Chapter 5

16 4 10
                                    

Kenzo Villamar POV

Pinagmasdan ko ang mga Classmate naming nag eenjoy na sa pag sipa ng Bola sa soccer field habang ang mga Member ng Soccer club ay mga nakatayo lang sa gilid at pinaglililigpit ang mga ginamit namin kanina, pinahila nila ang mga gulong sa mga matitigas ang ulo naming classmates.

" Libre mo lang ako, Ayos na " Sabi nito, Ngumiti ako sa kanya..

" Sige, Mamayang uwian " Sabi ko dito, Ngumiti din siya.

" Sabi mo iyan " Sabi niya at agad tumayo para mag unat.

" Ang init init, Nakajacket ka pa din? " Sabay kaming napatingin ni Jeremiah sa dalawang taong biglang dumating inabot sa akin ni Ralph ang isang Orange juice na parang galing pa sa cooler nila.

" Hindi ka ba naiinitan, Pre? " Tanong din sa akin ni Joshua at hinawakan ang dulo ng jacket ko, Pipigilan ko sana ito pero dalawang kamay na ang humawak sa kamay nya upang maialis sa jacket ko ang pagkakahawak nya.

Dalawa kami ni Joshua nagpabalik balik ang tingin sa dalawang may ari ng dalawang kamay na iyon, Seryoso silang dalawa kaya hindi ko alam kung mahihiya ba ako.

" Ahh, ito na mga Repa awat na " Sabi ni Joshua sabay alis ng Kamay nyang humawak sa jacket ko, Napatingin sa akin si Ralph pati na din si Jeremiah, Inilagay ni Ralph ang Juice sa pisngi ko at Hindi ko na maipagkakailang nakaramdam ako ng ginhawa sa lamig na hatid nito sa akin, agad ko itong hinawakan at agad naman syang napangiti.

" Galingan nyo mamaya, Hahatiin namin kayo sa dalawang grupo para maglaban " sabi nito at tumingin sa mga kaklase naming nagpapahinga pa.

" Kahit isang Score, Bibigyan na kayo ng teacher nyo ng mataas na points kasi performance task naman ito at alam naman nyang hindi talaga madali ang larong soccer lalo na sa hindi naman talaga marurunong " Dugtong pa ni Ralph, Humawak si Joshua sa Balikat nya at ngumisi.

" Baka Captain namin iyan " Nang aasar na sabi ni Joshua sa kaibigan nya.

" Magaling naman sumipa si Jeremiah, Ralph kaya wala kang dapat ipag alala " Sabi ni Joshua at itinuro ang nasa tabi ko.

" Matagal na akong tumigil dyan " sabi naman ni Jeremiah.

" Wala namang masamang sumubok ulit, Repa! Lalo na Performance task nyo naman iyan, Ikaw lang ang maaasahan sa pag tira sa goal kaya 'wag mo silang biguin " Sabi naman ni Joshua, Tumango si Jeremiah at nagkatinginan kami pero agad din syang umiwas, Napatingin naman ako kay Ralph ng kunin nya ang Juice at buksan ito tsaka ibinalik sa akin.

" Ubusin mo muna, Bago kayo Pumila " Sabi nito kaya sinunod ko ang utos nya, Pinanood nila akong ubusin ang Juice.

" Wow!! Ang galing " pumapalakpak na kumento ni Joshua pero napatigil din nang tumingin kay Ralph.

" Pero bakit wala ako? " Tanong nito sa tonong nagtatampo at nakalahad pa ang kamay kay Ralph, Tinapik ni Ralph ang nakalahad na kamay ni Joshua.

" May kamay ka, Kumuha ka sa Cooler " Sabi ni Ralph at tinalikuran na nya kami, naiwan naman si Joshua na nagkakamot ng ulo, Napatingin siya sa amin at awkward na ngumiti.

" Minsan talaga walang kwenta yung captain, Baba na kayo " sabi ni Joshua at sumunod na kay Ralph na naglalakad pababa sa kinauupuan naming Audience bench, Kitang kita kasi dito ang field at solong solo namin ni Jeremiah ang Simoy ng hangin kaya guminhawa ang pakiramdam ko.

Pumito ang Coach namin at pinapila kami ng dalawang linya, Magkagrupo kami ni Jeremiah kaya may confident akong makakascore kami, Pinagkamay kaming magkakaklase at pinapwesto sa likod, Si Jeremiah ang nasa unahan at ang kalaban nya ay ang president naming sumipa sa bola.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now