Kabanata 24

108 11 0
                                    

Vicious

"Bakit hindi niya maalala na ako 'yon. Maester? I saved her. Why? Bakit ang naalala niya ay yung guard na 'yon ang nagligtas sa kan'ya? He did something, right?"

She couldn't remember that it was me who saved her. All she remembered was I cursed her.

I wanted to snap. I wanted to force her to make her remember me. Pero hindi ko gagawin 'yon she was hurt, but there was a thin line threatening to break.

Anger trying to consume me.

"Mag-focus ka sa nalalapit na parade."

Napahinto ako sa sinabi ni Maester. How could he say that right now?

Parang may napigtas sa akin.

"Then, I should force him, right? Force him to tell her the truth."

Tiningnan ako ni Maester at napansin niya ang pagbabago sa tono ko. Nakita ko ang sarili sa salamin. Aware ako sa pagbabago sa sarili.

I wasn't this forbidding before. I had dreams, goals to escape my fate. Pero nandito ako ngayon. Withdrawn, cold-blooded, and mad.

What is this? This feeling lodging in my throat? I want to scratch it until the wound opens. Until it bleeds.

Para akong naghahabol ng anino ni Vilan.

Kahit saan ako magpunta lumalagpas ang tingin ko sa lahat para lang mahanap siya. Hindi ko alam kung kelan nagsimula 'to.

This crippling obsession crawling up my bones, the need to make her see me.

These urges I have within me, scraping my skin, threatening to settle on the wound even if it was against my own will.

What is this?

This need I have for her?

How should I call it? If it wasn't just love?

Kailangan ba talagang malaman ko ang tawag dito? Kung mas importanteng makita niya, malaaman niya na ako ang nagligtas sa kanya hindi yong animal na 'yon?

Nang mapalingon ako kay Maester ay napansing nasa mukha niya ang takot.

Napakunot ako ng noo. Anong nakita niya sa akin na rumehistro ang takot sa mukha niyang laging tiwasay?

Napaatras siya at tumalikod pero kita ang takot.

"Your emotions will fail you, Fifth Prince. Take yourself outside and train," malamig na sabi ni Maester.

Lumabas na nga ako at nang makita ang isa sa mga prinsipe ay sumama ang tingin ko sa mundo.

Ayaw sa akin ng mga prinsipe. May ilan na okay lang ang turing sa akin. Pero sa tingin ko alam nilang hindi nila ako tunay na kapatid. O ako lang 'yon?

Naramdaman kong may sumapok sa akin. Hangin. Minamanipulate ni Prince Hanma ang hangin sa gawi ko. Sus. Sinandya niya 'yon eh.

Dahil galit nga ako. Pahapyaw kong sinampulan siya. Tumubong matutulis ang pilak sa gawi niya. Tumumba siya sa gulat nang muntikan na siyang matusok ng isa sa tatlong patulis na mistulang dulo ng cone.

Palihim akong napangisi.

"Prince Ilari!" sigaw ng aide ni Prince Hanma.

Mad and Vicious: Empress VilanWhere stories live. Discover now