Kabanata 27

101 8 0
                                    

Hello~ May nagbabasa pa ba nito? If meron enjoy reading and do vote. Thank youuu

_____


Mad


Kung mabibigyan ka ng pagkakataon magkaroon ng kapangyarihan tatanggapin mo ba kung may hihingin mang kapalit ito? 

Ito ang nakasulat sa pisara. 

Maraming nagbago sa buhay ko sa dalawang buwan. Dahil bagong semestre at nang matuklasan ng Emperor ang kapangyarihan ko at ang koneksyon ko kay Vic ay wala akong choice kundi ang sundin ang mga decree niya. 

Isa na roon ang pumasok sa military academy ng Merumdel. HIndi pa lumalabas ang extent ng kapangyarihan ko marami ng plano sa akin ang Emperor. 

Isa na roon ang pagiging sandata niya. 

Pero habang lumalaki ang kapangyarihan ko mas lalong lumalaki ang hinihingi nitong kapalit. 

Unti-unti ko nang nakakalimutan ang mukha ni Vic. Unti-unti ko na ring nakakalimutan ang pagkatao ni Vic nagsimula ito nang dinalaw ako ng sumumpa sa akin. 

I consider him a god. Yun ang unang pumasok sa utak ko nang makita ko siya uli. 

Hindi na rumehistro sa utak ko ang mukha ng 'god', ang naalala ko lang ay ang suot niyang kulay pula na kulay dugo. Hindi ko maalala kung tela ba yon na nakapulupot sa kamay niya o hem ng damit niya. 

Hanggang sa sinabi nito ang pinakamalaking biro sa buhay ko na hindi ko makakalimutan kahit masaksak man ako bukas o tumama ang ulo ko sa bato.

"Kailangan mong inumin ang dugo ng isang daang bagong silang. Hindi ka pwedeng pumatay, ang pwede lang ay ang mga sanggol na may taning na ang buhay. Tatlong araw bago sila pumanaw."

Dirediretso siyang magsalita habang ako hindi makapaniwala. 

"Pupwede mo ring bungkalin ang mga buto ng hindi lalagpas isang taong sanggol na isang buwan pagkatapos nilang pumanaw. Pwede mong dikdikin ang mga buto nito hanggang sa magmistulang pulbura at ihalo sa katas ng banahaw."

Ni hindi ako makapagsalita. Ni hindi ako makasingit. Pamilyar ang boses niya pero hindi na rumehistro sa utak ko kung sino ito na parang may humaharang na hindi ko mapaliwanag na bagay. 

"Ito ang hinihinging kapalit ng kapangyarihan mo. Kung hindi mo kayang gawin, uubusin ka ng kapangyarihang nasa loob mo at magdudulot ng higit na pinsala hindi lang sa'yo kundi sa mundong kinagagalawan mo." 

Sinubukan kong iproses ang sinabi niya pero walang pumasok sa utak ko. 

"Ito lang ang tanging hinihingi ng kapangyarihan mo kapag nakumpleto mo, magiging sayo ng buo ang kapangyarihang ito."

Nang tinanong ko kung anong mangyayari kapag kinitil ko ang sarili ay malaki ang kapalit nito sa pamilya ko. Napasinghal ako.

Bumalik ako sa kasalukuyan nang ginamitan ako ng kapangyarihan ni Trsha. Kaduelo ko. Isa sa mga 2nd year Cadet.

Galit sila sa akin. Dahil bago makapasok sa Merumdel Miltary Academy ay matinding pagsubok ang hinarap nila. Hindi lang written exam katulad ng entrance exam sa Merumdel. Kinailangan rin nilang pumasa sa Physical Ability Test at Neuro. 

Pero ako. Dala ng mga pangyayari. Ang Emperor mismo ang nag-utos sa espesyal na pwesto ko rito. Ni hindi ako dumaan sa mga test na kinailangang pagdaanan ng lahat ng kadete.

Ang malala lang ay nagskip ako ng isang taon dahil nga ang lebel ng physical ko ay mataas dahil nga sa ensanyong pinagdaanan ko noon dahil kay ama.

Hindi ko alam kung saan patungo ang buhay ko. Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang ay...

Tumama ang isang bloke sa akin dahil minaterialize ito ni Trsha gamit ang abilidad niyang kayang gumawa ng mga bagay basta suot niya ang kwintas na galing sa ninuno niya.

Sinubukan kong hablutin isang beses ang kwintas na suot dahil gusto ko nang matapos ang duelo.

Hindi ko magamit ang kapangyarihan, hindi ko rin naman pwedeng gamitin iyon dahil masyadong delikado, maraming mamatay kapag ginamit ko iyon dito, kaya hindi na ako nagdalawang isip at nagrely ako sa bilis ng katawan ko.

Halos malagutan siya ng hininga sa lakas ng suntok ko sa leeg niya nang hinablot ko ang kwintas.

Sa higpit ng hawak ko dito ay nahati ata sa limang piraso ang kwintas. Binitawan ko ito nang walang ano mang guilt na nararamdaman lalo na nang napansin niya at sumigaw siya na puro hangin lang.

Parang naghihingalo siya kaya tumalikod na ako.

Narinig ko sunod ang mga bulungan. Na kung hindi lang daw ako personal na nilagay ng Emperor dito ay pagtutulungan nila akong patayin. Narinig ko rin ang mga bulungan nila tungkol sa akin.

Na masamang tao raw ako.

At may relasyon daw ako sa Fifth Prince na hindi ko na nga maalala ang mukha na parang binubura na ito sa utak ko kada pinipilit kong hagilapin sa utak ko kung sino ba 'yon.

Ang ibang kumakalat ay hindi na totoo pero mas malala pa sa mga nagawa ko na. Hindi man nila ako pinapatay pero mag-isa lang ako. 

Sa isip ko hindi pa ba nila akong pinagtutulungan sa malilit na pranks nila?

Hihintayin pa ba nila na gumanti ako sa kanila katulad ng ginawa ko kay Sarika? 

Mad and Vicious: Empress VilanOù les histoires vivent. Découvrez maintenant