Chapter 1

42 5 4
                                    

Kim seon woo as Kenzo Villamar

Kenzo Villamar POV

Nagising ako sa kalagitnaan ng himbing ng tulog ko, Ramdam ko din ang pinaghalong panlalamig at pag iinit sa katawan ko.

It's Been 3 months since I move out from my former school pero gabi gabi pa din akong sinusundan ng bangungot ko, Parang kasama ko padin sila palagi.

Binuksan ko ang Lamp shade ko at hinanap ang Gamot na syang tumutulong sa aking kumalma tuwing napapanaginipan ko ang traumang naranasan ko.

" Kenz "

Muli akong napapikit ng marinig ko ang Boses ni Aldrin matapos kong mainom ang gamot, agad akong nagtakip ng tenga ko pero paulit ulit lang nya akong tinatawag.

" Pleasee!! Leave me alone!! " Nagmamakaawa kong sabi dito, Kahit suntukin ko na ang tenga ko ay boses pa din nya ang naririnig ko.

" Please!!! " Sigaw ko.

" Kenz!! Bwahahahahahhaah!! Walang lalaki ang magmamahal at tatanggap sayo!! "

" Errrrr! kyahhhhhhhh " Nang gigigil kong sigaw at hinagis ang tubig na ininuman ko kanina.

" Kenzo " Tawag sa akin ng Kung sino na pumasok sa kwarto ko, Agad akong nagtago sa kumot ko at hindi na mapigilan pa ang mapaiyak.

" Pleasee!! Lubayan nyo nalang ako " Pakiusap ko sa taong pumasok at pilit hinihila ang kumot ko.

" Kenzo!! It's your Brother " nang magpakilala ang pumasok sa kwarto ko ay duon lang gumaan ang pakiramdam ko, Agad akong yumakap ng mahigpit sa kanya at umiyak sa bisig nya.

" Kuya, Hindi pa din nila ako nilulubayan " Umiiyak kong sumbong sa kuya Ko.

" Kenzo, Hindi ka na nila malalapitan " Paniniguradong sabi sa akin ni Kuya, Umiling ako at patuloy na umiiyak.

" Kuya, Please!! Patigilin mo na sila, Hindi ko na kaya " Sabi ko dito at tumango si Kuya sunod ay naramdaman ko nalang ang pagtusok ng kung anong bagay sa balikat ko tsaka ko unti unting naramdaman ang pag bigat ng mga talukap sa mata ko.

Kinabukasan ay nagising ako sa Ingay na nang gagaling sa labas ng bahay, bumangon ako upang sumilip sa Bintana ko duon ay nakita ko si Kuya kreno na inaayos ang Motor nya kasama ang kaibigan nitong si kuya Steven.

Sila ang tumulong sa aking makalimot sa Nangyari, Inilayo nila ako sa syudad at dinala dito sa Bulacan, Probinsya nila Kuya Steven, Pumasok ako sa Banyo at Nilinis ang sarili ko.

Matapos kong maglinis ay napahawak ako sa unti unti ng naghihilom na mga pasa ko mula sa sinapit ko sa kamay ng mga magkakaibigan, Pinunasan ko ito pero ayaw pa din matanggal, Hanggang kailan ako mabubuhay ng ganito?? Takot sa mga tao at lalo na sa mga lalaki.

" Kenzo? " Napalingon ako sa pinto ng banyo dahil narinig ko ang Boses ni Kuya Kreno duon.

" Gising ka na ba? " Tanong nito sa akin.

" Lalabas na din ako, Kuya " Sabi ko dito at tinapos na ang pag aayos sa sarili ko, lumabas ako at naabutan ko si Kuya Kreno na inaayos ang pagkain sa lamesa ko.

Buong tatlong buwan ay nakakulong lang ako sa kwartong ito, oo malayo na ako sa mga taong gumawa sa akin nito, Nakakulong na sila at patuloy na pinagbabayaran ang ginawa nilang sa pang aabuso sa akin pero hindi pa din duon natatapos ang paghihirap ko patuloy ko pa din silang naaalala, patuloy pa din nila akong pinagtatawanan sa panaginip ko.

" Kumain ka na " Nakangiting sabi ni kuya Kreno at pinaghila nya ako ng upuan kaya umupo na ako duon, Nang mahawakan nya ang kamay ko ay agad akong nagreak na parang napaso dito.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now