Chapter 14

8 1 0
                                    

Kenzo Villamar POV

Hawak hawak pa din nya ang palapulsuhan ko hanggang sa makarating kami sa Malaking park, Hindi ko alam kung anong lugar ito, Huminto kami sa tabi tsaka Umupo si Ralph sa Upuan na Bato.

" Nasaan tayo? " Tanong ko dito at umupo na din sa tabi niya, Napalingon siya sa akin.

" Ngayon ka lang ba nakapunta dito??  " Nagtatakang tanong ni Ralph, Tumango ako.

" Saan ka ba dati? Hindi ka ba taga dito talaga? " Tanong na naman nya, Umiling ako.

" Taga Manila kami " Sagot ko.

" Malineño kayo, Bakit kayo nandito? Baka may kamag anak kayo dito " Ralph, Umiling ako.

" Taga Bulacan kasi ang Kaibigan ng kuya ko, si Kuya Steven " Sagot ko.

" Sa kaibigan ng kuya mo kayo nakatira ngayon? " Tanong niya, Umiling ako.

" Hindi, May House and lot na binili yung kuya ko kaya duon kami nakatira ngayon, kasama lang namin si Kuya Steven sa bahay " Sabi ko dito, Natahimik kami bigla kaya hindi ko napigilan ang lingunin sya, Nakacross arms sya habang nalingon sa paligid.

" Hindi ka ba hahanapin ni Jeremiah? " Ralph, nagkibit balikat ako dahil kung hahanapin man ako nito, Pwede naman syang magtext sa akin.

" Ikaw, Hindi ka ba hahanapin ng Girlfriend mo? " Tanong ko dito pabalik, Napakunot ang noo nya sabay lihis ng tingin sa akin.

" Hayaan mo siya, Masaya naman sya dun " Ralph, Ako naman ang kumunot ng noo ko.

" Ha?? " Tanong ko dito, Ngumiti sya at lumingon sa akin.

" Hayaan mo sya, Minsan kasi hindi ko alam kung kami ba talaga " Ralph, Pagtapos niya sabihin iyon ay tumunog ang Cellphone ko, Kaya tinignan ko kung sino ang natawag.

" Sagutin mo muna, Baka nag aalala na sayo " Sabi ni Ralph ng makita nya ang pangalan ni Jeremiah sa screen ng cellphone ko.

Tulad ng sabi ni Ralph ay sinagot ko ang tawag ni Jeremiah sa akin.

Me:
Hello?

Jeremiah:
Asan ka?? kanina ka pa namin hinahanap, Kayo ni Ralph, Kasama mo ba si Ralph?

Lumingon ako kay Ralph.

Me:
Oo, Nandito kami sa Park.

Jeremiah:
Saang Park?

Me:
Ewan ko, Sumunod lang ako kay Ralph, Hindi ko kayo naabutan kanina.

Jeremiah:
Nandyan ba si Ralph? Kausapin ko nga.

Lumingon ulit ako kay Ralph, Kaya napalingon din ito sa akin na tila nagtataka kung bakit ako nakatingin sa kanya, Tinuro ko ang Cellphone at agad inabot sa kanya ito.

" Oh! Hello, Pre?? ----- Oh, Hinahanap pa pala nya ako? Akala ko kasi mas gusto ka nyang kasama------ Okay lang kami ni Kenzo, Enjoy nyo nalang yan ------- Hindi na kami kailangan dyan, ------ Hindi kayo nalang------ Byee " Ralph at nang iabot nya sa akin iyon ay agad kong tinapat sa tenga ko yung cellphone para kausapin si Jeremiah, Pero wala nang nagsasalita duon.

" Pinatayan ko na, Hayaan mo sila dun " Ralph, Sabay tayo kinuha nito ang gumulong na Bola palapit sa paa  nya, Sabay dribble ng bola at shoot sa ring pero dumaplis lang ito.

" Naglalaro ka ba ng Basketball? " Tanong nito, Agad akong umiling.

" Tara " Sabi nito at agad tumakbo palapit sa dalawang lalaking naglalaro, Nakikuha ito ng bola, Napatingin ako sa Itsura ko.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now