CHAPTER 6

13 8 0
                                    

[Chapter 6]






Ilang minuto lang ay dumating na si Rhoanne. Saktong pagdating niya ay nagwala na siya sa mga pulis para lutasin ng maayos ang aking kaso. Ang dalawang magkasintahan naman ay patuloy na pinaglalaban na mabalik ang kanilang bahay.

"Sir! Sige hayaan ko na po, bigay na lang po yung bahay nila." Pinili kong mas maging mapagkumbaba sa oras na yon. Nang sabihin ko ang aking napagpasiya ay pinalo ako ni Rhoanne sa'king braso. Angking gulat nang gawin niya iyon, nang hindi ko mamalayan ay nakauwi na pala ang magkasintahan. Binalikan ako ng mga pulis ng may dalang mga papel.

Ipinakita nila sa'kin ang mga broken records ng mga biktima ng property scams sa nakalipas. Isa na pala ako sa kanila ngayon. Bumuntong-hininga na lamang ako sa sobrang pagsisisi. Tinanong ko naman ang pulisya kung ano ang pwede kong magawa bilang solusyon sa perang nawaglas.

"Wala naman po kayong kahit anong contact niya kaya imposible pong ma-trace ang nanloko sainyo." sabi ng pulis. Kumagat muna siya sa kaniyang strawberry-flavored donut tsaka siya umalis sa desk. Naiwan kami ni Rhoanne, parehong pagod. Nang makita ko ang pagbuntonghininga ni Rhoanne ng malalim ay nakonsensya ako, ayoko na sanang gambalain siya sa pagpapahinga niya pero eto, nandito kami ngayon nangongorblema imbis na namamahinga.

Hindi naman nagtagal at napansin din ni Rhoanne na lumalala na ang stress ko nang ilapag niya ang kaniyang mga kamay sa balikat ko. Liningon ko siya at ngumiti na parang pinilit na lang itaas ang labi.

"Sorry, Jenica. Alam ko kakadating mo lang sa bansa pero gan'to na agad ang sinapit mo. Di bale, kakausapin ko mga magulang ko, baka sakaling kaawaan ka nila." Malambing na pagtawad ni Rhoanne. Hindi na niya dapat pa akong intindihin! Siguro nga ay napahigpit agad ang pagbati sa 'kin ng Pilipinas. . . Haha. . Pero hindi ipig sabihin no'n na sumusuko na ako.

"Wag mo na akong intindihin pa, Rhoanne! Kaya ko na 'to. Isa pa, baka patuluyin na ako ni Lucas sa bahay niya MISMO this time." Gusto ko man pero kinailangan kong i-turn down ang offer niya.

"Jenica. . Eto nanaman tayo eh. Hindi ba pinaliwanag ko na sayo yan? Hindi natin alam kung gusto ka nga ba talagang makita ni Lucas kasi kung gusto niya talaga, edi dapat ngayon pa lang oh kahapon pa lang ay nakipagkita na siya sayo." Hanggang ngayon pa din pala ay mainit ang dugo ni Rhoanne kay Lucas dahil ilang araw na akong hindi kinikita ni Lucas. Napabuntong hininga ako sa pakikinig pa lang sa mga sermon niya tungkol kay Lucas, pero kahit anong gawin ko naman ay hindi magbabago ang tingin niya sa kaniya dahil may punto rin naman siya sa mga detalyeng pino-point out niya.
"Alam ko yun, Rhoanne, pero we never know? Tsaka may tiwala ako kay Lucas, never niya pa 'ko binigo." kahit naman anong mangyari, dedepensahan at dedepensahan ko rin si Lucas, ganun ko siya kamahal eh.

Nandilim ang mga mata ni Rhoanne sa'kin matapos niyang marinig ang pangdedepensa ko nanaman kay Lucas tsaka niya ako hinampas sa ulo ng pabiro, "Kung 'di ka ba naman tanga sa pag-ibig eh!" inirapan niya ako matapos niya 'kong pagalitan. Alam kong nag-aalala lang siya pero ayos lang, sanay naman na akong mahampas ni Rhoanne, ganyan na siya kahit mga bata pa lang kami. Mas nagsisilbing ate kasi sakin si Rhoanne kahit na mas matanda ako sa kaniya. Nung nakilala niya si Chester, pinapagalitan ko rin siya at mas nagmistula akong ate niya noong bago-bago pa lang ang relasyon nila ni Chester, buti rin at nakabawi ako sakaniya ng pagalit no'n pero sa totoo lang ay mahirap din talagang pagkatiwalaan si Chester dahil sa mga unang pagkikita nila ay nakilala si Chester bilang playboy sa college campus nila, kasabayan ko kasi siya ng college habang si Rhoanne naman ay bumibisita sa'kin paminsan-minsan.

"Oo na teh! Sabi ko nga. . ." wala rin akong nagawa sa mga panenermon niya, kung tanga edi tanga! 

Kinuha ko na ang cellphone ko sa bulsa ko tsaka ko tinawagan si Lucas. Sakto rin at nakatulog na si Rhoanne sa balikat ko noon, magandang pagkakataon ito para makausap ko na si Lucas. Kung nalaman ni Rhoanne na tinawagan ko si Lucas ay baka matamaan niya nanaman ako sa ulo. Tinipa ko ang number ni Lucas tsaka ko siya sinubukang tawagan. Lumipas ang isang minuto at hindi pa rin sumasagot kaya tinawagan ko ulit pero matagal pa rin ang inabot kaya naman tinangka ko nang patayin ang tawag. Why does it seem like Lucas' presence will never light in me? Hindi niya ako kinikita at bihira kaming mag-interact. Baka nga tama si Rhoanne. . . Sa oras na akala ko'y hindi na sasagot ang tawag, saktong sa pag-tangka ng aking daliri na patayin ang tawag ay sumagot na siya. Sobrang tuwa ko nang sa wakas ay may narinig akong boses lalaki sa tawag.

Sounds Of The Night (TWTH Series #2)Where stories live. Discover now