CHAPTER 3

16 9 1
                                    

[Chapter 3]









Bumukas ang pinto at ang tanging tao na bumuligta sa aking harapan ay.... hindi si Lucas! Agad akong nagtaka kung sino ba itong nagbukas ng pinto para sa'kin. Ang malala pa dito ay wala siyang damit pang-itaas kaya kitang-kita ko ang naglalakihan niyang muscles at six-pack abs! Naka-tapis naman siya sa kaniyang pang-ibaba, kaya't kapansin-pansin ang basa niyang buhok at ang kaniyang agos ng pawis sa leeg. Nang pagmasdan ko ang kaniyang mukha ay dali-dali akong nabighani kung gaano ka-gwapo ang taong ito! Sino ba ang taong ito?!

"Who are you? Are you another stalker? Paparazzi? Look, kahit na wala kang camerang dala, alam kong isa ka nanaman sa mga paparazzi this month! Shoo!" how rude! At ganiyan pa ang turing niya sa'kin! Sino ba siya para mag-assume na isa akong paparazzi? Ano yan—celebrity?

Nanghigpit ako sa aking mga kamay sa labis na galit na nararamdaman ko ngayon, napaka-arogante, akala mo naman ay isa siyang sikat na artista! "Excuse me?! Hindi nga kita kilala! Sino ka ba sa inaakala mo ha? Kung maka-asta ka 'kala mo isa kang artista!" ang malupit kong sagot sa kaniyang malisosyong pambibintang niya. 

Ikinagulat niya naman ang aking tugon at napalunok sa kaniyang mga sinabi. Tila ba ang aking tugon sa kaniyang pambibintang ay nakapag-tataka para sa kaniya, "Maka-asta parang artista?! Eh ano ba ako?! Artista!! Naging bida na ako sa maraming movies pero kung makapagsalita ka ay parang hindi mo ako kilala!"

Nagtaka ako sa mga sinabi niya—hindi ko talaga siya kilala dahil hindi naman ako nanirahan sa Pilipinas ng mga nakalipas na panahon. Ang kasikatan ng mga aktor sa Pilipinas ay hindi sakop ng popularidad sa Switzerland kaya't wala talaga akong ideya kung totoo ba ang sinasabi niya.

"Uhm- totoo ba 'yang sinasabi mo? Sorry, hindi kasi talaga kita kilala." Malumanay kong tinanong. Nakakahiya kasi kung totoo nga ang mga sinabi niya. Makikitang nakikipag-away ako sa isang artista, baka ma-cancel ako sa social media.

"What?! Unbelievable! You really don't know me? Oh for God's sake!" nakakairitang pakinggan kung paano siya mag-reklamo sa'king mga tanong, sabay ng pag-iling niya ng kaniyang ulo at sa bawat oras na ginagawa niya ito dahil sa labis na inis ay tumatalsik ang basa niyang buhok. Tumingin siyang muli sa'kin when he clicked his tongue at samaan ang tingin sa akin.

"Okay. You're really irritating me right now, why don't you search Luis Cabrera in the internet? You'll see what you're looking for." Iritable niyang tugon. Naka-akma na ang aking kamay upang kunin ang aking cellphone para i-search siya pero inandahan niyang isarado ang pintuan, sigurado akong ito ang address at room number na binigay sa'kin ni Lucas. Kapansin-pansin ring magkapareho ng apelyido itong Luis na ito kay Lucas. Sino ba talaga itong bwisit na to?!

Pinigilan ko siyang isarado ang pinto nang harangin ng kamay ko ang pinto. Laking gulat niya nang makitang pinipigilan ko pa rin siya sa pag-alis, "Ay?! Sabi nang umalis ka na eh! Ano ba talagang gusto mo ha?!" kaniyang isinigaw.

"S'il vous plaît, ne fermez pas la porte !" aking tugon upang pigilan siyang isarado ang pinto. Ang pwersa namin ay nagkahalo pati na rin ang aming mga damdamin na sa labis kong pag-aalala ay hindi ko na namalayang nagsasalita na ako sa wikang pranses. Iyon kasi ang aming wika sa Switzerland.

"What? I don't understand you." maikling sagot ni Luis sabay kamot sa kaniyang ulo.

"Sorry. I said please don't close the door! Uhm- hayaan mo muna akong magpaliwanag!"

"You better do." sabay nagkrus ang mga braso niya.

"Uhm.. my bestfriend, Lucas. Binigay niya lang kasi sa'kin 'tong address.. sabi niya dito daw siya nakatira kaya naman pwede akong makitulog ngayong gabi sa kanila. Hindi nga kita kilala eh, si Lucas ang dapat na nandito."

Sounds Of The Night (TWTH Series #2)Where stories live. Discover now