Chapter 13

13 1 0
                                    

Kenzo Villamar POV

Araw ng Sabado, Niyaya ako ni Jeremiah sumama sa kanilang magbabarkada, Sabi nya itetext nya daw ako kapag magkakasama na sila, Hindi ko sinabi kay Ralph para suprise.

Maaga akong nag asikaso sa bahay, Tinapos ko ang lahat ng dapat tapusin, Diniligan ko ang halaman na regalo sa akin ni kuya Kreno at Humiling ako dito na sana maging maganda ang araw na ito, First time kong lalabas kasama sila.

" Ohh!! Saan punta ng Bunsong yan? " Tanong ni Kuya Kreno nang maabutan nya akong nagpapahid ng sunscreen sa mukha ko, Lumapit sya sa likod ko at tinignan ang mukha nya sa Salamin ko.

" Bunso, Lagyan mo nga ako ng Aloevera mamaya, Tignan mo tinitigyawat na ako sa mukha " Kuya Kreno at tinuro nito ang Nag iisang Tigyawat at mukhang wala namang balak lumaki pa, Dahil ang Healthy healthy ng mukha ni Kuya.

" Sige po " Sabi ko dito at nagpahid sa braso ng sunscreen.

" Saan ka pupunta, Bunso? " Tanong ulit ni Kuya, Humarap ako sa kanya habang sya ay umupo naman sa kama ko.

" Uhmm, Niyaya ako ng kaibigan ko lumabas kuya " Sabi ko dito, Itinukod nito ang dalawang kamay sa kama ko habang nakamasid sa akin.

" Gamot mo? " Tanong nito, Kinuha ko kaagad ang bag na dadalhin ko.

" Ready " Ipinakita ko ang gamot na Bigay sa akin ni Doc last week.

" Whistle? " Kuya Kreno, Agad kong kinuha ang Pito at hinipan ito.

" Flashlight " Kuya Kreno, Pinindot ko ang Flash light ng Cellphone ko sabay ngiti.

" Sino yung kaibigan mo? " Tanong ni Kuya Kreno.

" Si Jeremiah po " Sabi ko dito, Kumunot ang noo nya.

" Ahh, Yung nagdala sayo sa Clinic last week, Okay may kasama pa ba kayong iba? " Kuya Kreno, Tumango ako.

" Si Joshua tsaka si Ralph " Sabi ko, Tinaasan ako ng kilay ni kuya.

" Si Jeremiah lang ang kaibigan mo dun? " Tanong ni Kuya, Agad akong umiling.

" S-si Ralph din po, Tas si Joshua po kaibigan nila " Ako, Tumango si Kuya Kreno.

" Sigurado kang Safe ka sa kanila? " Kuya Kreno, Tumango ako lalo na kay Jeremiah.

" Okay " Sabi ni Kuya Kreno sabay tayo, Napangiti naman ako.

Alam ko kung bakit tanong ng tanong si Kuya Kreno dahil gusto nyang malaman kung kilala ko ba yung magkakaibigan, Kung ako ang nasa katayuan nya baka hindi ko pa pinayagan yung kapatid ko, Pero dahil may tiwala sya sa akin at natuto na ako sa nakaraan ay mag iingat na ako ngayon.

" Gusto mo bang ihatid kita? " Tanong ni Kuya Kreno , Tumango ako dahil hindi ko alam kung paano sumakay ng jeep dito.

" Susunduin kita mamaya o ihahatid ka ni Jeremiah? " Kuya Kreno, Habang dalawa lang kami sa sasakyan, Dahil si Kuya Steven ay umuwi sa bahay nila.

" Magtetext nalang po ako, kuya " Sabi ko dito, Tumango siya at tumigil na sa tapat ng Mall.

" Mag ingat ahh, Oras oras magtext ka sa akin " Paalala ni Kuya Kreno.

" Opo " Sagot ko dito bago ko isarado ang pinto ng kotse, Inintay ko muna syang mawala sa paningin ko bago pumasok mag isa sa mall, Nakatanggap ako ng Text mula kay Jeremiah.

Jeremiah:
Saan ka na? Andito ako sa entrance.

Me:
Andito na ako sa loob.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now