Chapter 44

4 1 1
                                    

Kenzo Villamar POV

Nagsimula na munang maglinis si Ralph sa Garahe habang yung Bike ay hindi nya siguro napansin na nakapark lang dito sa gilid ng Inarrange nyang Flower pots, Inabangan ko siyang matapos i -carwash ang kotse ni kuya, Habang nakahubad ng pang itaas.

" Ganyan na pala magcarwash ngayon?? " Tanong ko dito ng nakangiti, Napatigil siya sa pagbabanlaw ng Kotse dahil lumingon siya sa akin hawak hawak ang hose.

" Bakit?? Bawal ba?? Mainit kasi " Sabi nito, Sabay lapit sa akin napaayos ako ng tayo sa kinaroroonan ko, Ang akala ko kasi ay Babasain nya ako.

" Mas uminit pa tuloy " Bulong ko, Tinapat nya sa akin yung hose at nang iilag sana ako ay tumawa sya tsaka binaba yung Hose, It's a Prank lang pala, Inis kong binato yung damit nya na pinahawak sa akin bago siya naglinis ng kotse.

" Takot ka? " Tanong nito na parang tuwang tuwa.

" Tapusin mo na yan " Sabi ko dito, Tumango siya at may nginuso.

" Wala bang kiss? " Pabulong nitong tanong, Kinunutan ko siya ng noo, " Isa lang " Ralph.

" No, Tapusin mo na yan " Sabi ko ulit sa kanya, Kunwari naman syang nagtampo.

" Kanino yung Bike? Bagong bili ni kuya Kreno? " Tanong nito, Agad akong napalingon sa Bike na nakaparada.

" Bili ko " Sagot ko dito, namilog naman ang mata nya sa sinagot ko.

" Binili mo?? Nagbabike ka? " Ralph, Ngumiti ako.

" Actually para sayo ito " Pag amin ko, Ewan hindi ko kayang magsinungaling ayan tuloy hindi na surprise.

" Ha?! Bakit para sa akin? " Takang taka nitong tanong.

" Regalo ko " Nakangiti kong sagot dito.

" Regalo? Para saan?? Itsura palang halatang mamahalin na " Ralph, Ngumiti at tumango ako, hinawakan ko pa ang kamay nya para ilagay ito sa manibela.

" Wala lang, Gusto lang kitang regaluhan " Nakangiti kong sabi dito at pinagmasdan ang reaksyon nyang hindi natutuwa, Kaya nawala din ang sigla ko.

Hindi ba nya nagustuhan?

" Ayaw mo ba? " Tanong ko dito.

" No, I mean It's not like I don't like it, I appreciate it pero hindi mo naman kailangan gawin ito, Gumastos ka pa para sa akin " Ralph, Ngumiti ako ng maliit at hinawakan ang kamay nya.

" This is not too much, You deserve this Ralph Kahit pa mahal yung mga bilhin ko sayo, walang makakatumbas ng pagmamahal ko, I just want to express my feelings through buying you goods stuffs na alam kong magagamit mo na makikita ko laging gamit mo, Unang una na itong Bike " Paliwanag ko kay Ralph, Ngumisi naman sya, Bahagya pa akong nagulat ng yakapin nya ako.

" Sa totoo lang hindi ako nag eexpect na gagawin mo sa akin yung ganito, Pero salamat gagamitin ko ito palagi " Ralph, Habang hinihimas ang Manibela.

" Paano yung bike mo na isa? " Tanong ko dito habang nakaturo sa lumang Bike nya, Masakit sa akin na makitang bibitawan na nya iyon para lang sa bagong bike na bili ko para sa kanya.

" Ahh, Yan? Kapatid ko nalang ang gagamit nyan, Para naman may service siya papasok at pauwi " Ralph, Tumango ako mabuti naman at mapupunta ito sa kapatid nya hindi sa junk shop, Madami kasi kaming memories na kasama ang Bike na yan.

Actually dyan nga nagsimula ang istorya namin, Sa pagkabunggo ko sa Bike, Ironic but yes Nangyayari din talaga sa totoong buhay iyon, Akala ko He'll just be my close friend pero mas close pa pala sa Close friend ang naging role nya sa buhay ko.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now