Kabanata 13

164 21 0
                                    

Mad

Ilang segundong dumilim.

Nakikita ko ang paa ko at sarili ko na buo pa pero nawala ang mga tao sa harapan ko. Sa mga buildings na nasa harapan ko.

Nangunot ang noo ko at sinubukang maglakad. Walang katapusang dilim at nakakabinging katahimikan ng mundo.

Pinikit ko ang mata ko baka sakaling bumalik ang lahat dahil nangangamba ako na baka dahil kulang ako sa tulog.

Pagdilat ko ay bumalik ang ingay ng mundo at ang liwanag ng labas.

Huminga akong malalim.

Isang buwan na akong nag-aaral sa Merumdel. Hindi ako busy dahil general subjects pa lang naman.

Sa isang buwan ay marami ng naiutos sa akin si Lady Sarika at tahimik lang ang buhay ko dahil napag alaman kong dahil sa kanya ay ligtas at payapa ang buhay ko rito sa academia.

Naging kaclose ko rin si Lady Sara, nakababatang kapatid ni Lady Sarika.

Namimiss ko na ang bahay sa Elos. Si Era at si Manong Mao. Namimiss ko ang plantasyon at... ang distrito?

"Ngayon daw ang unang araw ng Fifth Prince!" May sumigaw.

Narinig ko nga. Simula nang pinasulatan sa akin ni Lady Sarika ang Third Prince ay lagi na silang magkasama. Nandito kami ngayon sa isa sa pavilion ng academia. Nasa table si Lady Sarika at nag-aaral sila ng Third Prince.

Syempre kasama rin ang dalawang kaibigan ng Third Prince at kami ni Lady Sara at si Olga.

Nagbabasa si Lady Sara nang tahimik at kausap ni Olga ang dalawang kaibigan ng Third Prince.

Nakatitig lang ako sa pond kung saan may isang white lotus ang nasa malapit sa akin. Dumulas pa nga ang palad ko sa pagkakapahalumbaba dahil sa sobrang boring.

"Mada. Mada. I'm talking to you." 

Napakurap ako. 

"I'm sorry. Ano po 'yon?" 

Napansin kong nakatingin silang lahat sa akin dahil kanina pa pala ako tinatawag ni Lady Sarika. 

"Sing for us, Mada."

Napatanga ako sa sinabi niya. Kahit ang Third Prince ay hindi na nagbabasa. 

Napalunok ako. 

"Kanta po? Anong kanta po?"

Nagkibit balikat lang si Lady Sarika. Walang paki sa mundo. Basta kapag may gusto siya kailangan makukuha niya kaya hindi ako makahindi. At alam ng lahat na bawal siyang mapahiya dahil nandiyan ang Third Prince. 

Gusto ko ng tahimik na buhay at alam ko ang ugali niya sa isang buwan na sunod sunuran ako sa kanila. 

Salbahe 'yan si Lady Sarika. She's untouchable dahil sa pamilya niya. At nakita ko kung paano niya tratuhin ang mga taong 'trip' niya. 

"Kahit ano. Look, don't make me wait, love." Ngumiti siya ng sobrang tamis. 

Napalunok ako. 

Kumanta nga ako. At alam ko na ang kalalabasan nito. Tone deaf ako. 

Tawa sila nang tawa. Pati yung Third Prince dahil sa boses kong sintunado. 

Naalala kong napapakamot na lang ng anit ang ama kapag kumakanta ako dahil sa pangit ng boses ko. Wala talaga akong talento sa pagkanta.

Nilunok ko ang hiya dahil ayokong matulad sa mga taong binubully ni Lady Sarika. 

Ang alam ko lang kailangan kong makasurvive. 

Mad and Vicious: Empress VilanWhere stories live. Discover now