Kabanata 9

223 18 0
                                    

Mad

"Mada Vilan. Sumama ka na!" sigaw ni ama.

Hinila naman ako ni Era mula sa kama dahil malakas talaga ang kapit ko sa matibay na kahoy.

"Ayoko!" sigaw ko pabalik.

Kung ano-ano ang sinabi ni ama bilang pagaalburuto pero inaya niya na nga si Manong Mao na sila na lang ang pumunta sa distrito.

Isang linggo bago namin malaman ang resulta ng eksaminasyon. Kabado ako.

Nang makaalis si ama at Manong Mao para tingnan sa distrito ang listahan ng mga nakapasa ay nagkulong muna ako sa kwarto dahil kinakabahan ako. Yung kaba ko ay may panlalamig.

Ibinaon ko ang ulo ko sa unan.

Hindi ko alam kung dasal ba ang ginawa ko pero paulit-ulit kong sinabi sa utak ko na sana makapasa ako.

Masyado akong aware sa lahat ng bagay na nang marinig kong bumukas ang gate ay alam kong nakabalik na sila.

Pinikit ko ang mata at hindi ko alam kung ang sigaw ba ni ama ay dahil sa init ng ulo o dahil sa saya.

Nang makarating sa pinto ko ay naging klaro ang hiyawan nila lalo na nang marinig kong napasigaw si Era sa tuwa.

"Pasado ka! Pasado ka, Vilan!" galak na sigaw ni ama. Tuwang-tuwa.

Natulala muna ako sa unan ko at dahan-dahang umupo.

Pinroseso muna ng utak ko kung totoo ba ang narinig.

Kinalabog ni ama ang pinto at parang narinig ko atang sinabi niyang buksan ko at magcecelebrate kami. Sa excitement sa boses niya alam kong totoo.

Nakapasa ako? Sa utak kong 'to?

Nakatitig lang ako sa unan ko at tumulo nga ang luha sa palad ko. Hanggang sa naging ngawa ang iyak ko dahil sa sobrang saya ko.

Totoo bang kaya basta seseryohin? Hindi ko inaasahan na kaya naman pala ng utak ko.

At humagulgol pa nga ako.

Masaya si ama. Mabilis siyang tumawag para bumili ng lechon at pancit. Tuwang-tuwa ang sabog na Era na dilated ang pupils. Busy naman si Manong Mao dahil siya ang taga-order ng pagkain na para lang naman sa apat.

Kinabukasan ay agad na bumaba kami sa distrito para bumili ng mga gagamitin ko sa academia at mga personal na gamit dahil doon din ako titira mag-isa. Susunod si ama at Manong Mao.

Pinagyabang ako ni ama sa lahat ng nadadaanan niya. Medyo nahihiya ako pero ngiti-ngiti lang ako.

Hanggang sa may nadaanan kaming nagtitinda na kilala ko bilang matabil talaga ang bibig.

"Masyado mo namang pinagyayabang ang anak mo, Tensun. Eh, pangatlong subok na niya ata. Malamang alam niya na ang mga sagot!" at tumawa ito.

Walang sabi-sabi ang ama na hinampas nang malakas ang metal na tungkod nito sa panga ng tindero.

Tumumba ito.

"Bastos ka ha, minamaliit mo ba ang paghihirap ng anak kong makapasa? Anak mo nga kabit na nga, puta pa."

"Ha! Kesa naman sa'yo! Malay ba namin baka may binayaran kang opisyal para ipasa ang anak mo─"

Hinampas ito ulit ni ama sa may sentido na.

"Marami akong koneksyon pero may tiwala ako sa anak ko. Tara na, Vilan. Bilin mo lahat ng gusto mo dahil may pambili tayo."

Natawa lang ako sa sinabi ng ama.

Pero dahil sa sinabi ng matanda medyo nalungkot ako.

Oo nga naman. Bakit hindi ko naisip iyon? Na baka hindi naman ako pumasa dahil sa sipag at tiyaga ko kung hindi dahil sa koneksyon?

Alam ko ang kakayahan ni ama, hindi rin imposible na magbayad siya para makapasa ako eh para rin naman iyon sa estado niya.

