Chapter 16

8 2 0
                                    

Kenzo Villamar POV

Naging Busy ako sa sumunod na mga araw dahil Sinasanay ako sa dadating na Contest, Limang araw ang Foundation day namin, Ewan ko bakit ganun at pang limang araw ang Contest na sinalihan sa akin.

Uminom ako ng tubig, Nandito kami sa Gymnasium kung saan kasama namin ang ibang Mr.Beauty na kasali, May isa nga lang nawawala lagi at si Joshua iyon isa sa Mr.Beauty ng Soccer club,Simula ng magsimula ang Practice na ito tuwing 3pm to 4pm ay hindi sya naattend.

" Okay ka lang, Kenz? " Tanong sa akin ni Edmark Lapidario ang kasama ko sa Mr.Beauty, Mas matangkad sya sa akin at payat din kaya nasasabing Bagay sya sa Mr.Beauty, Pero Sabi naman nya straight sya kaya hindi na ako nacurious pa, Mabuti nalang at hindi niya ako tinanong pabalik dahil nabalitaan naman siguro nya yung kumalat tungkol sa akin.

" Lahat ng sinasali nila sa Mr.Beauty mga first time kaya kung nakasali ka na last year or nung mga nakaraang Mr.Beauty hindi ka na pwedeng sumali kaya challenging talaga ang contest na ito " Pagbibigay ni Edmark ng information about Mr.Beauty Contest, Malas lang siguro ako ngayong taon dahil ako ang naituro.

" Hi Guys!!! " Agad kaming napalingon sa huling dumating akala namin wala na syang balak umattend sa practice, Kasunod nito ang dalawa pang lalaki at isa duon ay si Ralph, Agad akong tumalikod para uminom ng juice na pinamigay kanina sa Pahinga namin.

" Ohh, Brozo umattend kapa ilang linggo nalang, Foundation day na " Reklamo ng nagtuturo sa amin, Naikwento din sa akin ni Edmark na ang Nagtuturo sa amin ngayon ay syang nagturo din sa mga dating Mr.Beauty Representative, Napakamot ako sa ilong ko.

" Tumulong lang sa Booth namin, Brad hehehe! Punta kayo sa Booth namin ahh, Ito nga pala may dala kaming Snack para sa inyo " Joshua at isa isang binibigyan ang mga Kasama namin dito, kasunod si Ralph pati na ang isa panglalaki na kasama nila.

" Sus, Mukhang nagpapalakas ka lang eh " Nang aasar na sabi ni Edmark kay Joshua.

" Malakas talaga ako, Oh " Joshua sabay abot sa kanya ng Sandwich at Juice, Juice na naman??

Dumako ang mata nilang tatlo sa akin kaya inangat ko ang Juice ko, Para sabihin mayroon pa ako pero si Joshua ay ngumiti lang sabay lingon kay Ralph na may dalang tubig, Inabot nya sa akin iyon kasabay ng sandwich.

Kinuha ko iyon at nagpasalamat, tsaka sila tuluyang umalis, Bubuksan ko na sana ang tubig kaya lang napatigil ako dahil napansin ko ang Maliit na papel at nakadikit ito sa Nilapag kong Sandwich sa bag ko, walang sulat kaya tinanggal ko ito sa pagkakadikit sa plastik, Sa likod pala may nakasulat na.

Egg Sandwich :)

Matapos ko iyong mabasa ay nilingon ko si Ralph na nakatalikod na sa amin, Ewan ko napangiti ako, Hinintay nya kaya ako sa soccer field??

Sigurado iyon dahil siya ang nag imbita sa akin.

Another week of preparation for the upcoming Foundation Day, Hindi na nakapaghatid pa sina Ralph ng Snack dahil busy sila sa Pagpapractice ng soccer at sa Booth nila, Kaya si Joshua lang at ang isa pa nilang representative ang nandito.

Umupo ako sa Stage para magpahinga, Kinuha ko din ang Tumbler na pinadala sa akin ni Kuya Steven at ang laman nito ay Calamansi juice, Habang nainom ay nakita ko si Joshua na nakangiting naglalakad papunta sa kinaroroonan ko, Huminto ako sa pag inom ng tuluyan na syang nakatalon para makaupo din sa Stage.

" Paupo ah " Sabi nito, Tumango ako.

" Kaya pa? " Nakangiti nitong tanong kaya tumango ako at hindi sya binigyan ng tingin, pero ramdam kong sinusubukan nyang pansinin ko siya.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now