Kabanata 36

60 7 0
                                    

Mad and Vicious
Empress Vilan

Kabanata 36

Mad

Nakisali ako sa maliit na selebrasyon dahil dalawang araw makalipas sa matagumpay na pagsalubong sa envoy ng Trangen Peninsula ay nagtipon tipon ang mga sundalo kasama ang Trangen Peninsula Minister pati na rin ang 4th Prince.

Naupo akong tahimik sa isang gilid pagkatapos kumuha ng inumin at medyo malayo ako sa may gitna ng apoy kung saan nandoon ang mga matataas na tao nakatipon.

Mahaba na ang pinag-uusapan nila kung ano-anong walang kwenta hanggang sa hindi ko na makayanan ay aalis na sana ako nang may nagpanimula ng isang topic na nakuha ang atensyon ko.

"Ang Fifth Prince nga raw ay hindi kinokonsidera bilang susunod na Emperor dahil daw sa isang bulung-bulungan."

"At ano naman iyon?" tanong ng isa sa mga aide ng Minister.

"Dahil daw may iniibig na lalaki ang Fifth Prince. Malaking kahihiyan iyon sa Imperial Family. At paano nga naman magpapatuloy ang dugo ng Imperial Family kung sa lalaki sumisiping ang Emperor?"

At nagsitawanan sila. Napayukom ako ng kamao. Tatayo na sana ako nang pinigilan ako ni Las. Isa sa mga kasamahan kong loyal sa Fifth Prince.

Kahit ang Fourth Prince tatawa tawa lang na parang hindi kapatid ang sinisiraan ng mga hayop na ito.

"Hindi 'yan. Mananawa rin ang Fifth Prince sa lalaki kapag ka nakasubok 'yan tumikim ng babae. Hindi na 'yan babalik sa lalaki."

At doon na nagpintig ang tenga ko. Mas malakas akong hinatak ni Las papaupo.

"Gusto mo bang lalong kutyain ang Fifth Prince kapag pinagtanggol mo siya ngayon. Babae ka, Kesegi. Pero mukha kang lalaki ngayon. Hayaan mo lang silang magsalita. Wag-"

"Anong gusto mong gawin ko? Manatiling pipi habang naririnig kung paano magsalita ang mga lalaking 'to tungkol sa mga babae na parang hindi kami tao na may utak at indibiduwalidad? Na parang mga bagay kami na walang nararamdaman at pwedeng gamiting ng kung sino mang lalaking gusto lang kami para sa mga katawan namin?"

May gigil sa bawat salitang binitawan. At nanginginig ako sa galit habang naglalaro ulit sa utak ko ang araw na muntikan na akong gahasain ng mga kalakihan pagkatapos nilang putulin ang magkabilang dibdib ko at pagpasapasahan na parang ang tingin sa akin ay mas mababa pa kaysa sa kung ano mang uri ng hayop?

Natahimik si Las. Awa ang tanging emosyong nakikita ko sa mata niya. Pero mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko upang pigilan akong gawing abo ang lahat ng tao ngayon dito.

Sa tingin ko dala na rin ng kalasingan. Isa sa mga galing sa matataas na pamilya ang nagsalita.

"Ang mga babae parang pagkain. Hindi ba Minister Iseno? Napabalita ring binenta mo ang panganay mong anak para makuha ang posisyon mo ngayon? Ang sabi nga nila. Ang kutis niya sing puti ng buwan at ang kanyang mga hiyas-"

Natahimik ang lahat.

A slip shouldn't cause a war. But it did. A phrase. It wasn't even a sentence. But it caused thousand of lives on a death toll.

Nahatulan ng kamatayan ang milyong buhay dahil lang sa isang parirala.

Ang hindi alam nung lalaking nagsalita no'n ay mahal na mahal ng Trangen Peninsula Minister ang panganay nitong anak at malaki ang kabiguan nito ng maging porselanang display na lang ang anak nang magustuhan ito ng General Chief ng Trangen Peninsula.

Dahil hiningi ang kamay nito na parang regalo sa nang maipanalo ang isang misyon sa karatig na bansa.

At ngayon nawala na sa katinuhan pagkatapos gamitin ito at pagpasapasahan ng mga kabaro nito na parang laruan.

Malaki ang potensyal ng anak ng Minister. Dahil magaling ito sa larangan ng musika at henyo kung maituturing.

Pero dahil pinanganak siyang babae lahat ng iyon ay walang silbi dahil lang sa pinanganak siyang hindi lalaki.

Sinecure agad naming ligtas ang 4th Prince matapos patayin sa harapan namin ang lalaking nagsalita ng gano'n tungkol sa anak niya.

Sa tingin ko sa bilis ng pangyayari, doon nagsimula gumulo ang lahat hindi ko na maalala eksakto dahil sa bilis ng mga pangyayari. Nang makita kong walang habas na ginilitan ng Trangen Minister sa leeg ang lalaking iyon.

Nang makaalis kami ay inutusan kami ng 4th Prince na isekreto muna ang nangyaring. That his men displeased the Trangen Peninsula Minister. He would lose his only chance to the crown.

At dahil pinili niya ring manahimik at hindi ireport pabalik sa Anaseia ang nangyari lalong lumala.

Hanggang sa nalaman na lang namin na pinasabog ng Trangen Peninsula ang kanlurang teritoryo ng Maran kung saan kumukuha ng langis na isa sa mga produksyon ng imperyo.

Kung sinabi niya lang edi sana hindi hahantong sa giyera.

At kung may paraan lang ako para maihatid ang balita edi sana hindi libo ang mamamatay sa isang araw.

Hanggang sa may order na naman ang Emperor at inutusan ang 4th Prince na isecure ang supplies na dapat ibababa sa Anaseia.

Kasama ako sa mga sundalo.

At kasama rin ang isa sa mga lalaki nung gabing 'yon.

At nung hapon ngang iyon. Doon ko sinimulan ang paghihiganti habang tumataas ang tensyon ng mga imperyo sa nagsisimulang giyera sa Maran.

+++++

Long time no update

Hi sa mga naghihintay nito!

Unedited

Thank you enjoy reading HAHAHAHA

vote⭐️

Mad and Vicious: Empress VilanWhere stories live. Discover now