Chapter 30

6 2 0
                                    

Birthday Part Two

Kenzo Villamar POV

" Oh, Sige mag pahinga ka na muna dito bababa lang ako para sabihing nagpapahinga ka muna " Sabi ko, Pagtayo ko ay hinila ako ni Jeremiah pahiga at hinawakan ang kamay ko sa kama.

" Jeremiah " Gulat kong tawag dito.

" 'wag na, Dito nalang tayo " Sabi niya at inalis ang salamin na suot sa mata, hindi siya nakapatong sa akin dahil nasa gilid ko lang siya.

" Can you let go of me? " Utos ko dito, Tinignan muna nya ang itsura ko sa kama bago ako bitawan at umayos ng upo, Napapikit din sya sa hindi ko malamang dahilan, Pinagmasdan ko siyang gisingin ang sarili sa tama ng alcohol na nainom.

" Sabihan ko lang sila " Sabi ko dito, Nagmadali na akong lumabas ng kwarto at agad pinakalma ang sarili, Kita ko sa mga mata ni Jeremiah na may gusto siyang gawin pero mabuti nalang at hindi iyon ginawa sa akin dahil..... Dahil baka mapahiya lang siya.

" Kenzo? " Nag angat ako ng tingin sa tumawag sa akin Umakyat pala si Ralph, Agad ko siyang nilapitan para hindi na sya tuluyan makaakyat sa kinaroroonan ko.

" Asan si Jeremiah? " Tanong nito.

" Ahh, Magpapahinga lang daw muna sya " Sabi ko dito at lumagpas ang tingin nya sa akin patungo sa pintuan ng kwarto kong nakasara pero napalingon din ako sa kwarto ko ng bumukas iyon para lumabas si Jeremiah.

Napahinto ito ng makita kami ng kaibigan nya, Tinuro nya kami ni Ralph pero agad syang umakbay sa akin at niyaya na akong makababa ng hagdan, Nilingon ko muna si Ralph na may masamang tingin na ipinupukol sa nakatalikod nyang kaibigan, Nilingon ako ni Jeremiah at ngitian nya ako kaya nginitian ko din siya.

" Sorry ah " Bulong nito, Agad akong tumingo at agad akong kinalabit ni Ralph sa braso habang nakakunot ang noo nya.

" Ano yun? " Tanong nito, Umiling ako at narinig namin ang tawanan sa labas ng teresa kaya lumabas na kami duon, Nakita ko si Kuya Kreno na natutulog na sa upuan, Inalis ni Jeremiah ang pagkakaakbay nya sa akin para makaupo na ulit sa tabi ni Kuya Kreno.

" Kuya Kreno? Huyy Kuya Krenoo? " Pang gigising ni Jeremiah sa kuya ko.

" 'wag mo na gisingin yan, Jeremiah Lasing na eh ako na bahala magpasok sa kwarto nya mamaya " Kuya Steven, Tumango naman si Jeremiah at agad kinuha ang baso na may lamang alak, Agad ko itong kinuha sa kanya.

" Jeremiah, Tama na lasing ka na eh " Sabi ko dito at umupo sa tabi nya, Nagulat naman ako ng yakapin nya ako at pagdikitin ang Pisngi namin dalawa, Mabuti nalang at lasing na din ang mga kasama namin mga wala ng pakialam sa paligid.

" Guys, Guys!! Laro tayo " Suhetsyon ni Thomas na mukhang kakagaling lang sa CR Umupo sya sa pagitan ni Cjay at Joshua na lasing na.

" Umiral na naman pagiging isip bata mo " Reklamo ni Joshua sabay tinampal ng mahina sa pisngi si Thomas na umupo sa tabi nya .

" Baliw, Maganda itong laro Tara na kasi " Thomas.

" Okay, Sige Ano bang laro yan?? baka taguan ng feelings Taya na agad ako " Joshua, Tumawa naman kami.

Ipinuwesto ni Thomas ang Walang laman na bote sa gitna ng Table at tinuro muna kami isa isa Bago nya ito paikutin ng mabilis, Teka!?? Kasali ba ako dyan?? Ewan ko pero Tumapat kay Cjay ang Bote.

" Ayy, Cooking ina member pala ito " Sabi ni Joshua habang kinakalabit sa braso si Cjay.

" Ano bang gagawin? " Tanong ni Cjay.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now