Chapter 25

9 1 0
                                    

Kenzo Villamar POV

Nang mga sumunod na araw ay hindi ko nakakasalubong si Ralph pero tuwing uwian nakikita ko si Stacey na laging naghihintay sa Labas ng school namin, I'm too shy to approach her ewan ko ba.

Baka dun sa kinuwento ni Jeremiah na naging dahilan ng break up nila, I don't know kung sino yung Red flag pero ang pangit lang nung nangyari sa kanilang tatlo, And I understand Jeremiah kaya din siguro minsan medyo off na yung pagiging sarcastic nya makipag usap kay Ralph kasi ayun nga may past sila na, Ganun.

Kaya imbis na kausapin at tanungin si Stacey na alam ko naman kung sino yung iniintay nya sa labas ng school ay sumasakay nalang agad ako sa Kotse.

Kuya Kreno always update me about sa situation ni Dad sa Hospital and So Far so good, Mas napapabilis yung pag galing nya and I hope He'll be okay na, Kasi Alam kong mahalaga yung negosyo nila which is inaasikaso ngayon ni Kuya Kreno.

1 week had passed and Sabado na naman, Kaya pag gising ko sumilip agad ako sa teresa ko at nakitang wala si Ralph, Wait late ba sya or hindi sya pupunta?? Wait! Kenzo are you for real?? Iniintay mo siya??

Aalis na sana ako sa Kurtina ng bigla ko siyang makita sa labas ng kalsada nakabike siya, Agad akong pumasok ulit sa kwarto para hindi nya makita, Sunod ay narinig ko ang pagpasok nya sa Gate tsaka yung pagbati ni kuya Steven sa kanya.

" Medyo late ka ngayon, Ralph ah?? " Tanong ni Kuya Steven.

" Nalate po ng gising nag OT po ako sa trabaho kagabi " Sagot naman ni Ralph, lumapit ako kay Hamu para ilabas sya sa kanyang kulungan para na din pakainin ng sun flower seeds, " Ahmm, Kuya si Kenzo po? " Ralph, Napatigil sa ere ang kamay kong may hawak ng sunflower seed para kay Hamu.

" Nasa kwarto pa nya, tulog pa yata late na din nakatulog yun " Kuya Steven, " Ano yan?? " Narinig ko pang dugtong ni kuya.

" Ahh, Para kay Kenzo po sana hintayin ko nalang po siya magising " Narinig kong sabi ni Ralph, Kaya sa sobrang curious ko ay tumayo ako para silipin sila kaya lang hindi ko sila kita.

" Ganun? Para kay Kenzo lang? wala ako? " Birong tanong ni kuya Steven, kaya natawa si Ralph.

" Kayo po, nagamit po ba kayo nito? " Ralph.

" Hindi, Joke lang hehehe halika na magpapatulong din pala ako sayo " Kuya Steven at narinig ko na silang lumayo sa tapat ng kwarto ko, Aww!  Gusto ko pa sanang malaman kung ano yung para sa akin na dala ni Ralph.

Sobrang curious ko pero wala akong lakas lumabas ng kwarto ko, Parang dito lang kasi ako safe, Walang makakapasok, Pero hindi din nagtagal kumatok si Kuya Steven mukhang tapos na sila sa gawain.

" Po? " Tanong ko dito at lumapit para pagbuksan sya ng kaunti.

" Aalis ako, Kayo muna bahala ni Ralph dito sa bahay " Kuya Steven, Agad kong binuksan ng malaki ang pinto dahil sa sinabi niya.

" Po, Saan ka punta kuya Steven? " Tanong ko dito.

" Pinapauwi ako sa bahay, Balik din ako mamayang hapon, Gusto nyo bang sumama? " Kuya Steven, Agad akong umiling nadala na kasi ako.

One time na sumama ako dyan sobrang nakakatakot, Oras oras sila nakain, Kaya akala ko sasabog na yung tyan ko sa sobrang busog, nagtataka nga ako bakit hindi tumataba si kuya Steven habang yung mga tao dun, Nakakatakot ng labanan, Parang konting bunggo mo lang tatapon ka na agad sa mars, Char!!

" Hindi na po, Okay na ako dito " Sabi ko dito, Kaya tumawa sya at ginulo ang buhok ko, Mukhang alam na nya ang dahilan bakit ayaw kong sumama.

Mas gusto ko nalang magpatugtog ng mellow music dito sa kwarto ko maghapon, Magdamag, Napansin ko naman si Ralph na napatingin sa amin ng dumaan sya na may dalang walis at dustpan, Tumango siya sa akin pero tumingin agad ako kay Kuya Steven.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now