Kabanata 3

422 30 0
                                    

Mad

Tagilid ang ama. On edge siya ilang araw na dahil ngayon ang pasahan ng mga aplikasyon para sa posisyon ng First Hand. Kaya ako ang napagbubuntungan niya ng stress. Sigaw siya nang sigaw. Galit siya sa mundo kaya galit siya sa akin.

Sinampal na naman niya ako dahil lahat ng bagay naiirita siya.

"Hindi ba sinabi ko sa'yo 'wag kang titigil sa pag-aaral kahit na nasaang parte ka ng bahay?"

Kumakain ako ngayon. Ayoko ng magbasa. Sumasakit na ang ulo ko. Kanina pa akong umaga nagbabasa. Naduduling na ako. Umiikot na ang mga letra at wala na kasing pumapasok sa utak ko.

Masama lang akong nakatingin sa sabaw na wala na namang ni karne o kanin dahil sinasanay niya ang katawan ko na walang pagkain. Sabi niya balang araw papasalamatan ko siya dahil baka dumating ang araw na magkaroon ng giyera at kulang sa tubig at pagkain.

Hindi ko makuha ang konsepto niya. Masasanay naman akong walang pagkain kapag mismong giyera na. Pero ngayon bigyan niya man ako ng kanin.

Tumango na lang ako at kinuha na ang libro at bumalik para ubusin ang sabaw pero pagbalik ko wala na ang sabaw. Para akong mangungunyapit sa galit.

Gutom na gutom na ako. Ayoko ng magfasting. Gusto ko nang manakit. Napansin kong aalis na siya dahil dala niya na ang sumbrero at isang journal. Mangunguha na ng impormasyon 'yan sa sentro bago magpasa ng aplikasyon.

Kaya habang wala siya pumunta ako sa silid niya.

Maaliwalas ang bahay namin. Masyadong maring bintana kaya minsan mahangin minsan sobrang init na singaw ng labas. Ang mga puting kurtina ay humahangin at diretso ang pasok ng araw sa silid niyang may balkonahe.

Matunog ang yapak ko sa kahoy na sahig. Kinuha ko kung saan nakatago ang aplikasyon niya. May tatlo siyang kopya. Kinuha ko rin ang iba pang papeles na susuporta sa dokumento niya para sa aplikasyon niya.

Pinunit ko ang tatlong papel na naglalaman ng personal niyang detalye. Hindi ko mapunit ang iba pang dokumento kaya sinindihan ko iyon.

Nagwala rin ako sa silid niya. Nagsisigaw ako. Sa gutom, sa pagod at sa bwisit. Pinagtatapon at pinagbabasag ko ang mga natirang ornamento na galing pa sa kanununuan niya.

Hinahanap ko sa buong silid niya kung may ekstra pa siyang kopya para sirain din. Wala na. Ang gulo ng silid aklatan niya. Nilabas ko ang posporo.

Susunugin ko pa sana ang buong silid aklatan niya nang dumating na si Mang Mao narinig niya siguro ang mga sigaw ko sa galit at ang mga nagkalat at nabasag na gamit.

"Jusko, Miss Mada. Huminahon ka."

Tinapon ko na ang kahon ng posporo at iniwan siya. Mamaya pa uuwi ang ama at gusto kong makita kung gaano siya mamilipit sa galit oras na makita niya ang nangyari sa silid at sa aplikasyon niya.

Kaya lumabas muna ako sa plantasyon, at nakita ko na naman ang batang kalbo. Tumakbo ako papunta sa kan'ya. Hindi ba sinabihan ko nang papatayin ko siya oras na makita ko siya ulit na nandito?

Napansin kong napaatras siya nang makitang kumakaripas ako ng takbo. Pero hindi siya tumakbo. Naghanap ako ng bato nang malapit na ako sa kan'ya.

"Tinaggal ko lahat ng bato. Wala kang magagamit sa akin!"

Nakita ko kung paano niyia sinusubukang magmatapang.

"So, bakit nandito ka na naman? Hindi ba binantaan na kita?"

Natahimik siya at lumingon sa monasteryo. Kinamot niya ang braso niya saka tumingin sa akin. Na parang sinasabi na mas okay na harapin ako kaysa bumalik doon.

Mad and Vicious: Empress VilanWhere stories live. Discover now