Chapter 32

5 1 0
                                    

Kier Ralph Ledesma POV

Napalingon ako sa kakalabas lang na isang lalaki sa school, It's Him Yung kasama ni Cjay sa 7/11 Nagkatinginan kami at sobrang weird ng titig nya, Parang ang lagkit, Napalipat ang tingin nya sa picture na hawak ko kaya ibinalik ko ito sa Bulsa ko.

Naglakad sya at huminto malapit sa akin, Parang naghihintay sya ng Sundo, Napalingon ulit ako sa kanya saktong nakatingin sya sa Relo nya at parang nakita ko na ito na suot ni Kenzo, Sa tingin ko mahal ang ganung brand.

" What are you looking at? " Tanong nito ng seryoso, Agad akong umiling at tumingin ulit ng diretso sa kalsada, Nagsisimula na naman kasing umulan, Kaya mabilis kong kinuha ang Bike ko na nasa kalsada, Pinarada ko ito sa tabi at napatingin kay Aldrin na nakamasid lang sa ginagawa ko.

" Ano yung nasa picture kanina? " Tanong nito, Agad akong umiling.

" Wala, Ahm Ako tsaka yung tropa ko lang nung soccer game " Palusot ko dito habang iniintay tumila ang ulan, Narinig ko ang pag ismid nya kaya nilingon ko agad sya, Anong tinatawa tawa nito?

" Really? " Hindi makapaniwalng tanong nito.

" Oo, Bakit? Anong nakakatawa? " Sagot ko dito, Agad syang umiling at pinigilan ang sariling tumawa, " Transferee ka? " Tanong ko dito, Agad syang tumango.

" Yup, Why do you ask? " Tanong nya pabalik sa akin.

" Wala lang " Sagot ko dito at agad may humintong magarang kotse sa harap namin, Agad ngumiti sa akin si Aldrin.

" Gotta go " Paalam nito, Agad akong tunango bilang pamamaalam din sa kanya, Sinulyapan nya pa ako ng nakangisi at sumakay na agad sa kotse, Sinundan ko lang ang kotse nila hanggang sa mawala na ito sa paningin

Sadyang napakaraming Rich kid sa eskwelahang ito.

Kenzo Villamar POV

Pinunasan ko ng tissue si Hamu para mas mabilis siyang matuyo, Pinaliguan ko kasi siya dahil na din sa init ng panahon ngayon, Wala si Kuya Kreno dahil matapos nya akong ihatid kinabukasan ay umalis din agad siya kaya ito na naman ako kasama si Kuya Steven.

" Kenzo " Tawag sa akin ni kuya Steven ng katukin nya ako sa pinto.

" Po?? " Magalang kong sagot dito.

" May Bisita ka " Sabi nito, Ha?? Sino naman bibisita sa akin ngayong araw ng linggo? Wait!! Kung si Ralph iyan hindi ko sya kakausapin.

" Si Jeremiah " Dugtong ni kuya Steven na parang inis ang tono, Kaya nilingon ko ito

" Okay po " Sagot ko dito at saktong pagtingin ko ay umalis na sya sa Pinto, Kumuha ako ng labahin ko at inilagay duon si Hamu para madala ko siya sa Baba.

Nakita ko si Jeremiah na nakaupo sa sala at may hawak hawak itong Paper bag, Kasalukuyan syang may tinitignan sa Pinto na nakabukas, Bumaba ako para makalapit sa kanya.

" Anong ginagawa mo dito, Jeremiah? " Tanong ko dito, Agad naman syang lumingon sa akin tsaka napatayo sabay ngiti akin.

" Ahh, Hi Kenzo May dala nga pala ako para sayo " Jeremiah, Inabot nya sa akin ang paper bag na may kabigatan, Inilapag ko muna sa coffee table si Hamu na nakabalot pa din ng damit.

" Para saan ito? " Tanong ko sa kanya.

" Nitong mga nakaraang araw kasi diba maulan, Vitamins yan para panangga sa trangkaso " Sabi nito at sabay kaming umupo sa sofa.

" Nag abala ka pa, Pero salamat nung naulanan ako muntik na akong lagnatin, Buti nalang naagapan " Sabi ko dito at inilagay ang paper bag sa Coffee table, Bigla namang lumabas ang Ulo ni Hamu sa Damit, Kaya kinuha ko muna sya na nakabalot pa din, Baka lamigin.

Ralph To Kenzo (On Going)Där berättelser lever. Upptäck nu