Chapter 31

6 1 0
                                    

Kier Ralph Ledesma POV

Oyyyy!! Napakamot ako sa Ulo ko, Tae andami ko na yatang garapata sa ulo, Wednesday ngayon at kakatapos lang namin magsoccer, Kasabay kong pumasok ng CR si Joshua kaya sabay kaming magmemeryenda sa Cefeteria.

" Pre, Hindi ko nakikita si Kenzo na naghahatid ng lunch natin ah " sabi nito habang nagsasabon sa Kilikili, Itinaas pa nito ang kamay para mas mabilis nyang masabunan ang mabuhok nyang kilikili, Nag angat ako ng tingin sa Shower na kasalukuyang patuloy sa pagbagsak ng tubig sa akin.

" Busy lang " Sabi ko dito.

" Sus, Busy daw? Baka may iba na yun " Nang aasar na sabi ni Joshua, Inirapan ko ito at pinakyuhan, Sirain ko kaya yung Skateboard nya?

" Gago " Mura ko dito, Tumawa lang sya.

" Pero...... Break na ba talaga kayo ni Stacey? " Joshua.

" Oo nga, Matagal na nung foundation day pa " Sabi ko dito, Wala na kasi talaga akong balak bumalik kay Stacey siya lang itong habol ng habol at pilit ng pilit, Kahit naman siya yung unang nakipaghiwalay.

" Paano si Kenzo? " Joshua, Nilingon ko siya.

" Anong meron kay Kenzo " Tanong ko dito.

" Diba, Gusto mo siya? " Joshua, Nag iwas na naman ako ng tingin.

" Tumahimik ka nga " Sabi ko dito at nagbanlaw na, Kinuha ko yung tuwalya ko at dahil hindi naman nakatingin si Joshua ay kinuha ko na din ang tuwalya nya, Hahaha!!

Pagtapos ko magbihis ay narinig ko ang pagsigaw ni joshua sa Pangalan ko, Sinakbit ko ang bag ko para tuluyan ng makaalis, Hahaha Babye nalang sa kanya, Sumakay ako sa Bike ko at tuluyan ng nilisan ang Soccer field, Bukas wala kaming practice at dalawang araw iyon may aattendan si coach na soccer game at isa siyang referee duon.

Napadaan ako sa Building nila Jeremiah at napagpasyahang bumaba muna at silipin si Kenzo, Silip lang Umakyat ako sa pangatlong palapag tsaka sumilip sa gilid, Tinanguan ko pa ang ibang mga nakilala ako.

" Uy, Ledesma? Si Jeremiah ba hanap mo? " Tanong nung classmate nila,Agad akong tumango.

" Oo, Pero 'wag ko nalang sabihin napadaan lang kasi ako " Sabi ko dito, Tumango sya at nakipag usap na ulit sa kaibigan nya, Tanaw ko si Kenzo na nagsusulat at lumingon kay Jeremiah, Mukhang may nakakatawa silang napag usapan kaya ngumiti siya, Napangiti din ako.

Bumaba ako ng Building nila para pumunta na sa klase ko, Hindi pwedeng mataas ang Grades ko sa Club kailangan mataas din ang grades ko sa ibang subject para mamaintain ang scholarship ko sa school.

Bumuhos ang ulan saktong magpapauwi na ang teacher namin at kung minamalas ka nga naman, Wala akong payong Bumaba ako ng building at chineck agad yung Bike pero basa na ito, Yung iba ay may mga payong yung iba ay nagpabasa nalang sa ulan, Kapag sumugod ako magkakasakit pa ako, Hintayin ko nalang sigurong humina ng Kaunti yung ulan.

Umupo muna ako hagdan at pinanuod bumuhos ang malakas na ulan, Mukhang wala itong balak tumila ni humina wala din yatang balak, Hayst!! Nilabas ko muna ang Cellphone ko para abalahin ang sarili ko.

Kenzo Villarmar agad ang pumasok sa isip kong isearch, Nakapost na ang Mga picture namin nung Birthday nya at zinoom ko ang picture naming dalawa, May nacapture pa yung nagkatinginan kami kasi hinipan ko yung candle nya habang nag Gogroup picture kasama ng iba.

Ang Gwapo......

Kakastalk kay Kenzo ay Hindi ko na napansin na bahagyang humina ang ulan kaya ipinasok ko na ulit ang cellphone ko sa bag para hindi ito mabasa kung sakaling umulan man ulit, Mabilis kong pinedal ang bike palabas ng school pero napatigil ako ng makita si Kenzo na nakatambay sa Milktea shop ng school, Mabilis kong ipinarada ang Bike at pumasok sa Shop.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now