Chapter 42

7 1 0
                                    

Kenzo Villamar POV

Maingat kong pinapat ang ulo ni Hamu at inalala yung Una syang makita ni Ralph, Inakala nyang daga si Hamu at balak pa nitong patayin gamit ang tambo.

I didn't know na ang katulad ni Ralph ay takot sa daga, Though hindi naman daga ang alaga ko, Sa susunod na may magsabing Daga si Hamu, Ay ewan ko nalang.

" Hamu, Tingin mo magugustuhan ni Ralph yung Bike na bibilhin ko para sa kanya? " Tanong ko sa Hamster, Naglakad lakad lang ito tapos tatayo habang naamoy.

" Hmm? Magugustuhan nya? " Tanong ko dito at ngumiti, Nakipagkulitan pa ako kay Hamu, Sa sobrang bilis nya tumakbo ay ganun din sya kabilis muntik ng makangatngat na naman ng Wire sa Study table ko.

Kaysa mapagalitan na naman ako ni Kuya Kreno, Ibinalik ko nalang ulit si Hamu sa Kulungan nya para duon nya ipagpatuloy ang paglalaro mag isa, Siguro time na din para magkaron ng kasama si Hamu.

Kinabukasan ay Magkasama kami ni Kuya Steven mamili, Holiday kasi kaya walang pasok, Nagtext sa akin si Ralph kung may ganap daw ba ako ngayon, Kaya sabi ko mamimili lang kasama si kuya Steven tapos gagala na din.

Habang nag aayos ng sarili ko dito sa kwarto ay nagpapatugtog ako ng Kanta, Lagi By Bini, May pagsayaw pang kasama.

It's Really fun to have a Ppop group here in the Philippines, Nakakaproud lang.

" Ralph, Anong ginagawa mo dito? " Napahinto ako sa Pag aayos sa harap ng salamin at agad tumakbo sa Balcony ko para makita ang Harap ng bahay namin.

" Ahh, Good Morning kuya Steven " Ralph.

" Ralph " Tawag ko dito, Sabay silang lumingon sa akin ni kuya Steven.

Napangiti ako ng masilayan kong pormang porma ang Boyfriend ko, Habang nasa byahe patungo sa Mall ay Kinakantyawan kami ni kuya Steven, Hindi naman nakaka offend dahil mas kinikilig pa nga ako.

" Bakit hindi mo sinabing pupunta ka? " Tanong ko dito.

" Bawal ba? Gusto nga kasi kitang makasama " Ralph.

" Akala ko may Practice kayo ngayon " Ako.

" I skipped it " Ralph, Nanlaki ang mata ko.

" Hindi ka umattend? " Gulat kong tanong dito, Tumango siya ng nakangiti.

" Ngayon lang naman eh, Tsaka araw araw naman akong naattend sa mga Practice namin, Deserve ko naman magpahinga at ikaw yung pahinga ko " Sabi nito at kinalabit ang chin ko natatawa ko iyong hinawakan.

" Baliw ka " Saway ko dito.

" Oy, Hindi lang kayo ang tao sa kotse, Andito din ako " Kuya Steven, Sabay kaming umayos ng upo ni Ralph sabay tawa, Ayan! Napapala ng mga bakla, Napasulyap ako kay Ralph habang nakatingin ito sa labas.

Pagkarating namin sa Mall ay Naisipan muna ni Kuya Steven na kumain ng Breakfast, Nag alok pa si Ralph na siya na ang magbabayad sa pagkain naming tatlo But kuya Steven insist, Dahil sya ang matanda sa aming tatlo ay kailangan sya ang gumastos.

Magkatabi kami ni Ralph habang sa tapat naman namin si Kuya Steven at dahil dakilang Matamis na tao si Ralph ay palagi nya akong sinusubuan kahit na may pagkain naman ako.

" Kumain ka muna kaya " Turo ko sa pagkain nya.

" Ayoko, Makita lang kitang busog busog na din ako " Ralph, Sinamaan ko ito ng tingin, kinuha ko ang Baso ko na may lamang juice at pagsipsip ko sa straw ay nasamid ako, Agad kumuha si Ralph ng tissue para tulungan akong punasan ang sarili ko, Bibig lang yung nabasa kaya natawa ako ng pati buong mukha ko pinunasan nya.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now