Chapter 38

11 1 0
                                    

Kenzo Villamar POV

I woke up with a Heavy heart, Para akong dinadagan ng mga nararamdaman ko ngayon, Madami akong nakilala pero sa Huli Dalawang tao pa din ang nanatili sa tabi ko, Si Kuya Kreno at Kuya Steven sa sobrang pag aalaga sa akin ay parang gusto kong umiyak dahil ito na naman ako nagiging pabigat sa kanilang magkaibigan.

Kahit ayaw ni kuya Kreno na pumasok na ako ngayong araw ay pinilit ko pa din, Walang mangyayari kung mag kukulong lang ako sa bahay, Tapos ko na naman ang mga Project kaya tingin ko ay oras na para ipasa ito.

" Kenzo " Tawag sa akin ni Kuya Kreno.

" Kuya? " Ako.

" Tumawag ka ah pag may problema " Kuya Kreno, Ngumiti ako at tumango bilang sagot sa kanya, Kinawayan ko ang paalis nyang sasakyan at nang tuluyan na itong mawala sa tanaw ko ay may biglang umakbay sa akin, Nang makilala ko si Cjay ay umalis agad ako sa akbay nya.

" Ayy, Ang tagal mong nawala Kenzo saan ka ba galing? " Cjay, Kasunod nya si Ten at si Aldrin, Kaya umiling ako.

" Jay, 'wag ka ng magulo " Saway ni Aldrin at nauna na itong pumasok sa Gate ng school, Sumunod si Cjay na nagpaalam sa akin sa pamamagitan ng tapik sa balikat, Tinignan ko silang sabay maglakad, Mukhang close na close na silang dalawa, Napalingon ako kay Ten na tumabi sa akin.

" Andami mong namiss na activity sa club " Ten, Tumango ako.

" Sorry " Paghingi ko ng paumanhin dito, Nilabas niya ang School ID nya para ipakita sa Guard kaya sumunod na ako sa kanya.

" 'Wag ka magsorry, Excuse ka naman sa lahat, Nagkasakit ka daw, Okay ka na ba? " Ten, Tumango ako ulit, Tumango din siya at nagpokus na sa paglalakad.

" Kulang ang grupo natin pag wala ka " Ten.

" Sorry " Ako, Narinig ko ang pagrereklamo ni Ten sa pamamagitan ng pag ismid tsaka lingon sa akin.

" There you go again " Ten.

" Sorry " Ako, Tumawa na sya ng tuluyan.

" Stop saying sorry, Nagsasabi lang naman ako " Ten, Hindi na ako nagsalita dahil sorry na naman ang naiisip kong sabihin.

" Alam mo na bang may community service na inaattenan yung mga lalaking yan? " Ten, Tumaas ang isa kong kilay at tinanaw si Aldrin at Cjay.

" Silang dalawa? " Tanong ko, Umiling si Ten.

" It's only Aldrin and the rest of Your classmate Friends, Lima sila " Ten.

" Bakit daw? " Tanong ko.

" May nasira sila sa Waiting shed ng school natin kaya bilang kabayaran kailangan nilang magcommunity service ngayong buong buwan, May mga bantay sila kaya walang takas " Ten.

" Tingin ko hindi ka talaga nagkasakit " Ten, Ngumiti lang ako ng pilit at huminto na ng makarating na ako sa building namin.

" Dito na ako, Ten " Sabi ko dito, Huminto sya para lingunin ako at tanguan.

" Sige, Una na ako " Ten, Papasok na sana ako sa Building kaya lang bumalik ulit si Ten.

" Ahh, Kenzo " Nilingon ko siya.

" Meeting ng club mamaya, Be on time ah After mo maglunch " Ten, Tumango ako at duon lang siya tuluyang naglakad paalis.

Pag akyat ko sa Classroom namin ay nagsitahimikan ang mga kaklase kong parang nasa palengke kung mag ingay, Ang iba ay may sarili pa ding mundo kaya hindi na ako nagbigay pa ng atensyon sa kanila.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now