Chapter 17

10 3 1
                                    

Kenzo Villamar POV

Kinabukasan ay kahit puyat na puyat ay pumasok pa din ako, Dahil Unang una ay hindi kami pwedeng umabsent sa limang araw na Foundation day, Pagpasok ko sa Booth namin ay nandun na ang President namin.

" Good Morning, Kenzo " Bati nito, Binigyan ko siya ng simpleng ngiti at dumiretso na sa CR para magsuot ng Costume namin para sa araw na ito, Sinuot ko ang Pakpak sa Likod at nagulat ako ng pumasok si CJay mabuti at nakapagdamit na ako.

" Hi, Kenzo " Nakangisi nyang bati sa akin, Kaya nginitian ko din siya, Napatingin ako sa Cellphone nya ng ilapag nya ito sa gilid ng lababo, Naghugas lang sya ng kamay tapos pumasok na sa Isang Cubicle, Muling dumako ang mata ko sa Cellphone nya.

Nakalimutan nya yata, Agad akong lumapit sa Cellphone at magsasalita sana kaya lang napaisip ako, Binuksan ko ang Cellphone at sinalubong ako ng nakalock na screen pero isang swipe ko lang pababa ay bumukas na agad ito, Bumungad sa Screen ang Katawan ng Lalaking walang saplot, kaya nanlaki ang mata ko at napatakip sa Bibig.

Siya ba ito?? Hindi ako nakagalaw ng biglang bumukas ang pinto ng cubicle na pinasukan ni Cjay at pag angat nya ng tingin sa akin ay dumapo ang mata nya sa Cellphone nyang hawak ko, Sumilay ang Ngisi sa mga labi niya.

" Bakit nasayo cellphone ko?! " Nagtatakang tanong nito, Lumapit siya sa lababo para maghugas at sinulyapan ako sa gilid.

" Wala kang makikita dyan, Puro kabastusan lang ang nasa Cellphone ko " Sabi nito na tila alam na may hinala ako, Siya ba??

Hinarap nya ako dahil hindi ko siya nilulubayan ng masamang tingin, Nakangisi pa din syang inilapit ang mukha sa akin sabay pindot sa ilong ko, Agad akong napakurap dahil hindi na pala ako kumukurap sa sobrang titig sa kanya.

" Ang sama mo naman tumingin " Sabi nito, Nang nakangisi at agad nanlaki ang mata ko ng dumampi ang labi nya sa ilong ko, Muntik na akong mapamura sa sobrang galit na umusbong dahil sa ginawa nya, Napapunas ako duon gamit ang kamay na may hawak sa cellphone nya.

Agad nyang kinuha ang cellphone mula sa kamay ko.

" Fan ako ng Lalaking May Abs " Sabi nito, Habang nag tatype sa Cellphone at Nangunot ang noo ko ng ipakita nya ang Album ng iba't ibang lalaki na nakahubad.

" Gusto ko kasing maachieve yung katulad ng katawan nila, Para Masarap " Sabi nito, Kaya lumayo ako sa kanya.

Please, Yung mga Salitang lumalabas sa Bibig nya ay parang may katulad, Si Aldrin, Agad akong umiling dahil taga dito si Cjay habang si Aldrin ay nasa Maynila, Muli akong napalingon kay Cjay ng nagkibit balikat sya.

" Hindi ka ba mahilig sa ganito?? " Tanong nya ng nakakainsulto, Kung mahilig man ako sa mga ganun ay wala na syang pakialam, Hindi ko siya sinagot dahil iniwan ko na siya sa loob ng CR mag isa.

Bumalik ako sa Booth namin at nagsisimula na sila sa pag aayos ng mga gamit, Agad akong tinawag ni Edmark para magpunas ng mga gamit na pagkakainan ng mga customer mamaya.

" Saan ka galing? Akala ko tuloy late ka " Sabi nito, Nakasuot na din siya ng costume mukhang sa ibang CR sya ng Palit ng damit.

" Nag Cr lang " Sabi ko dito, Makailang minuto ang lumipas ay bumalik na din dito si CJay at mukhang wala na yung nangyari kanina sa CR dahil bumati siya sa amin ni Edmark ng mapadaan sya sa gilid, Lumapit siya kay Ten at may pinag usapan silang hindi ko alam.

Nang mag dagsaan na ang pagdating ng mga tao ay nagsimula na din kami ni Edmark sa paglilibot para mamigay ng Brochure, sinabi pa ni Edmark na maghiwalay kami para mas madami kaming maging customer, Agad akong ngumiti sa Dalawang magkaibigan na babae, Binigyan ko sila ng Brochure at mukhang gutom na din sila kaya sinabi nilang magtatry sila sa Restocup namin, Nagpasalamat naman ako.

Ralph To Kenzo (On Going)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora