Kabanata 23

142 12 3
                                    

Mad

Mag-iisang buwan na ako sa ospital. Hinihintay maghilom ang mga sugat. 

At nalalapit na rin ang Parade of Princes. 

Ipinagdiriwang ang parade na iyon lalo na kapag may bagong silang na prinsipe o kaya katulad ng punto ng parade ngayon, ay dahil nga balitang pwede ng humarap ang Fifth Prince sa mamamayan lalo na at malakas na ito at wala na raw sakit. 

It was a custom tradition of the Imperial Family. Kaya rin ginaganap ang cavalcade na iyon ay dahil kapag nakita ng mamamayan na malakas ang Imperial Family, ay mas tumataas ang tiwala ng mga tao sa Emperor at sa mga susunod na leader ng Maran. 

Inaanticipate rin ito ng mga tao dahil nga alam ng lahat na paborito ng Emperor ang Fifth Prince pati na ang ina nito. Dagdag na rin ang isang buwang festival na magaganap sa buong Maran bilang pagdiriwang sa malusog na kalusugan ng Fifth Prince. 

Meaning isang buwan ring walang klase. 

Hindi ko magagawang makisaya dahil gagawin kong pahinga ito. 

Hanggang sa bumukas ang bintana at may pigurang tumuntong dito papaloob. 

Hindi ako nag-isip na pindutin ang gatilyo. Nanginginig ang kamay ko dahil sa lakas ng recoil. Ang tinturo lang naman sa akin ni Manong Mao ay dalawang kamay para hindi tumama sa mukha ko dahil sobrang lakas nga ng recoil nito. 

"Vilan! Ako to!" Umalingasaw ang nagpapanic na sigaw ni Vic sa silid. 

Tumama sa pader na malapit sa ulo niya ang bala. 

Nakataas pa rin ang magkabilang kamay bilang surrender. 

"Sino ka?" Hindi ko mapunto kung sino ito pero parang pamilyar ang boses. 

Pero ayaw gumana ng utak ko. 

Nang maninagan ng ilaw ay pamilyar. Mabagal pa ang utak ko bago maproseso na si Vic ito. 

"Oh, sorry." 

Hindi makapaniwala ang itsura niya. 

"Grabe halos mapatay mo ako tapos wala kang paki?" 

Nagkibit-balikat ako. 

Sa nangyari sa akin, wala akong paki sa lahat ng bagay. Ni wala akong panahon para isipin ang nararamdaman ng iba lalo na kung kaligtasan ko ang nakataya. 

It's me over anyone. My safety over anyone's.

"Pwede ka namang gumamit ng pinto. HIndi mo ko kailangang takutin sa pag-akyat bintana." 

Namula siya sa kahihiyan. 

"Sorry. Makikilala nila ako." 

"Then you shouldn't have come." 

Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Napansin kong parang nasaktan din siya sa paraan ng pakikitungo ko sa kan'ya. 

Napahimas ako sa braso ko. Gusto ko lang mapanatag, maramdaman na ligtas ako sa lahat ng oras. All because I feel like everyone's going to harm me. 

Kilala ko man o hindi. 

"Why are you acting like this?"

Hindi ko maintindihan kung saan niya nakuha yung tanong na 'yon. Ni hindi nga kami magkaibigan. Sinabihan ko rin siya na ayoko na ng koneksyon sa kan'ya. 

So ano 'to?  Bakit siya nandito ngayon? 

"Muntikan akong mamatay. May pinutol silang parte sa katawan ko at sa katinuan ko. Niligtas ako ni Zetian. And a god, a god... gave me something. Tapped something in me. Or worse, cursed me. I don't know... Basta... basta may kumislap sa kamay ko at hindi galing sa kuryente. Galing sa akin. At sumabog iyon." I was heaving. "I think nag-iimagine na ako. Hallucinations dala ng trauma? I don't know. Pero ang hindi ko alam ay kung bakit nandito ka? May rason ba? Would you hurt me too, dahil hindi ako sumipot sa imbitasyon mo?" 

"What?" 

He was in disbelief. 

"You might hurt me too." 

"Not that. Pero hindi kita sasaktan kahit kelan." 

"Then what?" 

"Zetian saved you? And a god... A god cursed you?" Hindi makapaniwala ang boses niya. 

Naguguluhan ako sa kan'ya. 

"Oo." 

Napaatras siya at hindi makapaniwala. Napatawa siya at napansin ko ang inis sa medyo namuong luha sa mata niya.

He was pissed. Hindi ko alam kung bakit. 

"Yun ang naaalala ko. Sa tingin mo makakalimutan ko ang gabing 'yon?" 

Tiningnan niya lang ako. Nakita niya siguro ang ekspresyon ko. Hanggang sa marahas niyang iniwas ang tingin sa akin. Hindi nakaligtas sa akin na makita na nasaktan siya doon. 

Huminga ako ng malalim. 

"Look at me, Vilan." Napaatras ako nang kinuha niya ang baba ko at pinaling ang tingin sa kan'ya. Ni hindi ko napansing nakalapit na siya sa akin. 

I could memorize his face sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. 

At ang mga mata niya. 

Puno ng emosyon tuwing nakatingin sa akin na matagal ko ng napansin. Pero mas mabigat ang pagtingin niya sa akin ngayon. 

"Do I look like a god to you?" 

Napahinto ako doon. Memories tried to spill in but something blocked it, making me unable to see beyond the face of the god who cursed me. 

Vic was just... beautiful. He could pass as a god just because of it. 

Binawi ko ang sarili ko sa kan'ya. Napansing uminit ang pisngi dahil hindi ko kinaya ang mga titig niya. 

"Hindi ko alam. Hindi ko alam. Umalis ka na."

And he did but only after he stared at me long enough for him to be satisfied.  

What's there to stare at? Para na akong lalaki sa gupit ng buhok ko and I lost my breasts. I looked more like a boy compared to his beauty. 

"Say it, Vilan. And I will give them to you. I will kill them for you. Kung yun ang gusto mo." His voice was low and dark.  

Nakatayo na siya malapit sa bintana. Napansin ko ang metallic silver na kapangyarihan niya at unti-unting patulis na nabubuo sa kamay niya. Until the silvers became razor-sharp and a light hits it. Naimagine ko ang dugo ni Song at ng nakatakas niyang mga kaibigan sa tulis nito. 

"No!" mabilisan kong sagot. "Ako ang gagawa no'n. It's my pain. Not yours." 

"If that's what you want. But just so you know. It would be my pleasure to hurt them a hundred times than how they had left you." 

Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan ng umalis si Vic. 

Nagulat ako nang magbukas ang pinto. 

At nandoon si ama. 

Base sa ekspresyon niya mukhang narinig niya ang buong pinag-usapan namin. Pero bukod sa lahat ay namukhaan niya si Vic. 

"Anak? Anong relasyon mo sa Fifth Prince?" 

Napabuntong hininga ako. Wala ba talaga akong pahinga? 


+++++

Unedited

Hi! Another update dahil favorite month ko ang may. 

Anyway. No update po tomorrow dahil birthday ko po. 

So Vote and Share. to support the author and for fast updates~

Thank youuuu <3










Mad and Vicious: Empress Vilanحيث تعيش القصص. اكتشف الآن