaso sa paggising ko ay mukha nga talaga ni Luis ang tumambad sa harap ko. Sobrang lapit ng ulo niya sa ulo ko, na-untog tuloy ako nang magulat ako sa kaniya. Grabe, Luis, hanggang sa panaginip ba ha-huntingin mo ko? Natural na sasakit ang ulo ko, napahimas tuloy ako sa sobrang sakit, kasalanan niya kung ba't ako na-untog kaya mag-sorry siya! Parang tanga naman kasi, natutulog yung tao tas gigisingin mo napakalapit ng ulo sa mukha mo.

Nangilo din naman sa sakit si Luis dahil sa pagkaka-untog naming dalawa. Napa-upo naman ako sa kama habang ang mga kamay ko'y mahigpit na nakahawak sa kumot ng kama ko. Hindi kasi ako kumportable sa mga nangyayari ngayon. Mukhang may pupuntahan si Luis? Panglakad kasi ang suot niya ngayon, medyo smart casual, o baka usual na pambahay niya na 'yan? 'Di natin sure, baka ganon talaga kagarbo ang mga mayayaman. He was wearing a rolled-up New Wave t-shirt tucked in black wide leg slacks. May nakasuot ding silver rings sa daliri niya sa kaliwang kamay, at may nakatago din palang silver chained necklace sa kaniya. Siyempre, medyo mahaba din kasi ang buhok niya kaya naka middle part flow ang style noon. In fairness, sa fashion style part ko lang siya kayang purihin.

"Ouch?! Ano ka ba naman?! Ano bang ginagawa mo d'yan at bigla ka nalang sumusulpot kahit sa paggising ko?!" reklamo ko sa kaniya. "How am I supposed to not act this way? Nakakairita ka din naman!" mataray na sagot niya sa'kin. Wow, tinatapatan mo na taray ko ngayon ah? Sige sige G ako, malinaw naman na sa'ting dalawa kung sino ang tunay na malinis, at ako 'yon. "Wala naman akong sinasabi na nakakairita ka ah." sarkastikong sagot ko sa kaniya. Totoo talaga na naiirita din ako sa kaniya like. . . 'di ba obvious?! Ang point ko lang ay hindi ko naman sinabi sa kaniya yon verbally. "Ah basta! May taping ako ngayon, since you're being a useless freeloader here, why don't you do me a favor?" bago sa pandinig ko na magtanong siya ng favor, ano bang klaseng pabor yan? Pili lang honestly yung mga ginagawa kong pabor, pass 'pag maglilinis ng bahay ah. "Ano ba yun?" tanong ko sa kaniya kasi G naman ako sa mga ipapagawa niya, nakakahiya din naman dahil nakikitulog ako sa puder niya tas wala naman ako gagawin. "Don't tell me you don't know what a freeloader is?" pabalik na tanong niya. "Ano?! Gago! Sabi ko ano ba 'yung favor mo, hindi kung ano ibig-sabihin niyan! Gago pala talaga 'to, ano ba akala mo sa'kin, 'di nakaka-intindi ng english?!" mas matindi ang reklamo ko sa kaniya ngayon, at mas malakas ang boses. Sobrang nakaka-ulirat na eh! Tatanggapin ko na nga 'yang favor niya tas pagmumukhain akong boba! Nako Luis! Sana maka-alis na ako dito!

Luis laughed, seemingly ignorant of how he made me feel. "Oh, my favor! Just clean the whole house. Gusto ko pagbalik ko from work ay malinis na ang buong bahay. And don't you dare cheat on the task. Titignan ko detail by detail 'yan pag-uwi ko. Okay? Okay." Ano?! Sabi ko G ako kahit ano pa yan maliban lang sa paglilinis! Hayst!! Kainis naman, Luis!

Malisosyong nakangiti si Luis sa pagtalikod niya. Sinubukan ko siyang habulin sa labas pero nang maabutan ko siya ay may bitbit na siyang duffel bag saka niya binuksan ang pinto at tuluyan ng umalis. 

Bwisit ka, Luis! Pinagmukha mo pa akong katulong dito! 'Di porket nakiki-stay ako dito eh aalipinin mo na 'ko! Napabuntong hininga na lang ako sa dismaya, saka nagsimulang maglinis. Inuna ko ang kusina dahil kakagamit niya lang noon bago siya umalis, halata sa mga tapon ng bread crumbs niya, pero bukod doon ay wala naman nang ibang kalat akong nakita. Kung tutuusin ay mukhang malinis na tao si Luis, maganda ang bahay niya, akala ko kaya lang malinis ang bahay niya ay baka may nagro-room service dito. . . tapos. . . kasi kilala ko naman na si Luis. . manyakol yan. . . baka may ginagawa siya sa nagro-room service. Hayst! Bakit ba naiisip ko'ng mga 'to! Hays. . 'di bale na, mas mabuti pa na simulan ko nalang na maglinis ng bahay, para naman pagdating ni Luis ay malinis at maganda ang kahihinatnan niya. Pagkatapos kong linisin ang kusina ay sinunod ko naman ang sala. Isa sa mga paborito kong parte ng bahay niya ang sala niya, kahit na nasa tabi lang ito ng kusina ay maganda pa rin talaga para sa'kin ang ayos nito. Maaliwalas at moderno. Kaya naman napadali para sa'kin ang paglilinis, saka nag-eenjoy din ako dito kahit na nung una'y labag pa sa loob ko na gawin 'to. 

Sa gitna ng paglilinis ko ay may nakita akong pile of magazines sa may end table katabi ng sofa. Agaw-pansin dahil kita agad ang mukha ni Luis sa cover nito. Cover model pala siya ng summer collection series ng Mega Magazine. Nang damputin ko ang magazine ay may isa pa palang magazine na siya ang cover, at dalawa pa! From Mega Magazine covers, Vogue Philippines, at Preview Philippines. I guess I underestimated Luis. His fame is no lie, here lies the evidence. Bigla tuloy ako nakaramdam ng intimidation ng walang rason, pero siguro ay dahil 'yun sa fame ni Luis. Para bang sinusumpong ako ng anxiety. Nandito ako ngayon sa bahay ng isang popular na aktor, at ka-feud ko pa ang aktor!

Natapos na din ako sa wakas sa sala kaya sinunod ko ang mga kwarto namin. Syempre inuna ko ang kwarto ko, then nilinis ko na ang kwarto ni Luis. Grabe, mas nakakakaba pasukin ang kwarto ni Luis, naaalala ko nanaman iyong oras na sinubukan niya kong pagsamantalahan. Kahit pa ganon ay pumasok pa rin ako at sinubukang makapag-focus sa paglilinis ng hindi naiilang. 'Yun pa nung linisin ko ang desk niya sa kwarto niya ay may hindi inaasahang mahigop ang vacuum ko. Kainis! Sabi nang dapat walis nalang ang ginamit ko eh! Nang yumuko ako ay nakita ko ang kulay green na brief na naka-stuck sa vacuum. Pinatay ko muna ang vacuum saka kinuha ang brief doon. Oh shit! Hindi ko maalis! Oh my god pano na 'yan?! Unti-unti nang nagpapanic ang ulo ko non kaya I tried harder pulling the brief from the vacuum, pero ayaw eh kaya nilakas ko pa lalo ang hatak, until it tore apart. . . OH MY GOD!!!! Sigaw ko na tumagos sa buong lugar. Oh my god pano na ang gagawin ko dito?! Yari ako kay Luis pagdating niya!! 


Sounds Of The Night (TWTH Series #2)Where stories live. Discover now