Chapter 3

30 6 7
                                    

Yang Jung Won as Joshua Brozo

Kenzo Villamar POV

Nang mag uwian ay nagligpit agad ako ng gamit, Kaya lang hindi agad ako pinaalis ni Jeremiah, dahil kailangan naming sumali sa Club ngayong araw, Naalala kong nasabi ko sa buong klase namin na cooking club ang former club ko, Pero ngayon ay wala akong balak sumali sa kahit anong club.

" Mas sikat ang Sports club dito " sabi ni Jeremiah, Bumaba kami upang bisitahin ang mga estudyanteng miyembro ng iba't ibang club na  nakatayo sa Baba ng building namin.

" Wala akong maisip na gusto kong salihan " sabi ko dito, Tumango naman sya at hindi na nya ako pinilit pa.

" Kung gusto mo, Hindi pa naman puno ang Cooking club, samahan kitang mag register sa kanila? " Napatigil ako sa paglalakad ko ng makita ko si Kier Ralph na nakaluhod sa Bike nya at sinisilip yung bike nya, Tsaka ko lang naalalang naflat ang Gulong nya kahapon, Agad akong lumapit sa kanya ng masiguradong abala si Jeremiah kausap nya.

Nagdalawang isip pa ako kung kakalabitin ko ba sya o kakausapin dahil sa nangyari kaninang pagtakbo ko ng walang pasabi.

Sa huli ay kinalabit ko sya sa balikat nya, Nakakunot ang noo nya akong nilingon at agad ding nawala iyon ng makilala nya ako, Agad syang nagpagpag ng kamay bago ako harapin.

" Pre? " Tanong nito sa akin, Tinignan ko ang Bike nya.

" Ahh, wala yan! Tumawag na ako sa kaibigan kong nag aayos ng Bike " Sabi nito pero nang tingnan ko sya ay halatang nagsisinungaling sya.

" Pauwi ka na ba? " Tanong nito sa akin, Tumango ako at napalingon ng marinig kong tawagin ako ni Jeremiah.

" Jeremiah! " Tawag ni Kier Ralph sa tumabi sa akin.

" Uy, Ralph " Tawag din naman pabalik ni Jeremiah dito at nagkamayan sila tsaka napatingin sa akin pero nagbalik din ng tingin sa isa't isa ulit.

" Magkakilala kayo?? " Tanong nila sa isa't isa, Nagtawanan sila sa pagsasabay nila magtanong.

" Oo, Pre classmate kami " Sagot ni Jeremiah, Tumango naman si Ralph.

" Ikaw, Paano kayo nagkakilala? " Tanong ni Jeremiah kay Ralph.

" Ahh, Nagkabungguan kami sa kalsada kailangan ko syang dalhin sa Clinic kahit na nagmamatigas sya " Sabi naman ni Ralph, Tinignan nila ako ng sabay tsaka tumawa, Nawala ang lakas ng loob kong makinig pa sa kanila dahil sa pagtawa nila sa akin.

Napansin naman ni Jeremiah na nagbago ang mood ko kaya tumigil siya sa pagtawa, Nilapitan nya ako at nais sanang hawakan pero mabilis akong humawak ng mahigpit sa pader at sa tenga ko kahit hindi na sila natawa pakiramdam ko ay pinagtatawanan pa din nila ako.

Nahirapan ako sa paghinga, tiningnan ko si Jeremiah para ipahiwatig na ayos lang ako pero mas lumala lang ito, Pumikit ako at ramdam ko ang pamamawis ng katawan ko, Sunod na naramdaman ko ay ang pag angat ko sa lupa.

Nagmulat ako ng mata pero si Ralph ang nakita kong nagbuhat sa akin at halatang nag aalala siya sa akin.

" Pre, Ayos ka lang ba? Dadalhin kita sa clinic " Sabi ni Ralph, wala na akong lakas para magpumiglas sa karga nya sa akin dahil mas binigyan pansin ko ang paninikip ng dibdib ko.

Pagdating namin sa Clinic ay inihiga nya ako sa kama at agad naman akong inasikaso ng Doctor, Pinakinggan nya ang tibok ng puso ko gamit ang Stethoscope nya, Sunod ay pinlashlight nya ang Mata ko, Itinuro ko ang bag ko kung saan naroon ang Gamot kong iniinom.

Ralph To Kenzo (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon