Kabanata 18

191 19 2
                                    

Mad

Papunta ako sa Artisan Building dahil doon naposte ngayon si Zetian. Bigla raw kasi siyang nilipat. Bago ako makarating doon ay nadaanan ko pa si Lady Sara. Medyo nagtago ako dahil binubully siguro siya ng apat na lalaking nasa harapan niya.

Kilala ko yung dalawa sa lalaki. Si Song yung isa. Kilala siya dahil salbahi ang ugali. Natural galing sa estabilisadong clan sa Maran. Ang pamilya ni Song ay isa sa mga tapat na suporta ng Emperor. Nakapasok sa Merumdel dahil sa pamilya nito.

Si Lady Sara ay naging mailap sa akin simula ng kumalat na hakahaka na ako ang may gawa ng insidenteng nangyari sa kapatid niyang si Lady Sarika.

Hindi ko na lang siya pinapansin. Wala na akong pakialam sa kan'ya.

Dinalhan ko ng empanada si Zetian. Siya yung guard sa may bridge noon. Yung district guard na kasabay kong nasaksihan ang pagtalon ng matanda at iniwan ang aso niya.

Nakwento niya sa aking dumadaan pa rin doon yung aso para maghintay sa amo niya.

Dito siya nalipat sa Merumdel. Nagkaroon kasi ng opportunity at isa siya sa mga napili na dito madestino.

May school festival kami ngayon kaya walang klase. Hayahay.

Ang pangit ng gising ko. At parang ang sama ng araw na ito. Dahil kanina nahulog sa may tubig yung susuotin kong damit. Tapos nabitawan ko ng ilang beses yung suklay. Nahulog rin ako sa hagdan kanina at maraming nakakita.

Kaya medyo kinakabahan ako sa araw na ito kaya pumuslit muna ako dito sa kung saan nalipat ng pwesto si Zetian.

Dati nasa may harap lang ng building ko siya nakaposte. Ngayon medyo malayo. Eh ang academia pa namang 'to ay sobrang lawak na parang may sariling gubat dito.

Dito siya sa mga wood supplies nakaposte ngayon at katabi nito ang isang malaking open building kung saan nandito ang mga artisan students.

Iniiwan lang nila ang mga eskultura nila na ang iba ay gawa sa malalaking metal na nakasabit. Ang iba ay eskultura ng mga higanteng imahe ng kung anong may pakpak tapos katawan ng dragon.

Ang iba pa nga ay haligi na. Columns na makikita sa western architecture.

"Duty mo pa rin ba hanggang mamaya?"

Kaedaran ko lang si Zetian. Nasabi niyang minsan naiinggit siya dahil ako nakakapag-aral, siya naman ay nagtatrabaho. Swerte raw ako sa tatay ko.

"Hanggang alas sais lang ako. Bakit mo natanong? Pupuslit ka na naman sa labas?"

"Hindi." Inirapan ko siya.

"Kung gano'n gusto mo pumunta sa festival? Pwede na ako gumala."

Malawak na ngiti niya. Kilala talaga ako ni Zetian. Hindi ko na kailangang sabihin pa sa kan'ya ang iniisip.

"Saan kita hintayin?" tanong ko.

Komportable ako sa kan'ya dahil nga galing kami sa iisang lugar at hindi ko kailangan itago ang dialect ko kapag kausap ko siya. Masaya rin akong maging kaibigan siya dahil nga sa hindi ko kailangang magpanggap o ideretso ang likod dahil kailangan kong umastang noble kahit hindi naman.

"Dumiretso ka na doon. Madilim na banda rito. Pupunta pa ako sa quarters para magpalit. Magkita na lang tayo sa may fountain."

Nang dumating ang hapon ay galing akong library nang huminto sa harap ko yung aide ng Fifth Prince. Ni Prince Ilari o Vic. O kung sino man siya ngayon.

May inabot ito sa aking papel.

"Ano 'to?"

Napalingon ako sa paligid buti wala masyadong tao. Alam ng lahat na aide ito ng Fifth Prince at ano ang sasabihin ng iba? Baka maiugnay pa ako sa garapal na 'yon.

"Inaasahan ka ni Prince Ilari mamaya."

"Bakit? Ayoko nga!"

Mahaba ang pasensya niya.

"Sana pagbigyan mo ang Fifth Prince. May importante raw siyang sasabihin."

"Kahit gaano pa kaimportante 'yan wala akong pakialam. Nakalimutan niya na ba yung napagkasunduan namin?" maingat kong sabi dahil sa tingin ko walang alam ang aide ng Fifth Prince sa sikreto niya. 

"My lady. Pagpaumanhin niyo pero wala kayo sa lugar para pagtalasan ng bibig ang prinsipe. Lumagar ka. Hindi ito pakiusap. It's an order from His Highness, the Fifth Prince."

Gumuhit ang inis sa mukha ko.

"Okay. Sige," walang paki kong sabi at tinalikuran na siya.

Garapal talaga yung Vic na 'yon. Di marunong tumupad sa usapan. Ngayon gagamitin niya ang posisyon niya para makuha ang gusto niya? Hindi ba abuse of power 'yon? Napasibangot ako. 

Sa inis ay hindi ako dumiretso sa festival dahil obvious na nandoon si Vic na maghihintay sa akin. Bali sa sulat ay alas sais siya maghihintay sa may likod ng malaking puno.

Hanggang sa nakarating ako sa Artisan Building kasi nakalimutan kong tapos na nga pala ang duty ni Zetian at malamang sa malamang ay nakasalisi ko siya dahil papunta na 'yon sa quarters niya para magpalit kasi anong oras na.

Naupo muna ako sa isang mahabang kahoy dahil medyo napagod ako sa paglalakad.

Hanggang sa nagpupumiglas ako nang may tumakip ng bibig ko. 

Nanlaban ako. Pero dalawang tao sila. Ginamit ko ang lakas para makita kung sino ito at nang makita ko ang mata nang dumungaw ang nasa likod bukod sa dalawang nakahawak sa akin ay nakilala ko ito.

Hindi ko alam na pagsisihan ko ang hindi pag diretso sa festival.


Zetian

Nasapo ko ang noo nang pagdating ko sa quarters namin ay nakalimutan ko pala ang Identification tag ko sa Artisan Building. Hindi kasi ako makakapagtime out at hindi ako makakapasok sa kwarto ko kapag walang tag.

"Nako bata parang wala sa sarili. Ay siya, Ililista ko na nakapag-timeout ka na. Pero hindi na ito mauulit ha?" sabi nung admin na incharge sa listahan ng duty ng mga Academy Guards

"Pasensya na po. Salamat."

"Babalik ka rin naman doon. Hindi ka rin makakapasok sa kwarto mo."

Mabait ang matanda kaya wala akong choice kundi ang bumalik sa Artisan Building. Napakamot ako ng ulo dahil 15 minutes pa naman ang lakad pabalik sa loob ng Merumdel at papuntang Artisan Building.

Sa labas kasi ang building ng tulugan ng mga gwardiya, hardinero, janitor at mga tagaluto.

Bakit ko ba nakalimutan 'yon?

Baka naghihintay na si Vilan sa festival.


+++++

Eto na po. Dito na po magsisimula ang lahat. 

Thanks for reading give me stars~ <3

Mad and Vicious: Empress VilanOnde as histórias ganham vida. Descobre agora