Chapter 37

11 2 0
                                    

Kenzo Villamar POV

Hindi ko maintindihan ang inaasta ni Jeremiah, Simula pa kaninang umaga Pakiramdam ko lumalayo siya sa akin, Kaya ito ako Isip ng isip kung ano ang maaaring maling nagawa ko.

Pero sa Huli, Wala din akong maiisip na mali.

" Kenzo " Agad akong napahinto ng may tumawag sa akin mula sa likod, Narinig ko ang taong iyon na lumapit tsaka tumigil ng magkaharap na kami, It's Aldrin.

Takot na takot pa din ako sa Kanya lalo na kapag susubukan nya akong hawakan, Dahil pakiramdam ko ano mang oras ay maaari na namang mangyari yun sa akin.

" Can we talk? " Tanong nito, Agad akong umiling at sinubukan makaalis sa harap nya pero humarang na naman siya.

" Just a Second, Kenzo Just Hear me out okay? " Aldrin, Hindi ako nagsalita pero hindi din ako nakinig sa gusto nyang sabihin, Wala pang lumalabas na Salita sa bibig nya ay nagulantang na kami sa biglang sumigaw, Nangunot ang noo ko ng marinig ang boses ng babae, Nagkatinginan kami ni Aldrin at ako na ang naunang tumakbo palabas ng school.

Sa Gilid ng waiting Shed ay may Dalawang lalaki na humihila sa Babae, Nanlaki ang mata ko, Hindi ko alam ang gagawin Pero tatakbo na sana ako para tumulong kaya lang Hinawakan agad ako ni Aldrin sa Balikat para pigilan.

" Saan ka pupunta? " Tanong nito.

" Tutulungan ko yung babae " Sabi ko dito, Huminga ng malalim si Aldrin tsaka ako inilingan.

" Baka isama ka din nila, Dito ka lang " Sabi nito, Kaya tumango ako Agad tumakbo si Aldrin para Tulungan ang Babae na nabitawan ng dalawang lalaki, Nilapitan ko ang babae at nakilala ko itong si Stacey.

" 'Wag mo akong hawakan!!! " Sigaw ni Stacey sa akin kaya natakot akong ituloy ang paghawak sa kanya.

" Mga Gago!! " Sigaw ni Aldrin sa Dalawang lalaki na pinagtutulungan si Stacey kanina, Napansin ko ang pag punas ni Aldrin sa pisngi nya.

" Ayos ka lang, Miss? " Concern na tanong ni Aldrin kay Stacey pero pati din siya ay sinigawan nito.

" 'wag nyo akong hawakan!! Mga Bastos!! " Stacey, Nangunot ang noo ko sa galit na ipinapakita nya sa amin ngayon.

" Manyakis! " Sigaw sa akin ni Stacey, What Is she thinking?? Napalingon ako sa mga iilang estudyante na napapadaan kasi uwian na at dahil sa pagsigaw sigaw ni Stacey ay nagmukha kaming masamang tao ni Aldrin.

" Stacey, Ano bang pinagsasabi mo? " Nakakunot noo kong tanong dito at sinubukan syang hawakan, Pero hinampas nya lang ito gamit ang kamay nya, Pakiramdam ko nga ay sa talas ng kuko nya ay nasugatan ako kaya agad kong hinawakan ang kamay ko.

Humarang naman si Aldrin sa gitna namin ni Stacey para kausapin si Stacey.

" We Help you, Pero kami pa ang ididiin mo Miss? " Aldrin, Mas natakot ako sa biglang pag iyak ni Stacey, Sunod ay dumating si Ralph na agad dinaluhan ang babae, Nakatingin lang ako sa kanilang dalawang magyakapan.

Ahmm, Okay?? Nandito yung Nililigawan mo, Ralph?

" Anong Ginawa mo sa kanya? " Tanong ni Ralph kay Aldrin at napatingin sa akin.

" Kenzo, Anong ginawa nya sa inyo? " Tanong ni Ralph sa akin, Kaya umiling ako pero dinuro kami ni Stacey habang naiyak.

" Hinipuan niya ako, Ralph!! " Tinuro nito si Aldrin na siyang dahilan ng paglaki ng mata ko, Hinipuan??

I think there's a Misunderstanding here.

" Stacey, What are you saying? Walang humipo sayo dito " Mahinahon na sabi ko kay Stacey pero sinamaan nya lang ako ng tingin.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now