Kabanata 7

267 23 0
                                    

Vicious

Dinura ko ang dugo. Lasang-lasa ko sa ngipin ang dugo at kinakaladkad nila ako patungo sa mabaho nilang kulungan.

Hilong-hilo ako. Dumura ulit ako dahil sukang-suka na ako sa lasa ng dugo.

"Teka."

Nagdadalawa na ang paningin ko kaya kulay abong damit lang ang nakikita ko.

Sinubukan kong 'wag mawalan ng malay.

Pero maraming nangyari at mga paa lang ng tao ang nakita ko. Umalis sila at bumalik. Yung pag-uusap nila ay hindi ko naintindihan dahil para talaga akong naghihingalo. Sinapa ata ako sa gilid ng ulo o sa batok.

Umiikot ang mundo ko at alam kong nakaupo at nakasandal lang ako sa may rehas. Sinubukan kong gumapang para makatakas habang wala ang mga guard.

Hanggang sa napakurap ako nang mapansing nasisilaw ako.

Nasa labas na ako.

Teka, anong nangyari?

Dahan-dahan akong bumangon. Kelan ako nawalan ng malay?

Isang Maester ata ang nasa harapan ko inaabutan ako ng tubig.

"Ligtas ka na."

Nilagok ko ang tubig at napansing nanginginig ang kamay ko dala na nangyaring pambubugbog sa akin.

Napansin ko ang lugar. Punong-puno ito ng papel. Mga guhit at letra ng mga sinaunang konteksto. At habang sinusuri ang mga karakter, mga simbol at guhit na nakadikit sa dalawang dingding ng lugar ay may napagtanto ako.

"Mirame?"

"At bakit alam mo iyan, bata?"

Napalunok ako. Hindi nila pwedeng malaman.

Hindi pwedeng malaman ng kahit na sino ang kung anong lihim ng Jade Ministry bukod sa pagiging manufacturer at pundasyon ito ng Emperyo ng Maran.

May nakakabinging tunog sa tenga ko at napahiyaw na lang ako sa sakit. Halos maihampas ko ang ulo ko sa dingding dahil biglang may nagflash na nakakabulag na mga imahe sa utak ko.

Tiningnan lang ako ng Maester at alam ko na alam niyang isa ako sa mga bata sa Jade Ministry.

"Nagtaka pa akong alam mo. Syempre alam mo, nahawakan at ilang beses mo ng nabasa ang Mirame habang binubura ito at isinasalin sa isang bote."

"Paanong?"

Natakot na ako. May nakakaalam. Higit na pinagbabawal ang pinakasentro ng gawain namin sa Jade Ministry. Imposible.

Tiningnan niya lang ako at napatango sa sarili.

"Tama ako."

"Ha?"

"Ilang taon ka na?"

"Sino ka ba? Nasaan ako?"

Gusto ko ng umalis dito.

Tumayo ang matanda. Ang mga kulay puti sa buhok niya ay mas nangingibabaw na sa natural nakulay ng buhok. Halos puti na rin ang balbas nito. Mukha namang wala siyang problema sa paglalakad pero gumagamit siya ng tungkod.

Maliit lang ito. Mas maliit pa ito sa akin pero sa tindig niya palang parang mataas ang pinag-aralan nito.

Napatingin na naman ako sa mga marka at simbolo ng Mirame.

Bakit buhay pa siya ngayon?

Habang nakatalikod ito ay nakatingin ito sa malayo. Madaling makapasok ang hangin at sikat ng araw dahil sobrang lawak ng mga bintana ng bahay niya. Para nga kaming nasa taas ng bundok.

"Matulog kang mahimbing ngayon. Magpahinga. Sa susunod na buwan pupunta tayo sa Anaseia."

Anasea ang kapital ng Maran.

"Bakit? Pwede bang ipalinawag mo sa akin kung bakit ako nandito imbes na nasa kulungan?"

"So alam mong kasalanan ang ginawa mo? At napili mo pa nga sa taong magdadala ng..." Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi.

"May tamang oras para malaman mo ang dahilan. Pero sa tingin mo may pupuntahan ka pa pagkatapos ng ginawa mo?"

Natahimik ako doon. Wala. Wala akong babalikan. Hindi ko rin alam kung saan ako pupulutin.

Dapat ba akong magtiwala sa matandang 'to?

"Anong gagawin natin sa Anaseia?"

Napangiti lang ang matanda.

"Ihahandog kita sa Emperor bilang Ika-limang Prinsipe ng Emperyo ng Maran."

Nababaliw na ata siya.

Mad and Vicious: Empress VilanWhere stories live. Discover now