Chapter 19

13 4 2
                                    

Kier Ralph Ledesma POV

Kinabukasan ay Mr.Beauty na ang Contest at last na itong event ng Foundation day, Hindi pwedeng hindi ko ito mapanuod, Mga Alas kwatro ang Start ng Event kaya mga ganung oras ay paubos na ang mga Tao dahil manunuod na din ang mga ito ng main event ng foundation.

Mga Tanghali palang ay wala na si Joshua sa Booth dahil nagpapractice na ulit ito kasama sina Kenzo at ang iba pang Mr.Beauty contestant.

Bago kami magsipuntahan sa Event ay may naiwan naman sa Booth mga Tatlo yun yung mga ayaw talagang manuod ng Mr.Beauty dahil nakakacringe daw, Hindi pwedeng hindi ko mapanood si Kenzo.

Agad nagpalakpakan ang Buong audience ng umakyat ang MC ng Mr.Beauty pageant, Nagpatawa muna ito sa mga tao at nagtanong kung ready na ba ang lahat na makita ang mga magagandang dilag, Hindi ko napigilan ang ngiti ko ng Isa isa na silang lumabas, May nakakatawa na itsura pero lahat ay napa wow ng lumabas na si Kenzo isa na ako duon, pumalakpak at humiyaw pa ako sa likod ng isang lalaki na mukhang gusto din si Kenzo.

Gusto din si Kenzo??

Isa isa silang nagpakilala at nang turn na ni Kenzo ay lahat tumahimik.

" I'm Kenzo Villamar Representing Cooking Club!! " Pakilala ni Kenzo at napapalakpak ako kasi ang cute eh!! Ang Cute nya.

Matapos ang Pagrampa nilang lahat ay nagtawanan kami dahil nadapa si Joshua sa hagdan kaya namakyu siya ng mga tao, Hahaha Loko loko talaga, Sunod ay nag pakita sila ng mga Talento, Si Kenzo lang talaga ang hinihintay ko.

Nakasuot sya ng Palda na konting hangin lang ay makikitaan na siya, Nakacroptop sya at namangha ako dahil bagay sa kanya, Ang Ganda!!!

Wala akong ibang masabi dahil sobrang ganda nya, Nilabas ko ang cellphone ko para picturan sya, Ang Cute cute!! Ang Sarap iuwi.

Nagsayaw lang si Kenzo ng freestyle na wala naman talagang patutunguhan, Habang si Joshua ay nag budots bwhahahaha itinataas pa nito ang kanyang palda kaya napapaiwas ng tingin ang mga Audience tapos may time pa na kinuha nito ang Mic sa MC para magsalita.

" Mga Loko kayo ahh!! Kayo kaya dito, Tignan natin kung hindi kayo mapahiya " Sabi ni Joshua sa Mic, agad naman kaming nagsabi ng Boo pero pinagpatuloy pa din nya ang pagpapatawa sa amin, Baliw talaga.

Nagvibrate ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Stacey, Umalis muna ako sa Kinaroroonan ko para sagutin ang tawag nya.

" Hello, Stacey? " Bungad ko dito.

" Where are you? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? " Galit na tanong ni Stacey sa akin.

" Nandito pa ako sa school, Kita mong Foundation day namin diba " Inis kong sagot dito.

" Wala ka bang balak sunduin ako?? " Stacey.

" Tskk, Hindi mo naman agad sinabi " Sabi ko dito.

" 'Wag na, Magpapasundo nalang ako kay Jeremiah, Mabuti pa yung kaibigan mo maaasahan, Ikaw na boyfriend ko walang kwenta " Nakakainsultong sabi nito, Kaya nangunot ang noo ko.

" Si Jeremiah na naman? Edi, Magsama kayong dalawa!! " Sigaw ko dito.

" Talaga!! 'Wag ka ng tatawag sa akin ha! " Inis na sabi ni Stacey.

" Hindi na talaga! " Sigaw ko din.

" Maghiwalay na tayo " Dugtong pa nito.

" Okay, Siguro nga Matagal mo ng gustong sabihin yan sakin kase wala naman akong pera panlibre sayo eh, Kaya gusto mo lagi kay Jeremiah kase may pera sya " Sabi ko dito.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now