Chapter 33

7 3 0
                                    

Kenzo Villamar POV

Pagtapos ni Ralph kumain ay nagtake out pa sya ng isang order, Tsaka kami umalis para makarating na sa Trabaho nya, Pagdating namin duon ay may isang staff na nag aayos sa labas.

" Oh, Buti nandito ka na Ralph " Sabi nito at agad inabot kay Ralph ang Pamunas.

" Mag susuot lang po muna ako ng uniform " Ralph, Agad umiling ang staff.

" 'wag na muna, Kailangan ko ng umalis " Staff, Tumingin ito sa akin.

" Bentahan mo na yan, Sir Pasok po kayo " Sabi ng staff, nilingon ko si Ralph.

" Ahh, Boss kasama ko siya " Ralph.

" Ha?? Bawal tambay dito " Sabi ng staff, " Pauwiin mo na yan " Pagtataboy sa akin ng lalaki.

" Duon lang sya sa lamesa sa loob, Boss " Ralph.

" Naku, diba sabi ng Boss sa orientation na bawal magdala ng kasama " Sabi ng staff.

" Tutulong nalang po ako " Sabi ko dito.

" Bawal nga eh " Lingon nito sa akin.

" Kahit wala pong bayad " Sabi ko, Natahimik naman sya at nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni Ralph.

" Hindi pwede yun, Tutulong ka tas walang bayad " Sabi nito.

" Okay lang po talaga " Sabi ko dito, Nag isip pa sya ng ilang minuto at maya maya ay tumango na.

" O sige, Basta 'wag kang kukuha ng pagkain sa Store nakainventory yan si Ralph ang mapapahamak kapag gumawa ka ng kalokohan dito " Paalala sa akin ng Lalaki, tumawa naman ako.

Ako?? Kukuha sa store nila??

" Boss, Hindi naman ganung tao si Kenzo " Pagtatanggol sa akin ni Ralph, Tumango ako sa sinabi nya sabay sabing.

" May pera po ako, Tutulong lang po talaga ako kay Ralph " Sabi ko dito ng nakangiti, Agad syang tumango at nagpaalam na sa amin.

Nagkatinginan kami ni Ralph sabay tumawa sya na may kasamang pag iling pa.

" Baliw talaga yun, Pero ang totoo siya yung nakuha sa store kahit paexpired na " Ralph, Napailing din naman ako.

" Tara na muna sa loob, Bibigyan kita ng pwede mong maisuot para masabing nagtatrabaho ka dito " Sabi nito, Kaya tumango ako at sumunod sa kanya, Pumasok kami sa staff room may binuksan syang cabinet at may limang uniform na red ang kulay, Kumuha ng dalawa si Ralph tsaka ibinigay sa akin ang isa.

" Kailangan ko bang suotin ito? " Tanong ko.

" Oo, Hanggang mamaya malinis naman yan " Ralph, Napasimangot ako hindi ko naman tinatanong kung madumi ito eh, Agad naghubad si Ralph ng damit kaya nanlalaki ang mata akong tumalikod.

" Suotin mo na yan " Sabi nito nang lingunin ko sya ay nagbubutones na sya ng pang itaas, Sa pang ibaba naman ay sinuot nalang nya basta ang pants hindi na hinubad ang short na suot.

" Antayin kita sa labas " Tapik nya sa balikat ko ng dalawang beses, Tumango ako at agad sinarado ang pinto, Nilingon ko ang kwarto may dalawang cctv, Dito ba talaga ako magbibihis??

Humarap ako sa Pader para kumportable akong makapagbihis pero huhubarin ko na ang jacket ay bigla akong nagdalawang isip tsaka binalik ang Uniform sa Cabinet ng maayos, Tsaka ako lumabas para makalapit kay Ralph na may inaasikaso ng customer.

" Ralph, Anong una kong gagawin? " Tanong ko dito, Napatingin siya sa itsura ko.

" 68 pesos po " Sabi nito sa Customer, Sabay lingon sa akin, " Bakit hindi ka nagpalit? " Tanong nito.

Ralph To Kenzo (On Going)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora