Kabanata 5

330 26 0
                                    

Vicious

Hawak ni Vilan ngayon ang mga dokumento na agad niyang nakuha. Nang itinawag raw kasi iyon ni Manong Mao sa ama niya ay agad na inasikaso ito at pagkauwi niya rin ay dala niya na ito.

Alam niyang interesado ako kung anong mga kailangan sa examination. Sa tingin ko pumayag siya dahil sapilitan niyang ninakaw ang ninakaw ko ring karne. Ewan ko ba sa babaeng 'to.

Kung tingnan niya ako para akong timang. Paano hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman.

"Wow! Totoo ba lahat ng dokumento mo? Paanong isang araw mo lang nakuha ang lahat? Ilang buwan kaya o higit kung magproseso ang mga ahensiya dito sa Maran."

Binabasa ko ang mga personal na dokumento. Paanong sobrang bilis na nakuha 'to? Ibang klase ang ama ni Vilan. Napapahanga ako.

Nasa palad ni Vilan ang pisngi at nakatanaw sa plantasyon pababa sa tulay. Nandoon pa rin ang aso, hindi niya sinasabi pero alam kong gusto niyang ampunin ang aso. Nasa mataas na parte kasi kami at natatakpan ng araw.

Minsan mukhang wala sa hulog ang babaeng 'to. Mukha rin siyang mataray at nananakit. Pero sa tingin ko dahil 'yon sa paraan ng pagpapalaki sa kan'ya.

"Oo, hindi ko rin alam kung pa'no nagagawa ni ama. Basta sayang ang diskarte niya sa akin."

Hininto ko ang pagbabasa sa mga dokumento ko at sumilip mula sa papel.

"Bakit naman sayang?"

"Kasi mahina ito," turo niya sa ulo niya.

Umiling ako. Isa ito sa mga ayaw ko sa kan'ya. Sa tingin niya mahina siya. Sa tingin ko hindi. Sa tingin niya siguro kailangang komplikado ang lahat ng bagay pero hindi naman gano'n 'yon.

Simple lang si Vilan, kung anong ekspresyon niya, kung anong sinabi niya, yun din ang ginagawa niya. At ang refreshing no'n. Yung mga tao kasi sa loob ng ministeryo ay lahat may maskarang suot. Napapagod na rin akong magpanggap na okay ako sa kulungan na 'yon.

Itong pagdalaw niya sa paanan ng ministeryo ang naging libingan ko. Naging pahinga ko ang pagiging totoo niya. Yung simpleng pagtingin niya sa mundo.

"Baka iniisip mo lang 'yan."

"Hindi."

Napapakamot ako sa leeg sa babaeng 'to.

"Imposible. Walang inutil na alam na inutil sila."

Tumawa siya at napatitig lang ako. Sa tingin ko naging magkaibigan na kami ni Vilan. Lihim akong napangiti doon.

"Alam mo ba ang pangarap ko?"

"Hindi."

"Pangarap kong makaalis sa Jade Ministry. Ayoko na dito." Tumama ang hinagis na bato at nahulog ito.

"Nasabi mo ngang hindi mo gusto ang doktrina ng ministeryo," tango niya sa akin.

Nagliwanag ang mukha ko.

"Naalala mo?" Gusto ko siyang asarin.

"Malamang kakasabi mo lang nung isang araw."

Nakita niya kung gaano ko pinigilang lumitaw ang ngiti sa mukha pero natuwa talaga ako doon. Nakakunot niya akong tiningnan kasi para namang timang dahil doon napangiti ako. Ayusin mo Vic.

"Pwede bang mangako ka sa akin?"

"Ayoko nga."

"Hindi mahirap, promise."

"Papakinggan ko muna mamaya kung ano 'yan."

"Trust issues?" Tumawa ako.

"Daming ebas. Ano ba 'yon?"

"Pangako mong hindi mo makakalimutan ang ako na nakalila mo sa likod ng Jade Ministry. Dito sa silong na 'to."

"Okay. Madali lang naman pala."

"Kitams?"

Sa labas ng Jade Ministry masaya ako. Parang walang problema.

Gusto ni Vilan ang mga kwento ko tungkol sa mga ginagawa namin sa Jade Ministry, kung paano kami ng mga kaibigan ko sa loob na hindi nahuhuling hindi pa tulog at nag-uusap ng kung ano-ano tungkol sa mga makinerya, mga pangarap naming pagkalabas ng Jade Ministry na mukhang imposible kasi pagtapak namin sa Jade Ministry wala ng labasan.

"Sumubok kaya akong mag-exam sa Merumdel?"

Nagliwanag ang mukha ni Vilan at natuwa siya sa sinabi ko. Ngumiti siyang malawak at tumango nang paulit-ulit. Ang ganda ganda ni Vilan.

"Suporta ako d'yan. Galingan mo. Kaya mo naman siguro yung exam kahit mahirap."

"Sa tingin mo makakapasa kaya ako kung susubok ako?"

"Gusto mong pahiramin kita ng mga binabasa ko? Maraming binigay sa akin ang ama. Ayoko na talaga magbasa. Bigay ko sa'yo mamaya?"

"Pahiram mo yung tapos mo ng aralin. Kailangan mo ring pumasa."

Natawa siya sa sinabi ko. Gusto kong pumasa kami. Gusto kong matupad ang pangarap na makaalis ng Jade Ministry.

Kasi gagawin ko ang lahat makaalis lang sa kulungang 'yon. Gagawin ko ang lahat.

"Plano kong maging artisan kung sakaling makapasa sa Merumdel."

"Hmm. Ayaw mong maging scholar at pumasok sa gobyerno?"

Umiling ako.

"Madumi ang politika. Saka magaling akong umukit. Ako ang pinakamagaling sa loob. Sabi nga ng Ministry Head, kung nasa labas raw ako siguro isa na raw akong prodigy. Siguro narecognized na raw ako ng First Consort ng Emperor dahil mahilig raw ito sa iskultura at marami ng umangat ang estado dahil biniyayaan ito ng galing kumalatis ng sining."

"Gusto mo bang sumama sa akin minsan sa plaza?" aya niya.

Gusto ko. Napatingin ako sa paanan ko. Pero hindi ako pwedeng lumayo dito. Gusto ko ring makita ang labas katulad ni Vilan.

"Hanggang dito lang ako. Delikado na."


Kinabukasan ay iniwan ni Vilan ang tatlong makakapal na libro sa may likod ng malaking bato. Napangiti ako dahil nang buksan ko ang mga pahina ay may maliliit na kumento si Vilan para madaling intindihin ang konteksto.

Natawa ako dahil meron isang pahina pa ang puro exclamation mark dahil may isang sentence doon na nakalinya.

Tumatak sa utak ko iyon.

Ang mga karapatan at kalayaan ng bawat isa ay dapat protektahan maliban kung hahadlangan nila ang mga karapatan at kalayaan ng iba.


Lumipas ang mga araw at kinabukasan ay araw na ng eksaminasyon.

Ang buong Emperyo ng Maran ay nakatutok ngayon dahil ito ang pinakamalaking entrance examination sa buong bansa.

At kung papipiliin ako. Pipiliin ko ang kalayaan at sarili ko.













Mad and Vicious: Empress VilanWhere stories live. Discover now