Nang matapos kami sa pamimili ay tinanong ko ang ama.

"Ama. Pwede bang magpakatotoo ka sa akin? Alam kong mahina ito," turo ko sa utak ko. "Binayaran mo lang ba para makapasa ako?" hindi ko naitago ang lungkot sa mata ang boses ko.

"Vilan. Hindi kita pinalaki para pagduduhan mo ang sarili mo. Kung gagamit ako ng koneksyon eh di ba dapat nung unang subok mo pa lang nagbayad na ako hindi yung pinapahirapan pa kitang mag-aral nang mag-aral hanggang sa mamutla ka sa isang gilid?"

May inis sa boses ni ama.

Kung ayaw niyang amanin. Okay.

Hinayaan ko na siya.

Pero hanggang sa makabiyahe ako papuntang Anaseia kung nasaan ang Merumdel ay hindi na naalis ang pagkabigo at pagdududa sa sarili ko.

Gusto ko na lang makarating na sa academia para matapos na ang araw na 'to.

Tulog ako buong biyahe kaya nang magising ako dahil nasa tapat na pala kami ng dormitories ay medyo nagulat ako dahil sa paninibago.

Mabilis akong pinababa at parang galit pa ang naghatid. May kasama akong isang attendant ng academia at siya ang magtutour daw sa akin sa Merumdel.

At dahil commoner lang ako ay hindi ako tinulungan magdala ng bagahe. Kaya ko naman kahit papaano kaso dalawa lang ang kamay ko kaya hirap na hirap ako.

Pagod ako. Tatlong araw akong bumyahe kaya hindi ko maappreciate ang daan papuntang dormitories dahil nakatingin ako sa daanan at ang utak ko nasa pagbuhat ng bagahe.

Ang layo grabe! Nasa may cobbledstone bridge na kami, maroon ang kulay ng metal na ginamit para maitayo ito sa lily pond.

"Ang Third Prince!" sigaw ng isa.

Medyo nagkumpol ang tao sa dadaanan namin kaya banas na banas ako dahil huminto rin ang attendant ko.

Bakit nandito ang Third Prince? Ginagamit rin ba ng Imperial Princes ang mga quarters dito? Bakit hindi sila doon sa palasyo nila?

"Psst! Probinsyana. Yumuko ka at wag mong tagpuin ng tingin ang Third Prince kapag dumaan ito."

Sinunod ko na lang nga ang attendant at binaba muna ang tatlong bagaheng dala at hinintay na makadaan ang Third Prince.

Base sa personalidad ng Third Prince ay masiyahin ito at ginigreet niya lahat ng madaanang kilala.

Nakatingin lang ako sa sapatos niya at nang dadaan na ito sa amin ay yumuko ako sabay nung attendant ko.

"Greetings, Your Highness," nakibulong ako sabay nung mga kahelera ko at sinulyapan ang mukha ng Third Prince. Mainam nang kilala ko sila para iwas gulo.

"Please. Wag na kayong huminto. Go your ways, a simple bow would do," cheery niyang sabi.

Nang tuluyang nakalagpas ang Third Prince ay napansin kong may kasama itong isang Imperial Aide at dalawang alam kong anak ng mga mayayamang pamilya na malapit sa Imperial Family. Kaibigan niya ata yung dalawang nakasunod.

Maamo ang mukha ng Third Prince
at porselana ang balat. Mukhang mahinhin din ito. Matangkad lang ito ng kaunti.

Nakasuot ito ng maganda shade ng green at suot niya ang crest ng falcon na alam kong iyon ang simbolo ng pamilya kung saan nanggaling ang 3rd Consort ang ina siguro ng Third Prince.

Nang makarating kami sa magiging kwarto ko ay nasa pinakatuktok ito.

Nagsisimula pa lang ramdam ko na ang kaibahan ng trato sa mga mayayaman sa mga mahihirap.

May roommate ako. Napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon. Mula sa tinagong irita sa pekeng ngiting ginawad niya.

Sana 'wag ako bigyan masyado ng pagsubok.



+++++
Happy New Year! Let's start the year with positivity!!! Love you all❤️

Mad and Vicious: Empress VilanWhere stories live. Discover now