Kabanata 4

374 27 0
                                    

Mad

Ngayon na lang ulit ako dumaan sa tulay. Hanggang ngayon naghihintay pa rin yung aso sa amo niya. Umiwas ako ng tingin at napansing napatingin sa akin ang gwardiya bago binalik ang diretsong tingin.

Nagawan ng ama ang aplikasyon kaya hindi na ako nalatigo. Hinihiling ko pa naman na sana hindi siya umabot pero wala iba talaga kapag pinagsama ang utak at diskarte, sama mo na rin ang koneksyon niya.

Tinabihan ko ang aso. Mahina itong umiyak at ang ang bilog nitong mata ay puro at maamo. Gusto kong hawakan ang aso, gusto kong ipaalam na hindi siya nag-iisa. Gusto ko siyang yakapin.

Pinikit ko ang mata nang naalala ko ang malakas na tunog ng pagkahulog at hampas ng tubig, sunod kong naalala ang tunog ng pagkagat ng matanda. Pinilig ko ang ulo at hinawakan magkabila para patigilin ang memorya. Ilang araw na ako binabagabag ng tunog ng nangyari. Binabangungot na rin ako sa nangyari.

Tumayo na ako at tiningala ako ng aso. Mistula siyang nagmaktol. Hindi ko na nga pinigilan ang sariling i-pet siya sa gilid.

Naglakad na ako dahil marami pa akong bibilhin, pupunta rin ako sa sentro para makita ang balita tungkol sa nalalapit na eksaminasyon.

Kahit merchant lang ang ama ay bilib ako sa kakaibang swerte na meron siya. Magkakaroon man ng aberya sa buhay niya ay lagi siyang siniswerte siguro dahil matalino siya.

Pero minalas siya sa akin. Ayokong mag-aral, sa tingin ko rin ay simple lang ako mag-isip. Sa tingin ko rin hindi ako matalino.

Tamad ako. Wala akong pangarap. Ayokong magbasa, ayokong mag-ensayo. Gusto ko lang humilata. Gusto ko lang mairaos ang buhay ko kung saan man ako dalhin hanggang sa natural akong mamatay.

Pero ayoko ng mahabang buhay kasi wala nga akong pangarap.

Dinaanan ko ang gwardiya at sinulyapan niya pa ako.

Nang makarating ako sa sentro ng distrito ay narinig kong nagkakasiyahan kahit maaga pa lang. Buhay na buhay rin ang mga nagbebenta sa kalye ng mga pagkain at hairpin.

Kaya pala masaya. Kasi naglalakbay ang Ake. Grupo sila ng mga musicians, dancers at mga actors. Sikat sila sa Emperyo ng Maran. Nililibot nila ang buong Maran at pabalik na siguro sila sa Anaseia, kapital ng Maran.

Kung meron man akong gustong masubukan, yun ay umarte. Mahirap maglabas ng emosyon, kaya namamangha ako kapag nasa karakter ang mga napapanood kong mga aktor. Na tipong hindi sa kanila ang emosyon na 'yon ngunit napapahiwatig nila, nagagawa nilang ipakita ang iba't-ibang emosyon na meron ang isang tao.

Tagasubaybay ako ng Ake, pero hindi masyado. Meron akong hinahangaang mananawit sa kanila. Sobrang kisig at gwapo nito, pati na rin ang boses, malumanay at napapangiti na lang ako kapag naalala ko ang boses at mukha nito.

Dali-dali akong lumapit. At kung siniswerte ka nga naman.

Nandoon siya. Si Wayen.

Kinikilig ako at abot langit ang ngiti ko. Tanda ko kasi nung una ko siyang nakita, isang taong makalilipas ay gusto ko talaga siya.

Marami ring babae sa paligid ko ang kinikilig sa kan'ya at natutuwa ako dahil nakikilala na nila si Wayen. Hindi sikat si Wayen noon kasi mas sikat ang pangunahing aktor at mananawit ng grupo na si Seres.

Hindi ko masyadong gusto si Seres dahil wala lang mas gusto ko talaga si Wayen sa lahat ng Ake.

Matapos titigan si Wayen ay dumiretso na ako sa shop ng mga eskolastikong libro. Sa tingin ko hindi ko naman maipapasa ang National Merumdel at tatlong chansa lang naman ang meron. Pangatlo ko na ring mageexam ito kaya laging galit sa akin ang ama.

Mad and Vicious: Empress VilanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt