Kabanata 20

185 16 1
                                    

Mad

"Vic. Vic!" sigaw ko na halos mapatid ang lalamunan ko.

Hindi malinaw sa akin ang ekspresyon ni Vic dahil malabo ang mata ko sa namuong luha. Kaya nanghihina kong pinalis ito.

Ang isa sa mga natira ay sinubukang atakihin si Vic gamit ang pala na nasa gilid. Nagulat ako nang apoy ang sumalubong sa umatake. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung apoy dahil ang pagkakatanda ko silver ang kung ano mang kapangyarihan na nanggaling kay Vic.

Pero hindi, I saw him used it twice. Vic can wield fire. And they burned.

Naalala ko tuloy ang isa sa mga kwento sa Mirame. Partikular sa kampeon na magliligtas sa lahi ng mga tao. Isang lalaking may abilidad na gumawa na apoy at pasayawin ito. Para sa batang mahilig sa storya, ang kwento ng kampeon ang paborito ko.

Dahil ang kapangyarihang din ito ang magpapatunay na siya ang pinanganak para tuparin ang nakasulat sa libro. Kasi ang kampeon lang ang tanging binayayaan ng ganitong kapangyarihan na kayang gawing abo ang mundo at paghariin ang ano mang imperyo sa buong mundo. 

Hanggang sa nagulat ako. Mala metal na gawa sa glass ang pumalibot saglit sa mukha ng may hawak sa akin at nang nabasag ito sa harapan nito ay unti-unti itong nasuffocate.

Nang hindi na makagalaw ang mga lalaki ay lumapit siya sa akin.

His eyes were heartbroken seeing me ruined.

Dahan-dahan siyang lumuhod at itinakip sa akin ang balabal niya. Niyakap ko ito nang mahigpit pero nang sumagi ito sa open flesh ko ay naramdaman ko ang hapdi.

He saw what happened to me. He saw the piece of my breast on the ground. Yung pinagpasapasahan nila. He saw my hair unevenly cut. And he fists the ones that fell on the ground.

He stopped wielding fire but his eyes were burning in fury.

Dumagan ako sa kan'ya dahil hindi ko na kayang suportahan ang katawan.

Nararamdaman ko na ang kamatayan.

He drew me close to his body at sumubsob ako sa dibdib niya sa awa sa sarili.

"You're dying." Hinawi niya ang buhok ko. "I can't let you die, Vilan," sinabi niya sa pinakamarahang boses na narinig ko.

Humagulgol lang ako.

He caressed my hair. At may binulong siya sa akin na hindi na rumehistro sa utak ko.

"Hindi mangyayari 'to Vic. Hindi sana mangyayari 'to. Kung malakas lang ako," sabi ko sa pagitan ng mga hikbi.

Pinatahan niya ako.

Diretso niya akong tiningnan sa mata nang inangat niya saglit ang mukha ko.

"Then, do you want my power?"

Hindi ko binitawan ang titig.

"Paano?"

"I'll give it to you. My power."

Hindi na ako nag-isip pa.

At dumampi ang hintuturo ni Vic sa kanang sentido ko. Nakita kong pisikal kong nakikita ang kapangyarihan ni Vic sa akin. Apoy.

Hanggang sa tiningnan niya ako. Napakunot siya.

"Nabasa mo na ang Mirame?"

Hindi ko naman kailangang magsinungaling sa kan'ya.

"Oo."

"Kung gano'n alam mo na ang Mirame ay kinasusuklaman ng Emperor hindi dahil sa relihiyon na nakasaad dito?"

Mad and Vicious: Empress VilanWhere stories live. Discover now