Kabanata 19

179 15 2
                                    

Vicious

She's not coming.

Kung hindi siya pupunta. Susunduin ko siya.

Isang lugar lang naman kung nasaan siya ngayon.

Ang importante ay makita ko siya ngayon.

Kaya tumayo na ako nagsimulang maglakad.

Kung hindi mo ako sisiputin, Vilan. Ako ang pupunta sa'yo.




____

Trigger Warnings : Graphic depiction of Assault, violence and SA
If this triggers you please skip. Don't risk it.

Reader discretion is advised.
_____

Mad

Si Song. Huling nakita ko siya ay kausap niya si Lady Sara.

Hindi nila tinaggal ang busal ko at nakagapos ang kamay ko. HIndi ko kinaya ang lakas ng dalawang lalaki. Paano pa ang apat?

Dinala nila ako sa may barn. Likod lang ng Artisan Building. Ang Head Mistress kasi ng Artisan Department ay may mga alagang kambing at kabayo.

"Shhh."

Puno ng dayami kung saan nila ako nilapag. Ang lagkit na ng pawis ko at sinusubukan ko kung matatanggal ba ang gapos sa kamay ko.

Lumakad sa harapan ko si Song. At hinawi ang buhok na tumutusok sa mukha ko. Nandidiri akong umiwas sa kan'ya.

"Sana wag kang magalit sa akin. This is just one of my duties."

May kinuhang lagari ito. Nangangalawang. Nausog ako hanggang sa napansandal ako sa matigas na bagay. Naramdaman ko ang takot sa buong katawan ko.

Umiling ako. Umiling nang paulit-ulit.

"You see. There's this woman. Kailangan ko siyang pakasalan kasi sabi ng pamilya ko. Pero ayaw niya. Pero meron raw isang paraan para pumayag siya. And you know. I would do everything to do what my family wants. So umoo ako."

Napansin kong nakabantay ang isa sa may pinto at nakaready naman ang dalawa sa likod. Sila rin ang humihila sa akin kapag sinusubukan kong tumayo.

Paano ako makaalis dito?

"Sabi niya sa akin. Kailangan ko lang naman pahirapan ka. Hindi niya inispecify. Pero kailangan niya ng proof that you suffered."

Nakatingin lang ako sa lagaring iniikot niya. Napansin kong sobrang purol nito.

"We're sixteen. We're young. Everyone forgave you when you did that to her sister. So ako rin. Malaman man nilang lahat ang ginawa ko sa'yo. Papatawarin nila ako. Kasi bata pa ako. We make mistakes. Kids makes mistakes. Everyone will brush whatever I did sa kadahilanang bata pa ako." At tumawa ito.

He's sick.

"So she thought I was the best choice to do this to you. Because I had an excuse. I was young. I'm sorry. Hindi ko alam ang tama sa hindi. Patawarin niyo ako."

At umarte siya na parang ang kausap niya ay ang mga tao pagkatapos niyang gawin ang kung ano sa akin.

At tumawa.

Tumatak sa akin iyon.

"Kaya sana wag kang magtanim ng galit sa akin." Ngumiti ito.

Nagpupumiglas ako nang hinawakan ako ng isa sa balikat para manatili sa pwesto habang ang isa ay malakas na pinunit ang damit ko.

Mad and Vicious: Empress VilanWhere stories live. Discover now