Kabanata 29

113 10 2
                                    

Mad

Sa tatlong beses kong nakita ang Fifth Prince. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kapag nakikita siya.

A fuzzy and warm feeling.

At kapag tinitingnan niya ako parang siya lang rin ang nakikita ko.

"Your Highness," bati ko sa kanya at yumuko nang bahagya.

Pumwesto na ako. Nakatalikod ako kung saan siya binibihisan ng tatlong attendant na puro lalaki rin.

Sa may pinto ako at ramdam kong tumaas ang balahibo ko sa leeg ko.

Napansin ko sa reflection na habang binibihisan siya ay nakatitig siya sa likod ko.

Hindi ko lang pinansin iyon dahil dumating na rin ang isang bagong lieutenant na kaklase ko rin sa academy noon at pumwesto na siya sa kabilang parte ng pinto. Tumango ito sa akin. Binalik ko.

"Lieutenant Kesegi? Pinalalapit kayo ng Fifth Prince."

Nagtaka ako sa sinabi ng attendant kaya nasa sahig ang mata ko nang lumapit ako sa Fifth Prince.

Hinintay kong magsalita ito. Ngayon ay nilalagay na ng dalawang attendang ang outer clothing niya.

Sa lahat ng prinsipeng nakita ko siya ang pinakamakisig.

Parang maamong tupa ang labi pero matalim ang mata nito laging nanlilinlang. Mayabang ang mukha nito. Pero ang ere at aura nito ay misteryoso at respetado.

Mas matangkad rin ito sa akin na parang balikat niya lang ako umabot. Sing tangkad niya ang mga General ng Maran Elite, tawag sa mga wielders ng magic.

"Diyan ka pumwesto sa malapit. Paano kung biglang nasa likod ang sasaksak sa akin. Edi hindi mo ako naprotektahan dahil sobrang layo mo?"

Muntikan akong mapaside eye sa kanya. Pumwesto na nga ako sa gilid. Ang mata ay nasa may pinto dahil nasa gilid niya ako.

Ito ang pinakaayaw ko sa pagiging Lieutenant ng Maran Elite. Ayokong maging gwardiya ng Imperial Family kapag mayroong pagpupulong ang Imperial Knights.

"May asawa ka na ba, Lieutenant?"

Nakaharap sa akin ang Fifth Prince. Para sa akin siguro ang tanong.

"Babae po ako, Your Highness. Bawal po magpakasal ang mga babaeng sundalo."

"Hmm. That's good."

Pinigilan kong malukot ang mukha.

"Dalawang taon kang nasa academy, 'di ba? Wala ka bang nakarelasyon doon?"

Ano ba 'tong mga tanong niya. Masyadong personal.

Hindi pa rin siya tapos bihisan dahil namimili pa siya ng salawal. Tagal naman neto magbihis!

"Halos magtatlong taon din, Your Highness. Bawal po ang relasyon sa loob ng academy," sagot ko gamit ang boses na nakuha ko sa military academy. Monotonous but firm.

"Alam kong bawal pero hindi mo sinubukan?"

Bawal nga eh bakit ko pa susubukan? Edi napahamak ako?

Ano bang tingin sa akin nito matigas ang ulo?

"Hindi rin po."

Tumango na lang siya. Hindi pa rin tapos mag-ayos.

"Oblivion. Yun ang kapangyarihan mo 'di ba?"

Hindi na natapos ang tanong niya. Hindi madaldal ang Fifth Prince sa pagkakaalam ko. So bakit ang dami niyang tanong?

"Opo."

"Blast attacks ba ang basic form?"

"Hindi po. Concussive force ang basic form. Blast attacks ang advance form."

"Ang true form?"

Hindi ako sumagot.

Hindi dahil hindi ko alam. Hindi ko kasi pwedeng ipagsabi.

Ang Emperor at ang Maester lang ang nakakaalam.

Ni hindi nga alam ni ama ang true form ng oblivion at kung hanggang saan ang extent ng kapangyarihang 'to.

Na kinailangan kong kunin ang dugo ng pitong-pung sanggol at dalawamput-tatlong buto ng mga namayapang sanggol para ipakain sa kapangyarihang 'to.

Pumikit ako nang maalala ang mga ginawa ko pati na rin ang lasa nito. Narinig ko sa memorya ang iyak ng mga sanggol at palahaw ng mga inang namatayan ng bagong silang.

"Lieutenant? Bakit hindi mo ako masagot?"

++++

Hi!!! If may questions just comment down below if wala enjoy reading

Mad and Vicious: Empress VilanWhere stories live. Discover now