Chapter 22

10 4 0
                                    

Kenzo Villamar POV

Ngumiti si Kuya Steven sa akin at pinagpatuloy ang pagpapakulo ng ulam, Sa Tindig palang ni Kuya Steven ramdam ko na sya, Maybe He's Bi? pero may Girlfriend sya at si Kuya Kreno pa ang mismong nagsabi sa akin kaya hindi ko pinalalim ang pag hihinala sa kanilang dalawa.

Though, I don't judge them, Kung katulad ko ang kuya kong maattract sa lalaki walang problema sa akin.

Dahil Tinanggap nya ako ng buo kaya tatanggapin ko din siya ng buong buo at bukal sa loob.

Kinabukasan ay nagpaalam sa akin si Kuya Steven na papalitan nya si Kuya Kreno sa Trabaho nito sa Computer shop, hindi maaring mabakante ang trabaho nito dahil matatanggal si Kuya Sa Trabaho.

Ang akala ko ay mag isa lang ako sa bahay pero nagkamali ako, Nakita ko si Ralph na naghuhugas ng plato sa kusina namin, Tuluyan akong lumapit sa Ref para uminom ng malamig na tubig, Lumingon naman sya sa akin.

" Kuya's Boy, Goodmorning " Nakangiti nitong sabi kaya kinunutan ko siya ng noo, Trip nito??

Lumabas ako dala ang malamig na tubig, Nilabas ko din ang Cellphone  ko at may nagtext na naman sa Number ko na number pa din.

Unknown Number:
You Better watch out, Kenzo kapag napalapit pa sila sayo, Isusunod ko sila.

Kumunot ang noo ko sa Text nito, Kailangan ko na naman sigurong magpalit ng Cellphone number.

Me:
Sino ka?

Hindi naman nagreply ang Unknown Number, Kung may sumusunod nga sa akin ay maaaring kilala nito si Aldrin, Dahil alam nya lahat sa akin, Naibaba ko ang Cellphone sa lamesa ng Biglang lumabas si Ralph na may Dalang Isang Mangkok ng Oatmeal.

" Ano yan? " Tanong ko dito.

" Peace Offering, Hindi na kita Tatawaging Kuya's Boy " Sabi nito ng nakangiti, Hindi ako naniniwala sa kanya kaya hindi ko pinansin ang Bigay nya, Pero sino bang makakatanggi ng Oatmeal sa umagahan??

Kinuha ko ito at tinikman, May Fresh milk na lasa mukhang tinuruan sya ni Kuya Steven kung ano ang gusto kong kasama ng Oatmeal ko.

" Magtatrabaho na ulit ako " Sabi nito at tinuro ang yard namin, Tumango ako at pinanuod syang maggupit ng mga bulok na dahon, Magwalis ng mga ginupit nya at magdilig, May bago din siyang halaman na itatanim, Mukhang malaki ang ipapasahod sa kanya nila kuya.

Tumayo ako, Napangiti ng hindi nya mapansin ang prisensya ko sa likod nya, Kinuha ko ang Hose at tinapat sa mga halaman, Pinindot ko ang button nito at natuwa ako dahil para lang akong nakikipagbarilan gamit ang water gun.

" Anong ginagawa mo? " Tanong ni Ralph kaya napatay ko yung hose, Lumingon ako sa kanya ng nakatapat sa kanya yung Hose, Natakot sya kaya natawa ako.

" Kala ko babasain mo ako " Sabi nito ng marealize nyang hindi naman nakabukas yung tubig.

" Nagdidilig lang ako " Sabi ko dito at tinapat ulit ang Hose sa Halaman, Lumabas na naman ang Tubig dito kaya pinaliguan ko silang lahat.

" First time mo yatang gumamit nyan " Kumento ni Ralph, Nang lingunin ko sya ay nagtatanggal na sya ng Gloves na ginamit nya panghukay ng lupa, Ngumisi ako at agad tinapat sa kanya ang Hose na bukas ang tubig.

" Blapuphuuplehh!! Kenzo, Argh!! " Gulat na sabi ni Ralph at sinubukang salagin ang tubig na nilalabas ng Hose.

" Ano, Ha? Tinawag mo akong Kuya's Boy, ha?? " Sabi ko dito habang hindi na mawala yung tawa ko dahil sa itsura nya, Mukha na syang basang sisiw, Agad kong pinatay ang tubig at nang tama ang hinala ko ay nagtakip ako ng bibig at napabitaw sa Hose.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now