Chapter 9

12 5 6
                                    

Nishimura Riki As Jeremiah Castillo

Kenzo Villamar POV

Bakit kung kailan naman Ramdam ko na ang pagkawala ng takot ko sa mga lalaki ay bigla nalang itong bumalik, Habang naglalakad ako kanina ay grabe ang mga tinginan ng mga kaklase ko, may gay naman kaming kaklase pero bakit parang sa akin lang sila nandidiri???

Nagtalukbong ako ng hoodng jacket dahil sa mga tingin nilang matatalim, Agad kong naalala ang nilagay na Gamot ni Doc sa bulsa ko, Agad ko itong kinuha at kumuha ng dalawa para lunukin ng walang inom inom na tubig.

Napansin ko ang panginginig ng kamay ko at ang bigla kong pagsuka ng gamot, Hindi ito tinanggap ng tiyan ko kaya para akong inacid at sumuka ako sa sahig ng classroom namin, Sunod sunod na pagsinghap ang narinig ko habang umiikot ang paningin ko.

Naririnig ko na naman sila, Ang mga tawanan nila at ang mga malalaswang salitang pinaririnig nila sa akin.

" Kenzo, Kenzo!! gumising ka, Kenzo!! " Sigaw ng kung sino sa tabi ko at pilit ako nitong ginigising, Kahit sarili ko ay hindi ko mautusang gumising.

" Shit!! Tabi!! " Sigaw ng kumarga sa akin.

Tulog ako pero rinig ko ang mga tawanan sa paligid ang mga haplos na kahit kailan ay hindi na mawawala sa katawan ko, Mabilis akong nagmulat ng mata at agad nilibot ang paningin sa paligid.

" Please!! Please!! Stop it " Sigaw ko at namaluktot na sa takot.

" Kenzo!! " Lumapit sa akin si Jeremiah na may pag aalala.

" Ayoko!! please, Ayoko!! please, Pakawalan nyo na ako!! Pleaseee, Waaaagggg!! " Humagulgol ako sa bisig ni Jeremiah.

" Kenzo, Ano bang nangyayari sayo?! " Tanong nito, Dahil iyak lang ako ng iyak, Dumating si Doc na may dalang injection at hindi na ako nakapalag pa ng iturok nya iyon sa akin.

" Doc, Ano yung tinurok mo?? Bawal yan dito sa school diba? " Jeremiah.

" Inihanda ko lang iyon para kay Kenzo dahil alam kong mangyayari ito sa kanya " Doc, Iyon lang ang huli kong narinig na pag uusap nila dahil nilamon na ako ng antok.

Jeremiah Castillo POV

Pinanood kong makatulog ng mahimbing si Kenzo sa Bed na meron dito sa Clinic ni Doc, Kanina ay hinubad ni Doc ang Jacket ni Kenzo at nakita ko ang mga Pasa nya na naninilaw na at naalala ko ang diary na nabasa ko.

Yung Diary nya na naiwan nyang nakabukas ng tumakbo siya palayo sa akin, Hindi ko naman sinasadyang basahin iyon kaya lang nacurious ako, Duon nalaman ko ang nangyari sa kanya sa previous School nya, Ang pang gagang raped sa kanya ng mga Kaibigan ng ex nya pati na ang Ex nya.

" Jeremiah, Dito na muna tayo sa labas hayaan muna natin si Kenzo magpahinga " Sabi ni Doc, Kaya tumango ako at iniwan si kenzo mag isa sa loob.

" Doc, Bakit bigla siyang nagkaganun? " Tanong ko ka Doc.

" Trauma " Simpleng sabi ni Doc at naghalo halong eksplenasyon ang umikot sa utak ko.

" Masyado syang nakampante, Kaya ayan ang nangyari sa kanya " Doc.

" Hindi ba sya ginagamot? " tanong ko dito.

" Ginagamot pa sya pero hindi pa sya totally nagagamot, nasa Process pa siya ng pag tanggap sa nangyari sa kanya pero alam mo naman na hindi ganun kadali yun, And What Kenzo experience is worst, He's young and Fragile na mas lalong nagtrigger ng Trauma sa kanya kaya pansin mo naman siguro ang pag iwas nya sa mga lalaki " Sabi ni Doc at lahat ng mga ginawang pag iwas sa akin ni Kenzo para hindi ako madikit sa kanya o siya ay nag sink in sa akin, Kaya pala ganun sya kaprotective sa katawan nya at kaya din pala palagi siyang nakajacket, kahit mainit ang panahon.

Ralph To Kenzo (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon