Chapter 2

33 4 1
                                    

Park Sung Hoon as Kier Ralph Ledesma

Kenzo Villamar POV

Pagtanggal ko sa hood ng Jacket ko ay nagkalapit ang mga mukha namin kaya hindi ko naiwasan ang pagtitig sa mga mata nyang nangungusap, Kumurap ako ng ilang beses at narealize kong ito ang pinakamatagal kong pakikipagtitigan sa isang lalaki ng mahigit sampung segundo.

Bumaba ang tingin nya sa Kamao kong mahigpit pa ding nakakuyom at kasalukuyang dumudugo, Alam ko dahil ramdam ko yung sakit ng suntok ko, Hahawakan nya sana ako sa kamay ng agad ko itong itago sa Jacket ko, Napatingin muli siya sa akin habang ako ay nag iwas naman ng tingin.

" Dumudugo ang Kamay mo " Sabi nito, Huminga ako ng malalim at tumulala lamang sa damong nasa paligid.

" Nakikinig ka ba? " Tanong nito sa akin at nang balak nya akong yugyugin ay tinignan ko siya ng masama kaya nahinto sa ere ang kamay nyang balak humawak sa akin.

" Ayos lang ako " Sabi ko dito at iniwasan sya ng tingin.

" Kailangan mong pumunta ng clinic " Sabi nito, Agad akong umiling.

" Kaya ko ang sarili ko " Sabi ko dito at tinulak sya dahil may balak na naman syang lumapit sa akin, napalakas ang tulak ko sa kanya kaya napatukod ang siko nya sa kalsada, Napansin ko din ang Dugong nasa Uniform nya kaya agad kong tinignan ang Kamay kong dumudugo, muli syang umupo mula sa pagkakatulak ko sa kanya.

" Ang lakas mo " Sabi nito at tumawa na parang walang nangyari, Tinignan nito ang siko nyang may gasgas, Pinagpagan nya ito at hinipan sabay tawa.

" Gusto lang kitang tulungan " nakangiti nitong sabi.

" H-hindi ko kailangan ng tulong " Nauutal na sabi ko dito at muling niyakap ang sarili ko, Umiwas na naman ako sa tingin nya dahil hindi ko na sya kaya pang titigan ng mata sa mata, nang tulad kanina.

" Sayo ito diba? " Sabi nito at inabot sa akin ang ID na nahulog ko, Tinignan ko ito kaya maingat nya itong inilapag sa damo, Nang tuluyan na nyang mailapag ang ID sa damo ay Agad ko itong kinuha at itinago sa bulsa ng jacket.

" Sasamahan kita sa Clinic " Sabi nito , Agad akong umiling at tinignan siya ng masama.

" Hindi ko na kailangan pumunta pa ng clinic at pwede ba...... layuan mo nalang ako " Pakiusap ko dito, Ngumiti sya at umiling, Mula sa pagkakaupo ay tumayo sya para pagpagan ang likod.

" Hindi pwede, Kailangan magamot iyang kamao mo at itong siko ko " Sabi nito habang itinuturo ang Kamao ko at ang siko nya, umalis siya sa harap ko kaya nakahinga ako ng maluwag ng malamang sumuko na din sya sa wakas.

Yumuko akong muli tsaka ko na naman naramdaman ang sakit ng kamao ko, Sino nga bang baliw ang manunutok sa puno? Agad akong nag angat ng ulo ng marinig ko ang tunog ng isang Bike papalapit sa kinaroroonan ko, Lumitaw ang lalaking wala pa palang balak akong Lubayan, Sumakay sya sa Bike nya habang nakatingin sa akin.

" Halika na " Sabi nito, Tinignan ko ang Bike nyang may Gulong na Flat.

" Malelate na ako sa klase ko " Sabi nito, napatingin ako sa Relo ko at tama nga sya malapit na ding matapos ang Lunch namin, Tumingin akong muli sa Bike nya.

" Trust me, Dito ka " Sabi nito ng nakangiti at pinalo ang upuan sa likod.

" Kaya kong maglakad " Sabi ko dito ng maramdaman kong huminahon na din ang pakiramdam ko pwera nalang sa Kamao kong hindi pa mawala wala ang hapdi.

" Tama ka naman, Kaya lang Hindi ka na aabot sa Klase mo pag naglakad ka lang, kaya Sakay na " sabi nito, nag isip pa ako ng pwedeng irason sa kanya pero wala na akong maisip pa, dahan dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at Pinagpagan ko din ang sarili ko.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now