Chapter 11

10 1 3
                                    

Kenzo Villamar POV

Kinabukasan ay Hindi ako nagluto para kay Ralph dahil late na ako nagising, Sino bang magigising ng maaga kung alas dos na halos nakatulog tapos ang klase alasais pa.

Hinatid ako ni Kuya Kreno dahil si Kuya Steven ay masyado daw nalasing kagabi, Sila ba naman mag one on one sa inuman, Sinong hindi malalasing duon?

Pumasok ako sa classroom at naabutan ko si Jeremiah na nagbubura na naman sa Blackboard, Nang malingunan nya akong pumasok ay agad syang ngumiti sabay kaway sa akin.

" Good Morning, Kenzo " Bati nito.

" Good morning din " Bati ko sa kanya pabalik, Nakajacket pa din ako nakasanayan na din kahit pa mainit na hindi tulad kahapon na sobrang lakas ng ulan ng magtanghali, Mukhang binabawi ng kalangitan ang binuhos nyang ulan maghapon magdamag kahapon.

" Mabuti at hindi ka nagkasakit, Parehas tayong naulanan kahapon " Jeremiah, sabay upo sa tabi ko, Ang mga kaklase namin ay puro ingay na naman kaya minsan nadadamay kami sa ingay nila.

" Hindi naman naligo agad ako pagkauwi ko " Sabi ko dito, Tumango sya at nilabas ang Cellphone, May picture syang pinindot para ipakita sa akin.

" Arcade tayo sa Saturday? " Yaya nito sa akin, Nilingon ko siya na parang alien, Sigurado ba syang niyayaya nya ako??

" A-ahh, 'Wag ka mag alala may kasama naman tayo, Sama ka ahh " Sabi nito.

" H-Hindi ako sigurado " Sagot ko dito, Hindi ako sigurado kung kaya ko na bang sumama sa hindi ko kilala, Pero kilala ko naman si Jeremiah.

" Kasama mo naman ako, Please Kung gusto may Curfew ka hahatid ka namin " Jeremiah.

" T-Tignan ko kung wala kaming pupuntahan ng kuya ko " Sabi ko nalang, Tumango ulit siya at napangiti.

" Gusto talaga kitang makasama sa mga gala namin magtotropa " Sabi nito, Agad akong napatigil sa pagkuha ng notebook ko ng marinig ang sinabi niya, M-magtotropa?

" Bakit? " Tanong nito, Agad akong umiling.

" S-sino kasama?? " Tanong ko dito.

" Ako, Si Joshua at si Ralph " Sabi nito sabay ngiti, Magtitiwala ba ako sa kanila?? Si Ralph, Kasama si Ralph?? wala naman siguro silang gagawing masama sa akin diba??

Napapikit ako at sinubukang huminga ng maayos, Mabuti nalang at nawala ang pag iisip ko ng dumating na ang teacher namin sa first subject, Habang naglelecture ang Teacher ay nakikinig lang ako at ito si Jeremiah nagdodrawing sa notebook ko, Sinulyapan ko ang Dinodrawing nya at nagkatinginan kami, Itutuloy nya sana ang pag dodrawing ng nakangiti kaya lang nagulat ako ng tawagin siya ng teacher namin.

" Mr.Vice President " Malutong na tawag sa kanya ng Teacher namin, Agad naman syang tumayo at litong lito kung bakit sya tinawag, Ayan! Ayan!!

" Yes po, Sir? " Sagot agad ni Jeremiah.

" 1 + 1? " Tanong ng sir namin.

" Ah, 2 po sir " Sagot ni Jeremiah.

" May equals ba akong sinabi? " Tanong ni Sir.

" Kakasabi nyo lang po " Magalang na sagot ni Jeremiah, Napaisip naman si Sir at agad napasapo sa noo ng itanong nya kung may equals ba syang sinabi? eh kakasabi nya lang, Magaling ka, Jeremiah.

Nagtawanan ang buong klase pati na ako, Yung itsura kasi ni Jeremiah ay parang nang aasar pa.

" Take a seat " Napapahiyang sabi ni Sir, Pero tumatawa na din siya.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now