Chapter 39

12 2 0
                                    

Kenzo Villamar POV

Dumating ang Araw na pagdating ng mga Bisita kaya ito kami ngayon, Abala sa pagluluto, Tanghalian pa naman ang ginagawa namin kaya lang kailangan talagang bilisan para maihanda na agad ito sa Audit room.

Magkasama kami ni Cjay sa pag aayos ng sangkap, Paghihiwa ng mga gulay at pagpeprepare ng kanin, Tulong tulong na ang buong club kaya hindi na masyadong mahirap.

Pagpatak ng Tanghalian ay naiwan na ang iba dito sa Cooking club room, Para magpahinga habang yung mga officers ang nagdala ng mga pagkain sa Audit Room.

Uminom muna ako ng Malamig na tubig tsaka napalingon kay Aldrin na nakatitig pa din sa akin, Umiwas ako ng tingin sa kanya at agad napalingon sa pumalakpak na Officer ng club, Kaya kahit hindi alam kung bakit ay napapalakpak na din kaming lahat.

" Success, Guys!!! Nasarapan sila!! " Masayang sabi ng President namin kaya ang lahat ng members ay nagdiwang, Dahil sa Wakas hindi na nangungulelat ang club namin sa school na ito.

" Wuuuhhh!!! Celebration na ba ito, President!! " Sigaw ni Cjay sa sobrang saya.

" Aba!! Syempre!!! " Mas lalong sumigla ang buong club ng sabihin ni President na mag a-outing kami ng 2 days and 1 night, Staycation, Syempre ambag ambag.

" Sasama ka ba, Kenzo? " Tanong sa akin ni Ten habang sabay kami naglalakad pabalik sa Building.

" Hindi ako papayagan ng kuya ko " Sabi ko dito.

" Sumama ka na, Minsan lang naman iyun " Singit naman ni Cjay na nasa likod katabi si Aldrin maglakad, Nagkatinginan kami pero tumingin agad ako sa harap para tignan si Ten.

" Hindi ako sigurado " Sabi ko dito.

" Try mo pa din, Mas masaya kung kumpleto tayo " Ten, Tumango ako at ngumiti, " Hmm! Siya nga pala, Aldrin kamusta ang Community Service nyo? " Tanong ni Ten kay Aldrin.

" Ahh, It's fine malapit na din kami matapos 2 weeks nalang " Sagot ni Aldrin.

" Sus!! Ang tagal pa, Pre!! Boring siguro dun " Cjay.

" Gusto mo malaman? " Aldrin.

" Oo, Ano ba ginagawa nyo dun? " Cjay.

" Gusto mo pala malaman, Halika Suntukin kita para makasali ka sa Community service namin " Aldrin, Malakas namang tumawa si Cjay sabay layo kay Aldrin.

" Hindi, Pre Okay na pala ako dito " Cjay.

" Takot ka naman pala, Cjay eh " Nang aasar na sabi ni Ten, Ngumuso si Cjay at nang makita akong nakalingon sa kanya ay agad syang kumapit sa braso ko.

" Kenzo, Ipagtanggol mo ako " Cjay, Agad akong umiling at Lumingon sa harap, Nang makita ko si Ralph na may masamang tingin sa amin ay pilit kong inalis ang pagkakakapit sa akin ni Cjay.

" Uyyy, Ipagtanggol mo ako! " Cjay.

" Bakit ka naman nya ipagtatanggol? " Seryosong tanong ni Ralph at hinila ako palapit sa kanya.

" Ayy, Bakit may pahila Pre " Cjay.

" Wala ka na dun " Ralph, " Halika na nga, Kenzo " Dugtong pa nito.

Ang akala ko ay ihahatid na nya ako sa Labas ng school para makauwi na ako kung sakaling nasa Labas na naghihintay ang sundo ko, Akala ko lang pala iyon dahil Isinama ako nito sa Community Service nila.

Naabutan ko pang nag aaway sa Walis tingting si Thomas at Joshua, Tsaka sila napatigil ng mapansin ang pagdating namin.

" Uyyy, Bakit nagdala ka ng tutulong sa atin? " Joshua.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now