Chapter 28

5 1 0
                                    

Kenzo Villamar POV

Friday, PTA ng mga Parents ng Students at bigayan din ng card, I'm So Excited Malaki ang expectation ko sa Grades ko Thanks to Jeremiah kasi isa sya sa tumulong sa aking makahabol at makapagpasa ng Projects.

Bukas ang Birthday ko sabado at hindi ko pa din nakikita si Ralph, Pupunta ba ang magulang nya?? TVL nga pala ang strand nya, Kuya Steven asked me if I can invite Ralph to my birthday kaya lang naisip ko, May number sya nito tapos ako pa ang papaginvitin nya dun?? We don't even switch number yet at hindi ko alam kung bakit, Matagal ko na syang nakakasama pero hindi pa din binibigay ni Author ang number namin sa isa't isa.

" And 3rd honor natin ay si Villamar " Sabi ni Sir kaya napatayo ako, Whats?? Top 3 pa ako sa klase? at tumayo din si Jeremiah dahil Top 2 siya habang yung president naman namin ang Top 1, Tumayo kaming Anim na may honor sa unahan ng classroom para magkaron ng pictures with our adviser.

90 pataas ang Average ng mga may Honor, ibig sabihin 90 plus ako??

" Niceee " Nakangiting sabi ni Kuya Kreno sa akin ng makaupo ako sa tabi nya, Pinicturan nya ang papel na ebidensya sa pagsisipag ko mag aral at makakuha ng mataas na points sa extra curricular at iyon yung Points na galing sa Cooking club.

Nagpaalam muna ako kay Kuya Kreno na may pupuntahan lang ako, Pupunta ako sa Soccer Field, Kakausapin ko lang si Ralph, Mukhang nakita ako ni Jeremiah kaya sinundan nya ako dito sa labas.

" Kenzo, Saan ka pupunta?? Hindi pa tapos yung meeting " Sabi nito, Tumango ako.

" May pupuntahan lang " Sagot ko dito.

" Saan? " Jeremiah, Tinuro ko ang way papuntang Clinic.

" Kay Doc " Pagsisinungaling ko dito, Nilingon din naman nya iyon at binalik ang tingin sa akin na parang hindi sya naniniwala sa akin na pupunta ako sa Clinic.

" Mabilis lang ako " Sabi ko dito, Huminga siya ng malalim senyales na sumuko na siya.

" O sige, Ipapakilala kita sana kita Mom ko " Sabi nito, Napatikom ang bibig ko sa sinabi nya, " I want her to meet my new friend, Pero ma
maya nalang " Paglilinaw nito kaya tumango ako at ngumiti bago magpaalam sa kanya ng tuluyan.

" Balik agad ako " Sabi ko dito at patakbo ng umalis sa Building namin.

Tumakbo ako hanggang sa marating ko ang Soccer field, Iilan lang ang taong naruon at nakasalubong ko pa si Cjay na may kasamang ibang estudyante, Ngumisi ito ng makita ako naalerto din ako ng akbayan ako nito sa balikat, May kasama pang himas.

" Uyyy, Kenzo " Bati nito sa akin agad akong umalis sa tabi niya, Nagulat naman siya duon.

" Anong ginagawa mo dito? " Tanong ni Cjay, " Hindi naman tayo maghahatid ng lunch ngayon " Sabi nito at tila naghihinala na.

" May -May kukunin lang ako " Sabi ko dito, sana makalusot, Ngumuso sya at tumango tango tapos lumipat sya sa kasama nyang lalaki para akbayan.

" O sige, Ingat ka ahh " Sabi nito ng nakangiti, agad akong tumango at nakampante na ako ng sila na ang umalis sa harap ko, Tumigil ako sa Track and Field at si Joshua lang ang nakita kong kilala kong naglalaro sa loob.

Hindi ko na ito inabala pang tawagin dahil mukhang nagkakatuwaan sila ng mga kalaro nya, Sunod kong pinuntahan ay ang Locker nila, Pero walang tao duon, May nakasalubong akong papasok kaya balak ko itong tanungin.

" Ahm, Nakita mo ba si Ralph? " Tanong ko dito.

" Si Ledesma? " Ulit nito sa tanong ko, Agad akong tumango, " Nagpaalam kay Coach kanina sabi nya masakit ulo nya kaya pinapunta muna siya sa Clinic " Sabi nito, Agad akong nagpasalamat sa kanya dahil sa mahalagang impormasyong sinabi nya sa akin, Tinakbo ko na naman ang pabalik sa clinic, But sad to say nakita ko si Doc na kakalabas lang at mukhang paalis na ito, Agad syang lumingon sa akin.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now