Kabanata 16

152 21 2
                                    

Vicious

Murder in her eyes.

Sinundan ko si Vilan. Hindi ako nakialam. Sinundan ko siya simula nang umalis siya. Hindi ko siya pinigilan simula nang nakita kong nilapag niya ang mga ahas sa mga napili niyang pwesto sa kwarto at tinanggal ang busal.

Hindi ko rin siya pinigilan nang pumasok siya sa closet at naghintay. Hindi ko na nakita ang mukha niya pero alam kong naghihintay lang siya sa kung sino man ang may ari ng kwartong 'to.

Hanggang sa tumakbo siya at inatake ang pumasok. 

Sinapok ni Vilan sa panga ang babae at nang tumalsik ang dugo nito napansin kong may hawak na bato si Vilan.

"Sabihin mo sa akin. Naeenjoy mo ba ang ginawa mo sa amin?" malalim na tanong ni Vilan.

Tanda ko ang mukha nung babae. Dahil isa siya sa mga nanonood lang nang malunod si Vilan. Inalam ko ang pangalan ng bawat isa dahil plano kong alamin ang nangyari at pagbayarin kung may anolmayang naganap. 

Hinampas niya ulit ang babae gamit ang bato at napansin kong pinipilayan niya lang ito. Wala siyang planong hayaang mawalan ng malay ito.

Napansin ko ang hindi balanseng agwat ng lakas nila.

Nakapatong si Vilan at hinampas ulit nang paulit-ulit ang babae sa bandang binti naman para hindi ito makalakad.

Vilan was murderous. But her composure was eerily calm as he crippled her. 

"Bakit mo ba 'to ginagawa? Dahil napahiya ka? Dahil nanliit ka?" hamon nito. 

"Oo. Muntikan akong mamatay sa ginawa mo." 

Tumawa yung anak ng Minister. 

"Hindi ko naman desisyon na kumanta ka kahit na sintunado ka! Hindi ko rin desisyon na tumalon ka sa pond. Ikaw 'yon, Vilan. Desisyon mo. All I had to do was to ask you. But the decision was yours. Why would you blame me for your actions? Why would you blame me if it almost killed you? You're the one who jumped!" 

Mocking Vilan wasn't the brightest move. I guess she wasn't bright at all. This dumb bitch. 

"It was your position that I feared, Lady Sarika. And what do you think happens if that power I thought you had doesn't even exist? This happens. Takat ako sa posisyon ng ama mo. Hindi sa'yo."

Tumagal ng ilang oras. Alam niya kung anong ginagawa niya. Alam niya ang precise na parte ng katawan ng tao na kailangan niyang pilayin na tipong paggapang ay hindi nito magagawa. 

Vilan didn't want her to get out of that room. Lalo na nung makita ko ang mga ahas na gumagapang papunta sa kanila. 

Towering over the helpless woman, Vilan looked down on her prey. And she carefully watched as her victim tried to crawl away from her. 

Walang magawa yung Sarika. Ni hindi niya magawang gumapang dahil bali na ang magkabilang kamay niya at ang dalawang paa niya sa ginawa sa kan'ya ni Vilan. 

Ni hindi ito makasigaw dahil sa busal nito. 

Nang makita nung anak ng Minister ang dalawang ahas na papunta sa kan'ya ay nagwawala ito. Parang animal na malapit ng katayin. Pero dahil nga sa mga pilay ay hindi siya masyadong makalayo sa pwesto. 

Lumipat ang tingin ko kay Vilan. She was just watching—nothing in her eyes. The murderous intent was gone. Replaced by delight and satisfaction. 

She had no fear for the future. She was just in the present. And nothing mattered as long as she was satiating her hunger of inflicting pain or of getting back

At pinanood niya lang habang nililingkisan na ng mga ahas yung Sarika. Sarika looked like she was battling her inner demons and the present. She couldn't move, her eyes stilled as if going through a traumatic experience one again. Na parang tinotorture siya. 

Tapos sumigaw siya. But her muffled attempts of help were useless. Because Vilan just watched. 

Pagkatapos niyang panoorin yung Sarika ay umalis na siya doon gamit ang bintana. Bago pa siya tuluyang makaalis ay sinugurado niyang sealed shut ang dinaanan. 

Hindi naman na makakatayo yung Sarika. Napansin ko lang na segurista lang si Vilan. 

Natatawa na lang ako at hindi makapaniwala dahil bago bumalik sa dorm si Vilan ay marami pa siyang pinuntahan muna na tipong may nakasulubong siyang mga tao. I think she did that to make it seem like she was there kung matagpuan mang patay na yung Sarika.  


"Planado, Your Highness." 

"Paano?" 

Pagkarating ko kasi sa quarters inutusan ko si Jaan na alamin kung anong ginawa ni Vilan sa isang linggo't mahigit na nanahimik siya bago humantong sa nangyari kahapon at sa pagkalunod niya. 

At sinabi sa akin ni Jaan ang nahanap niyang impormasyon. Tiningnan ko siya at namumula ang mata niya sa puyat nang matapos magkwento. 

"Solido at kalkulado. Pero halatang unang beses pa lang niya gumawa ng ganito," pagtatapos ni Jaan. 

The fact na nalaman ni Jaan na pinlano talaga ni Vilan at inaral ang trauma at sikreto nung tao ay pwede siyang malagay sa kapahamakan. 

"Kaya mo bang burahin ang mga bakas ni Vilan?"

Tiningnan ako ni Jaan na parang gusto niyang kwestyunin bakit gusto kong protektahan si Vilan lalo na at nabalitaan niya siguro na in state of mental shock yung anak ng Minister sa nangyari sa kan''ya kahapon. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin ito nagsasalita. 

Ni hindi naman ito kinagat ng makamandag na ahas na natagpuang nasa likod lang ng pintuan pero maswerte raw dahil tulog ito. Ayon sa lumabas na balita ay 'gusto' lang daw takutin yung Sarika dahil the rest ng ahas ay walang venom at tinurukan ng sedative yung nag-iisang meron. 

"Yes, Your Highness."   

No one should know what Vilan did. 

But everyone knew. Everyone knew the last victim of that Sarika. Everyone suspected it was Vilan who mentally tortured that dumb shrew. 

Sumunod na araw at sa mga sumunod pa ay walang nagtakang humarang sa daanan ni Mada Vilan. 



+++++





















Mad and Vicious: Empress VilanWhere stories live. Discover now