Chapter 27

9 1 0
                                    

Kier Ralph Ledesma POV

Unti unti na akong nakakatulog ng bigla nalang akong yugyugin ng kapatid ko para gisingin at ituro ang cellphone ko na may natawag, Agad ko itong kinuha at hindi na inabala kung sino ang natawag.

Ako:
Hello?

Joshua:
Pre, Andito Asawa mo.

Ako:
Asawa?? Gago, Hindi pa ako kasal at kung si Stacey tinutukoy mo matagal na kaming wala, Okay? Istorbo ka naman eh.

Joshua:
Hindi, Gagi ka yung pinakasalan mo.

Ako:
Bobo ka, Bahala ka dyan.

Joshua:
Tang ena naman neto, Ikaw na nga sinosoportahan sa kalandian mo ayaw mo pa? Nandito kasi si Kenzo kasama namin, Bobo mo! Edi wag kang pumunta Bahala ka din sa Buhay mo!!!!

Pagalit na sabi ni Joshua kaya agad akong nagising, Gagi!! kasama si Kenzo?? Bakit naman hindi binanggit ni Jeremiah?? Teka baka alam na nyang kinasal na kami ni Kenzo?? Uyy, Hindi nya pwedeng angkinin ang asawa ko.

" Kuya, Saan ka punta? " Tanong sa akin ni Ronnie ng makita akong nag aayos ng panlakad, Bakit naman hindi ako sinabihan. Tsk!!!

" Lalabas lang ako kasama mga kaibigan ko, Ilock mo buong bahay ahh " Sabi ko dito at iniwan na siya ng tumango siya sa akin bilang sagot.

" Yes, Sir! " Sagot pa nito at nagsalute sa akin, Hahaha Cute!!

Nagtext ako kay Joshua kung nasaan na sila at ano na ang ginagawa nila, Reply ba naman sa akin ay bahala na ako sa buhay, Gagu!! Sadboy siya, Pre!! Hahaha maasar nga pagnakita ko na sila pero sinabi din naman nya kung nasaan na sila, Sabi ko pa ay 'wag muna nyang sabihin na hahabol ako sa gala nila.

Joshua nyo sumasadboy, hahahaha!

Sumakay ako sa Jeep patungo sa mall na kinaroroonan nila, Tinext ako ni Joshua kung saan sila banda, Nasa Arcade na daw kaya naglakad na agad ako patungo duon, Saktong nabili si Joshua ng token ng makita ko siya.

" Uy, Sadboy " Bati ko dito sabay akbay sa kanya.

" Gago, Para ka kasing Bobo kausap eh " Nagtatampo pa din ang tonong sabi nito kaya nginisihan ko siya.

" Sorry na, Sadboy hahaha! Bawi ako, Asan na pala sila? " Sabi ko sa kanya, Tinuro nya ang kinaroroonan ng basketball, Nakita ko si Kenzo na mag isang nagshoshoot ng bola pero ang score palang ay 10, Sa katabing basketball ay sina Stacey at Jeremiah na mukhang nag eenjoy, Aww! Ang sweet naman.

Agad akong lumapit sa Likod ni Kenzo at hinawakan ang kamay nyang magshoshoot sana ng Bola.

" Mali ka naman ng hawak eh " b
Bulong ko dito at nilingon nya ako, Aalis sana siya sa unahan ko kaya lang pinigilan nya ako.

" Ralph?? " Gulat na tawag ni Stacey sa akin pero hindi ko siya pinansin si Kenzo lang, Tumingin ako sa Ring at agad kong ginuide ang kamay ni Kenzo para maishoot ang bola.

" Ralph, Buti humabol ka " Stacey sa tabi ko.

" Isa pa, Isa pa " Sabi ko kay Kenzo at itinuro ang bola.

" Ralph?? " Stacey, Napangiti ako ng makashoot ulit si Kenzo, Mukhang nagenjoy din sya sa nangyari kaya nagtuloy tuloy kami sa pagshoot hanggang sa matapos ang oras, Nakipag apir sa akin si Kenzo at napatingin sa dalawang taong nakatingin sa amin, Si Jeremiah at stacey na hindi na itinuloy ang basketball.

Gusto ko pa sanang yayain maglaro si Kenzo kaya lang hinila na ako ni Stacey palabas ng Arcade, Kinunhtan ko siya ng noo dahil ang higpit ng hawak nya.

" Bakit ka nandito? " Tanong nito sa akin.

Ralph To Kenzo (On Going)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα