Kabanata 26

107 9 0
                                    

Vicious

Nakita ko ang pamilyar na robe ni Maester. Pero bago niya pa maharang ang daan ko papunta kay Vilan ay nahuli na siya.

"Vicious. Wag."

Narinig ko pang sinabi ni Maester pero wala akong makita kundi si Vilan. Naging bingi rin ako sa paligid.

Hirap na hirap huminga si Vilan nang hindi niya napansin ay binuhat ko na siya.

May mga kawal na sinubukang pigilan ako.

"Your Highness." Nagpapanic ang boses ni Jaan. "Parang awa, Ang mga tao at ang parada.."

Nasagi ko pa si Jaan nang subukan niyang kunin mula sa akin si Vilan. Nagalit ako doon.

Nilayo ko si Vilan na parang pinoprotektahan ito sa susubok na hawakan ni dulo ng damit niya.

"Vic."

Nang tinawag ako ni Vilan ay parang bumalik ang ingay ng paligid.


Mad

Saka ko lang napansin ang nangyari nang gulat na gulat ang ama na hindi makagalaw nang nakitang binuhat na ako ni Vic.

Parang nasusunog ang bandang baga at lalamunan ko.

Tumutulo na parang gripo ang itim na likido sa bibig ko. Hanggang sa naramdaman ko na rin ito sa tainga, ilong at pati na rin sa mga mata ko.

"Vic."

Nababalot ang ekspresyon niya ng takot at pag-aalala nang bumaba ang tingin niya sa akin. Nalukot ang mukha niya at nakita kong nangilid ang mga luha niya nang makita ang nangyayari sa akin.

"Anong nangyayari, Vic? Wala na akong makita. Itim na ang paligid."

"Magiging okay rin ang lahat, Vilan. Pumikit ka lang." Nabasag ang boses ni Vic pero sinubukan niyang klaruhin ang lalamunan niya.

Tinago niya ako. Tinago niya ako sa mata ng lahat ng tao at nagmadaling maglakad.

"You're safe with me, Vilan," sinabi niya sa pinakamarahang boses na ginamit niya. Nagpatuloy siyang pakalmahin ako gamit ang mahinahon niyang boses. "Wag kang matakot. Hahanap tayo ng gamot. Rest your head against me and everything will be fine. Okay?"

Nang sinabi niya iyon ay dinala niya ang ulo ko sa dibdib niya. Kumalma ako sa maliit na gesture na 'yon.

Naramdaman ko ang init ng katawan pero ramdam ko rin ang pagtaas at pagbaba ng dibdib ni Vic sa galit, taranta at sa pag-alala. Taliwas sa marahang boses na ginamit niya para pakalmahin ako.

Bago ako mawalan ng malay ay narinig ko ang maingay na bulungan ng mga tao. Pati na rin ang boses ng ama kong nag-aalala.


Nang magising ako ay naninagan ko ang bulto ng Emperor. Sinong hindi makakakilala dito kung eto ang simbolo ng buong imperyo? 

Nang kinusot ko ang mata ko ay napansin ko si Vic na napapaligiran ng mga bukas na libro. May isang eunuch ang may hinahanap rin sa mga libro at may dalawang scholar ang nagsusulat. 

Nang lumingon ako sa may pinto ay nawala na ang Emperor. Baka namalikmata lang ako. Hanggang sa napansin na ako ni Vic at binaba niya lahat ng hawak para alalayan akong bumangon. 

Napansin kong may mga attendant sa labas. Ilang Imperial Physicians ang sumilip sa akin nang marinig ang paggising ko. Hinarangan lang sila ng aide ni Vic. 

"Anong nangyayari?" 

Punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya pero saglit na napalitan iyon ng ginhawa. 

Mad and Vicious: Empress VilanWhere stories live. Discover now